68

967 63 17
                                    

MABILIS na nag-park ng kotse niya si Hanz pagkarating niya sa isang restaurant kung saan doon sila magkikita ni Deymian ng araw na 'yun. Maaga kasi siyang tinawagan ni Caerus tungkol sa pagpayag ni Deymian na makipagkita sa kaniya para sa paghingi niya nang tulong sa paghahanap kay Shy. Kaya kahit masakit ang ulo niya dahil sa rami ng alak na ininom niya at idagdag pa na hindi siya masyadong nakatulog kagabi ay nagmadali pa rin siyang nag-ayos ng kaniyang sarili.

Pasado alas-nwebe pa lang nang umaga ng mga sandaling 'yun kaya naman wala pang masyadong tao sa loob ng restaurant nu'ng pumasok siya kaya naging mabilis lang para kay Hanz na makita si Deymian.

Kumaway pa si Deymian sa kanya kaya naman nakita niya agad ang lamesa na pinagkakaupuan nito.
Pagkalapit niya ay agad siyang umupo sa harapan ng kaibigan.

"Long time no see, Del Verde." Si Deymian ang unang bumati sa kaniya at binatuhan niya ito nang simpleng ngiti lang at binati rin pabalik ang binata.

"Long time no see rin, Cruz..." pa-unang wika niya. "Siya nga pala, alam ko naman na nagmamadali ka dahil nabanggit na sa akin ni Caerus na aalis ka na rin ng Manila... pasensya na kung kailangan ko rin nang tulong mo; alam kong nabigla ka. Pasensiya na kung wala akong pasabi," dagdag niya pa.

"Wala 'yun, at madali lang naman ang gusto mong ipagawa, tama ba? Nabanggit din sa akin ni Caerus na may hinahanap ka raw na isang babae."

At sunod-sunod ang ginawa ni Hanz na pagtango bilang pagsang-ayon saka siya nagsalita, "Oo. Gusto ko rin na malaman kung gaano katagal ang aabutin bago mo malaman ang location niya? "

"Depende. Kung outside Manila, 1-3 weeks, I think. Pero kung taga-dito naman siya sa Maynila at may sapat na impormasyon ka na masasabi sa akin, baka isa, hanggang dalawang araw-pwede rin na ngayong araw lang din mismo ay malaman na natin kung saan siya nakatira. Basta depende sa maibibigay mong impormasyon sa akin," paliwanag at sagot sa kaniya ni Deymian.

Napahinga naman si Hanz nang maluwag dahil akala niya ay magtatagal ang paghahanap ni Deymian kay Shy. Buti na lang kahit papaano ay may alam siya tungkol sa dalaga dahil sa minsan na rin nilang napag-usapan ang tungkol sa isa't-isa.

"Shy Montes ang pangalan ng babaeng ipapahanap ko sa'yo- Shy Alexandria Montes to be exact. Nabanggit niya sa akin dati na nag-aral siya ng architecture," pagbibigay impormasyon ni Hanz kay Deymian kung saan mabilis naman na isinulat ni Deymian 'yun sa booklet na hawak niya.

"Pangalan ng mga magulang niya, alam mo ba?" tanong pa ni Deymian na mabilis naman na sinagot ni Hanz nang pag-iling. Wala kasing nabanggit si Shy sa pangalan ng mga magulang nito kaya wala siyang maisagot. "How about mga kapatid niya?"

Inalala naman ni Hanz ang pangalan ng mga kapatid ni Shy dahil naalala niya na nabanggit din ni Shy 'yun sa kaniya noon.

"Shawn 'yung pangalan ng kuya niya, then 'yung bunso naman-"

Hindi natuloy ni Hanz ang sasabihin niya dahil bigla siyang na-interrupt ng biglang nag-ring ang cellphone niya. Nakita niya na si Alexander ang tumatawag kaya hindi niya maiwasan na mapakunot ng noo sa pagtataka kung bakit ito tumatawag sa kaniya ng mga oras na 'yun.

"Wait lang Deymian, sasagutin ko lang muna to," paalam ni Hanz at tumango lang naman si Deymian sa kaniya bilang pagsang-ayon. Hindi na lumayo pa si Hanz at tuluyan niya na ngang sinagot ang tawag ng kaibigan.

"Hello? Bakit napatawag ka? I'm on the middle of a meeting right now, make it fast."

[I am also in the middle of a meeting, and I think you should go here to my airport now.]

"Huh? What do you mean?" he asked while frowning.

"Mukhang kamag-anak kasi ni Shy 'yung isang lalaking ka-meeting ko ngayon, ang pangalan niya ay Shawn Montes. Kumukuha sila ngayon ng isang private airplane. Bilisan mo dahil patapos na ang meeting namin.] At doon na namatay ang tawag ni Alexander sa kaniya.

SN 3: Pregnant by Hanz Del VerdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon