Kahit na ang daming tumatakbo sa isip ni Hanz ng mga sandaling 'yon ay pilit na itinuon niya ang kaniyang atensyon sa pagmamaneho. Matapos kasi ang seryosong usapan nila ni Dra. Montecarlos, nagpasya na siyang magpaalam dito upang puntahan naman si Shy ospital.
Wala pa siyang nabubuong desisyon. Pakiramdam niya ay nababalangko ang utak niya, wala siyang maisip na kahit ano. Natatakot siya na gumawa ng hakbang. Natatakot siya dahil alam niyang walang kasiguraduhan ang alin man sa mga nakalatag na pagpipilian.
Habang diretso lang na nakatingin ang kaniyang mata sa kalsada, biglang tumunog ang monitor ng kaniyang sasakyan, hudyat na may tumatawag sa kaniya, kaya naman doon napagawi ang tingin ni Hanz. Nakita niya na unregistered ang number. Sa pag-aakala na ang sectretary niya ang tumatawag dahil ilang araw na rin siyang hindi bumibisita sa kaniyang opisina ay sinagot niya 'yon.
"Hello?" walang mababakas na emosyon sa boses niya.
[Is this Hanz?]
Kumunot ang noo ni Hanz nang marinig ang hindi pamilyar na boses ng lalaki sa kabilang linya; katulad niya ay wala ring emosyon ang boses ng kausap. Kahit nagtataka ay sumagot pa rin siya rito, "Yes, speaking?"
[This is Shawn.]
Kusang kumabog ang dibdib ni Hanz nang marinig niya ang pangalan na 'yon. Kinabahan na naman siya at nakaramdam ng matinding takot na baka may dala itong masamang balita. Huwag naman sana.
Lumunok muna siya ng laway bago nagsalita, "B-bakit? Napatawag ka? M-may nangyari ba?" Gusto sanang ihinto muna ni Hanz ang pagmamaneho sapagkat gusto niyang pagtuunan nang pansin ang pakikipag-usap sa kapatid ni Shy, ngunit hindi niya magawa dahil may mga sasakyan sa kaniyang likuran.
Hindi agad nagsalita si Shawn sa kabilang linya. Hindi na tuloy mapigilan ni Hanz ang makaramdam ng dobleng kaba. Ramdam niya rin ang higpit nang pagkakakapit niya sa manibel ang sasakyan. Bago pa man makapagdesisyon si Hanz na muling magsalita, naunahan na siya ni Shawn.
[I got your phone number from Awie. I called you because... I want you to know that you have my permission to take place in watching Shy tonight here at the hospital.]
Nanlaki ang dalawang mata ni Hanz sa kaniyang narinig lalo pa at hindi niya talaga inaasahan 'yun mula sa kuya ni Shy. Hindi siya makapaniwala. Hahayaan talaga siya ni Shawn na magbantay kay Shy sa ospital ng gabing 'yon?
Ano pa man ang dahilan, ay gustong-gusto niya ang ideya na 'yun kaya agad siyang pumayag at nagpasalamat. "Thanks. Uuwi lang muna ako sa bahay at kukuha ng ilang mga gamit. Pupunta na agad ako diyan sa ospital."
[Okay. No rush. Hihintayin kita, may mga pag-uusapan pa tayo.]
Pagkatapos ng tawag na 'yun dumiretso na nga muna si Hanz sa kaniyang bahay. Nagpaalam na rin siya sa kaniyang Dad at Tita Isabel. Masaya ang mga ito sa nalaman.
"Buti naman kung gano'n. Akala ko ay talagang magmamatigas sila na hindi mo mabantayan si Shy sa ospital. Alam kong nahihirapan ka rin sa sitwasyon na 'yon, anak," saad sa kaniya ng kaniyang Dad.
"I also can't believe, Dad. Pero wala na akong pakialam pa roon, ang mahalaga ay makakasama at mababantayan ko si Shy ngayong gabi... kahit ngayong gabi lang," sagot ni Hanz, hindi magawang batuhan nang tingin ang dalawang matanda dahil abala siya sa paglalagay ng ilang mga damit sa isang itim na gym bag.
"Basta tumawag ka kung ano man ang mangyari, huh," malumanay na saad naman ng kaniyang Tita Isabel.
Sakto na pumasok na rin sa kaniyang silid si Manang Irma bitbit ang isang paper bag. "Oh, heto, magdala ka rin ng ilang mga pasalubong ko para kay Shy, Hanz. Galing pa 'yan sa probinsya, talagang binili ko 'yan para sa kaniya. Nakakalungkot lang dahil hindi ko maibibigay ng personal sa kaniya. Bakit ba kasi hindi ka nagsabi na nagkakaproblema ka na pala rito... eh di sana ay umagap ako sa pagbalik."
BINABASA MO ANG
SN 3: Pregnant by Hanz Del Verde
Ficção AdolescenteSINFUL NIGHTS SERIES 3 R-18 | Mature Content "I fucked different women countless times , but to be in the top of you and thrust inside of you, always gave me unfamilliar feeling that I wanted to feel every minutes and even seconds. I love you! My he...