EPILOGUE

593 14 0
                                    

"I'm home, baby." May ngiti sa labi ko nang makauwi na ako sa bahay. Nilingon ko ang paligid ng sala, nagbabakasakali na makita si Hanz sa living room pero wala siya. Ngunit nang marinig ko ang kalambog ng kawali sa may kusina, alam ko na siya 'yon kaya naman mabilis akong naglakad papunta roon. Hindi naman ako nagkamali, nakita ko si Hanz sa may harapan ng kalan at mukhang nagluluto ng dinner namin. Nakasuot pa siya ngayon ng itim na apron. Chef na chef ang datingan ng asawa ko, ah.

Malawak ang pagkakangiti ko nang lapitan ko siya. Akala ko ay ibabaling niya ang tingin niya sa akin pero nanatili lang ang tingin niya sa niluluto niyang steak.

"Baby? I'm home! Hindi mo man lang ba ako sasalubungin ng yakap?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya umimik, pero doon ko lang napansin ang pagkakatulis ng kaniyang nguso habang nakapokus sa niluluto. Hala? Ano naman kaya ang problema ng lalaking 'to? "Hanz? May problema ba?" tanong ko ulit sa kaniya dahil halata na ngayon na hindi niya ako pinapansin.

Hays. Mukhang alam ko na. Mukhang alam ko na talaga kung ano na naman ang problema ng lalaking 'to. Wala na yatang gabi na umuuwi ako galing work na meron siyang irereklamo sa akin, eh. Gabi-gabi na lang talaga, to. Promise!

"Hooh. Fine! Ano na naman ba 'yon? Sabihin mo na, makikinig ako." Namewang na ako ngayon sa harapan niya habang tinatanggal na 'yung suot kong dark violet na blazer.

Walang imik na pinatay niya 'yung electric stove at saka mabilis na inabot 'yung phone niya.

Kumunot ang noo ko nang makita na seryoso lang ang mukha niya habang may pinipindot siya doon. Hindi nagtagal ay mabilis niyang iniharap sa akin 'yung screen ng phone niya. Awtomatikong namilog ang aking mata nang makita ko 'yung my day ni Awie sa phone niya. Nandoon ako kasama si Awie at 'yung ibang mga ka-officemate ko sa kompanya. Halos lima kami na nandoon, tatlong babae kami, at dalawang lalaki. Ito 'yung breaktime namin kanina; nagko-coffee break kami.

"Oh? Anong problema?" tanong ko kay Hanz at ibinalik ko na sa kaniya ang tingin ko. Ibinaba niya na 'yung phone niya at pansin ko na mas lalong sumimangot ang mukha niya. Ang cute naman ng asawa ko.

"Bakit may katabi kang dalawang lalaki rito? Talagang sa tabi mo pa sila umupo, ha." Halata ang pagseselos sa boses niya pero mahinahon pa rin; 'yung tipong nagpapalambing lang. Muli niya tinuro 'yung phone niya. "Hayan. Ang linaw ng ebidensiya."

Pinapagitnaan kasi ako ng dalawang lalaki na ka-officemate ko roon sa litrato habang si Awie naman ay katabi 'yung isa pang babae na kasama namin.

"May pinag-uusapan kasi kami tungkol sa design ng bagong project namin sa Zambales, baby," malumanay na sagot ko sa kaniya.

Halos apat na taon na rin ang nakakalipas. Nagtatrabaho na nga pala ako sa kompanya nina Mom and Dad, magda-dalawang taon na rin ako roon as their architect. Isang taon akong nagtrabaho sa kanila bago kami nagpakasal ni Hanz. Magto-two years na kami.

Iginugol ko naman ang dalawang taon ko kay Hanz at Hazen matapos naming magpakasal noon. Katulad nang sinabi ko, bumawi ako sa aking mag-ama. Bilang asawa ni Hanz, at bilang ina naman ng anak namin. Pinagtuunan naming pareho ni Hanz ang kalusugan ni Hazen, ngayon ay okay na siya... pero may asthma pa rin ito. Buti na nga lang at hindi na 'yon malala tulad ng dati, nadadaan na ngayon ang hika niya sa inhaler lang.

Matapos ng dalawang taon na 'yon na pagpopokus sa pamilya, nagpasya na rin akong bumalik sa trabaho ko. Alam ni Hanz na bilang architect talaga ang pangarap ko. Pumayag naman siya sa gusto ko. Gusto niya raw kasi na maabot ko lahat ng pangarap ko sa buhay.

Okay na okay pa nga siya no'n, eh... as in suportado niya talaga ako. Kaya lang, nagkaproblema nga lang kami noong minsan niya akong binisita sa opisina at nakita niya na puro naggwa-gwapuhan na mga intern ang nakapaligid sa akin. Karamihan kasi sa mga graduating student ay doon nag-o-OJT sa kompanya namin. Ayun! Nagselos ang lolo niyo.

SN 3: Pregnant by Hanz Del VerdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon