HANZ's POV
Isinandal ko ang ulo ko sa tiles na pader ng banyo ko habang ramdam ko ang sunod-sunod na pagpatak na naman ng luha. Napapagod na ako dahil para bang hindi sila nauubos. Gumagalaw ang balikat ko habang dinamdam ang kalayaan na makaiyak ngayon dahil ako lang ang nandito sa loob ng CR.
Sa loob ng halos isang taon, nawala na sa daliri ko kung ilang beses na ba akong umiiyak ng ganito. Kung ilang beses ko na bang paulit-ulit na binabalikan ang lahat, kung ilang ulit ko na bang sinasaktan ang sarili ko.
Ilang ulit ko na ring itinatanong sa sarili ko kung paano ko ba siya ulit makakasama? Paano ko ba ulit siya masisilayan at mahahagkan? Gustong-gusto ko na siyang sundan kung nasaan man siya... gustong-gusto! Pero kapag ginawa ko 'yun, paano ang anak namin?
Paano si Hazen? Paano ko siya iiwan kung kailangan niya rin ako sa sitwasyon niya ngayon?
"Hanz? Nasaan ka?"
Nahigit ko ang sarili kong paghikbi nang marinig ko ang boses ni Manang Irma sa labas. Halata na nasa loob siya ngayon ng kwarto ko. Mabilis kong pinahid ang luha ko at tumayo na rin mula sa pagkaka-upo ko rito sa tiles.
"Manang. Nandito lang po ako sa banyo, naghihilamos," sagot ko, hindi pa rin binubuksan ang pinto. Kapag ginawa ko 'yun, tiyak na mapapansin niya na galing ako sa pag-iyak. Hindi ko kayang ipakita sa kanila ang ganitong sitwasyon ko, hindi dapat ako maging mahina. Hindi dapat nila malaman na sa loob ng halos isang taon... ganito pa rin ako, na ganito pa rin...ako.
"Nasa baba na ang Tita Isabel mo, kararating lang. Hindi niya kasama ang Daddy mo, tiyak na nagpa-iwan 'yon sa ospital. Bumaba ka na, hinahanap ka ng tita mo."
"S-sige po, Manang. Pababa na po ako."
Mabilis ko lang na inayos ang sarili ko. Nagbihis na rin ako para diretso na lang akong pupunta sa ospital upang palitan si Dad sa pagbabantay. Tiyak na puyat na silang dalawa ni Tita Isabel. Nakakahiya na rin. Alam ko na dahil sa akin... hindi sila makabalik sa sariling buhay nila sa Hawaii.
Agad na sumalubong sa akin si Tita Isabel sa sala, nakaupo ito sa sofa habang umiinom ng tubig. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo, halata na naman sa mukha niya ang pag-aalala nang matitigan niya ako.
Isang simpleng ngiti ang ibinato ko sa kaniya, pero hindi niya 'yun pinansin at hinawakan niya pa ang pisngi ko.
"Nakatulog ka ba? Bakit parang hindi ka na naman nakatulog?" nag-aalalang tanong niya. To be honest, I have trouble sleeping... ever since she disappeared from my life.
"Nakatulog ako, Tita, don't worry," simpleng sagot ko. Nagsinungaling ako, kahit alam ko na alam na rin ni Tita na hindi 'yon totoo.
"Hindi ba at sinabi ko sa'yo kahapon na mag-ahit ka na rin ng bigote mo pagka-uwi mo rito sa bahay? Hanz naman, please take care of yourself. Ang tanda-tanda na ng mukha mo," sermon niya pa sa akin. Ano naman ang gagawin ko? Simula ng mawala siya, wala na rin akong pakialam pa sa sarili ko.
"I'm fine, Tita. Aalis na po ako, kailangan ko ng palitan si Dad sa ospital." Mabilis na paghalik na lang sa pisngi niya ang iginawad ko bago ako tuluyang lumabas na ng bahay.
Sumakay na ako sa kotse ko at mabilis na ipinatakbo 'yun papunta sa St. Helleis Hospital.
Sa loob ng halos isang taon, sa ospital at bahay na lang umiikot ang buong araw ko. Minsan, bumibisita rin ako sa shop, pero sobrang dalang lang. Kay Bryce ko muna hinabilin ang pangangalaga ng La Car Del Verde. Nag-insist na rin kasi siya na bigyan ko siya ng pagkakaabalahan since hiatus siya ngayon sa pagiging artista, at kinuha ko naman ang pagkakataon na 'yon para ituon ko lang ang atensyon ko sa ospital, para ituon ang buong atensyon at buhay ko kay Hazen... gaya nang gusto niya.
BINABASA MO ANG
SN 3: Pregnant by Hanz Del Verde
Teen FictionSINFUL NIGHTS SERIES 3 R-18 | Mature Content "I fucked different women countless times , but to be in the top of you and thrust inside of you, always gave me unfamilliar feeling that I wanted to feel every minutes and even seconds. I love you! My he...