75

382 13 4
                                    


"Fiance? Ano naman niyang kalokohan na sinasabi mo?" Tumawa ng pagak si Shawn na para bang isang biro lang ang sinabi ko. Halata naman na hindi siya maniniwala sa sinabi ko kaya bakit pa ba ako aasa na paniniwalaan niya ako. "Sinasabi mo ba 'yan sa akin ngayon para lang magkaroon ng validation ang opinyon mo tungkol sa kapatid ko? Sa tingin mo ba ay magkakaroon ka na ng karapatan na mag desisyon ngayong sinasabi mo na fiance ka niya?" Dagdag na saad niya pa kung saan ay dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin. Huminto siya sa may mismong harapan ako at naging seryoso bigla ang ekspresyon ng mukha niya. Diretsong nakatingin ang walang emosyon na mga mata niya bago siya nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita. "Well, ako na ang magsasabi sayo... hindi 'yun ang mangyayari. Hangga't hindi kayo kasal, ako at ang pamilya ko lang ang may karapatan kay Shy."

"Eh gago naman pala ang lalaking 'to eh." Hindi ko agad napigilan si Alexander ng bigla siyang magsalita kung saan ay siya ngayon ang humarap kay Shawn. Pinaningkitan lang siya ng mata ni Shawn habang ako naman ay sinusubukan na pigilan si Aexander. "Anong akala mo kay Shy? Gamit lang na pag mamay-ari mo?"

"Technically speaking, yes! Kapatid ko siya. She belongs to us," sagot ni Shawn kung saan ay halata ang bawat diin sa mga salitang kaniyang binitawan. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang paghawak noong isang lalaking katabi niya sa braso niya upang pigilan din ito katulad nang ginagawa ko kay Alexander. Hindi ko kilala ang lalaking 'yun pero para bang nakita ko na rin siya kung saan.

"Kuya Shawn, please. Natutulog pa si Shy sa loob, baka marinig niya kayo at magising siya." Mahinang bulong noong lalaki, sapat lang para marinig ko rin. Sa paraan din nang pagbanggit niya sa pangalan ni Shy, I assume na close rin sila.

Binawi ni Shawn ang braso niya na hawak-hawak noong lalaki saka medyo inayos ang lumukot na sleeves ng polo niya bago nagsalita, this time ay mahinahon na rin yun. "Umalis na lang kayo kung ayaw niyo ng gulo, Hanz..." bigla niya akong binatuhan nang tingin. "Tutal, hindi ka pa naman kailangan dito dahil hindi pa kabuwanan ni Shy. Gaya nang sinabi ko, sa bata ka lang may karapatan at hindi sa kapatid ko."

Si Alexander sana ang sasagot pero mabilis ko siyang pinigilan. Buti na lang at nagpapigil na siya kaya nakakuha ako nang pagkakataon para ako naman ang humarap kay Shawn.

"Ilang ulit ko nang sinabi sayo, hindi ako aalis hangga't hindi si Shy ang nagpapaalis sa --"

Awtomatikong hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla na lang bumukas 'yung pintuan ng silid ni Shy kung saan ay lumabas doon si Awie. Sisilipin ko pa sana ang loob ng silid, nagbabakasakali na matatanaw ko kahit papaano si Shy sa kaniyang kama, ngunit mabilis ding sumarado ang pinatuan noon pagkalabas ni Awie. BInatuhan niya kami lahat nang tingin.

"Talagang dito pa kayo magtatalo? Sa harapan mismo ng silid ni Shy? Rinig na rinig kayo sa loob," saad niya sa mahinang tono ng kaniyang pananalita. Natikom kaming apat dahil doon.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan ang lahat hanggang sa magsalita na ulit si Awie kung saan ay diretso siyang nakatingin ngayon kay Shawn.

"Gusto ni Shy ng lutong bahay..."

"Really?" Hindi makapaniwala na tanong ni Shawn na para bang isang magandang balita 'yon sapagkat kitang-kita ang malawak na pag ngiti niya at pagkinang ng kaniyang mga mata.

Sunod-sunod na tumango si Awie.

"Tatawag na agad ako sa bahay para magpaluto kina manang--"

"Ah kuya... gusto niya raw kasi ng luto mo. Kung pwede raw bang ikaw ang magluto ng kaniyang magiging tanghalian mamaya."

Tatango na sana bilang pagsang-ayon si Shawn ngunit hindi 'yun natuloy nang ma realized niya na nasa tabi pa rin kami ni Alexander at nakikinig. Sa pasimpleng pagtingin niya sa amin sa gilid ng kaniyang mga mata ay nahalata ko na agad na nagdadalawang isip siyang sumang-ayon dahil kapag umalis siya ay may pagkakataon ako na maiwan dito sa ospital at makasama si Shy. Hindi tuloy agad nakapagsalita si Shawn pero maya-maya pa ay biglang nagsalita 'yung lalaking kasama niya sa kaniyang likuran.

SN 3: Pregnant by Hanz Del VerdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon