Sabay na bumaba ng sasakyan si Hanz at ang kaniyang mga magulang nang makarating sila sa CBZ Hospital. Nang araw kasi na 'yon ay napagkasunduan ng kaniyang Dad at ng kaniyang Tita Isabel na bisitahin si Shy sa ospital. Pumayag naman agad si Hanz sapagkat alam niya na ikakatuwa ni Shy ang pagbisita ng kaniyang magulang.
"Naku! Nakalimutan natin na bumili man lang ng bulaklak, hon," saad ng kaniyang Tita Isabel sa kaniyang ama nang isarado nito ang pintuan sa may backseat. Bitbit nito sa kanang kama ang isang maliit na basket na puno ng iba't-ibang klase ng prutas.
Hinarap ni Hanz ang kaniyang Tita Isabel, at saka nagsalita, "There's no need for that, Tita."
"Oo nga. Pero mas maganda pa rin na mabigyan natin siya ng bulaklak, Hanz," biglang saad ng kaniyang Dad nang makalapit na ito sa pwesto nila kasabay nang pag-tap nito sa kaniyang balikat.
"Kami na ang bibili ng daddy mo. May nakita naman kami diyan sa malapit na tindahan ng bulaklak. Mauna ka na, at dalhin mo 'to," wika pa ng kaniyang tita kasabay nang pag-abot nito sa kaniya ng basket.
Ngumiti naman si Hanz at saka tumango.
"Sige. Mag-ingat po kayo." Tuluyan na ngang nagpaalam sa kaniya ang mga ito.
Hindi na rin nagsayang pa ng oras si Hanz. Agad na siyang pumasok sa loob ng ospital. Buong-gabi siya na hindi nakatulog. Hindi talaga siya masanay-sanay na hindi niya makatabi at makita si Shy. Kung pwede niya nga lang talaga na ipilit na magbantay rin siya sa ospital, gagawin niya. Kaya lang, alam niya na hindi papayag ang kapatid nito na si Shawn.
Mas binilisan na ni Hanz ang kaniyang paglalakad. Gustong-gusto niya na talagang makita si Shy. Tahimik ang hallway patungo sa silid ng dalaga... ngunit, awtomatikong napako ang kaniyang mga paa nang marinig niya ang hindi kalakasan, pero may diin na mga boses sa loob ng silid ni Shy.
"Ano bang halloween party ang tinutukoy mo, Shy?"
Hindi man makita ni Hanz kung sino ang nagsalita ay alam niyang si Shawn 'yon. Kumunot ang noo ni Hanz sa kaniyang narinig.
"February na ngayon. Matagal nang lumipas ang November kaya hindi kita maintindihan," dagdag pa na saad ng boses ni Shawn mula sa loob ng silid.
Kusang bumalik sa alaala ni Hanz ang nangyaring pag-uusap nila ni Shy kagabi sa telepono. Naalala niya na nabanggit din ni Shy ang tungkol sa halloween party na maging siya ay hindi niya maintndihan.
Bigla siyang napuno ng pangamba. Hindi na rin siya nakapagpigil pa at mabilis na siyang lumapit sa nakasaradong pintuan ng silid at kinatok niya 'yon.
Si Ginno ang nagbukas ng pintuan sa kaniya. Parehong nakatingin ngayon si Shy at Shawn sa kaniya nang makapasok siya sa silid ng kasintahan. Doon ay nakita niya na nakatayo si Shawn sa harapan ni Shy habang nakapamewang pa 'to... habang ang dalaga naman ay nakaupo sa gilid ng kama habang nakalaylay sa sahig ang dalawang paa.
Hindi nakaligtas sa paningin ni Hanz ang pagkislap ng mga mata ni Shy sa kaniya kasabay nang mabilis na pagtayo nito sa kama. Pagtayo pa lang ni Shy ay mas lalong naging halata na ang pamimilog ng maumbok nitong tiyan.
Ngunit hindi na 'yon napagtuunan pa ng pansin ni Hanz sapagkat napagawi na ang kaniyang mga mata sa malawak na pagkakangiti ni Shy sa kaniya.
"Hanz, mabuti naman at nandito ka na. Sinusundo mo na ba ako?" tanong ni Shy.
Hindi nakasagot si Hanz ng mga sandaling 'yon sapagkat maging siya ay hindi niya rin alam ang isasagot. Pakiramdam niya ay nagkaroon ng malaking bara ang kaniyang lalamunan na pumipigil sa kaniya na makapagsalita. Napansin niya rin ang pagkakakunot ng noo ni Shawn habang nakatingin din sa direksyon niya.
BINABASA MO ANG
SN 3: Pregnant by Hanz Del Verde
Teen FictionSINFUL NIGHTS SERIES 3 R-18 | Mature Content "I fucked different women countless times , but to be in the top of you and thrust inside of you, always gave me unfamilliar feeling that I wanted to feel every minutes and even seconds. I love you! My he...