"Tita, Dad... alam niyo naman na wala akong oras para sa mga bagay na ganyan," walang emosyon na saad ko habang nasa kinakain ko lang ang buong atensyon ko. Hindi ko na sila binatuhan pa nang tingin dahil sigurado ako na makikita lang nila sa mga mata ko ang tunay na dahilan kung bakit ako tumatanggi.
Kasalukuyan lang na kumakain kaming tatlo rito sa hapag-kainan ng tanghalian.
"Hanz, alam naman namin na ayaw mo talaga, pero sa tingin ko ay dapat kang pumunta. Nakakahiya naman kay Zeid at Heillie," sagot ni Tita Isabel sa akin sa malumanay niyang boses.
Nang i-angat ko na ang paningin ko sa kanila, napansin ko pa ang simpleng pagtitinginan nilang dalawa ni Dad bago muling ibinalik ang tingin sa akin. Nagpakawala ako nang mahinang buntong-hininga bago muling nagsalita, "Ayokong iwan si Hazen dito, kalalabas niya lang ng ospital noong nakaraang araw. Mas kailangan ako ng anak ko."
"Nandito naman kami ng Tita Isabel mo. Sa tingin mo ba ay pababayaan namin si Hazen?" si Dad naman ang nagsalita.
Hindi ako nakapagsalita. Nabanggit na rin kasi sa akin ni Zeid at Heilli ang tungkol nga sa magaganap na birthday ng kambal nilang anak na sina ZK at KZ na gaganapin sa Batangas sa darating na Biyernes. Niyaya nila akong pumunta dahil malaki rin daw ang naging ambag ko sa love story nilang dalawa. Remember? Doon din sa Batangas na 'yun sila kinasal noon, niregaluhan ko pa nga sila ng yate.
Hindi naman ako tumatanggi dahil lang sa ayokong iwan si Hazen dito, pero ayoko rin naman talagang pumunta. Baka makasira lang ako sa enjoyment nila dahil alam ko sa sarili ko na hindi rin naman ako makakapagsaya. Kailan ba ako naging masaya ulit? Nakalimutan ko nang maging masaya, sa totoo lang.
Hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita ulit si Dad. "Tama rin ang tita mo, nakakahiya sa kaibigan mo kung hindi ka pupunta sa birthday ng kambal nilang anak. Alalahanin mo na lang 'yung mga naitulong nila sa'yo noong nangangailangan ka. Tandaan mo, sila ang tumulong sa iyo noong kailangang-kailangan mo ng gatas para kay Hazen, 'di ba? At saka, dalawang araw lang naman, eh."
Sinundan naman 'yun agad nang pagsang-ayon ni Tita Isabel. "Halos isang linggo ka rin na sunod-sunod na nagbantay kay Hazen sa ospital. Take this as your rest, Hanz."
Nagpakawala na lang ulit ako ng isang mabigat na pagbuntong-hinininga. Mukhang wala na nga akong magagawa kung hindi ang pumayag.
"Fine. I'll go." 'Yun na lang ang sinagot ko at nagpatuloy na lang ulit sa pagkain.
MABILIS lang lumipas ang araw. Naghahanda na ako ngayon sa pag-alis ko. Ngayon kasi ang alis namin para pumuntang Batangas. Huwebes ngayon at bukas magaganap 'yung birthday party ng kambal. Humihikab-hikab pa ako habang binubutones ang suot kong white polo. Inaantok pa ako dahil alas-sais pa lang ng umaga. Kailangan kong magmadali dahil tiyak na susunduin na ako ni Alexander anumang oras; kami ang sabay na pupunta sa Batangas. Wala akong balak na magdala ng kotse dahil tiyak na maglalasing lang din naman ako roon.
Maingat ang bawat galaw ko dahil ayokong magising si Hazen. Mahimbing pa rin kasi siyang natutulog sa may kama ko.
Hindi nagtagal ay napagawi ang tingin ko sa may pintuan ng kwarto ko nang marinig ko ang mahihinang katok mula sa labas. Hindi pa man ako nakakasagot ng 'pasok' ay unti-unti na 'yung bumukas. Doon ay pumasok si Tita Isabel bitbit ang isang royal blue na paper bag, maliit lang 'yun, at halatang alahas ang laman dahil sa tatak na Swarovski.
Napansin ko na napagawi ang tingin niya sa kama upang batuhan nang tingin si Hazen. Tiyak na nandito siya para palitan na ako sa pagbabantay sapagkat paalis na nga ako.
Babatiin ko pa sana si Tita ng 'good morning' nang ibaling niya na ang tingin sa akin, kaya lang napansin ko na agad ang pagkakakunot ng noo niya. Bumuga siya nang malalim na hininga. "Hanz naman! Hindi ka man lang ba mag-aahit bago ka umalis?" tila'y naiinis na ang tono ng pananalita niya, pero nandoon pa rin ang pagkontrol sa boses upang maiwasan na magising si Hazen.
BINABASA MO ANG
SN 3: Pregnant by Hanz Del Verde
Novela JuvenilSINFUL NIGHTS SERIES 3 R-18 | Mature Content "I fucked different women countless times , but to be in the top of you and thrust inside of you, always gave me unfamilliar feeling that I wanted to feel every minutes and even seconds. I love you! My he...