83

248 13 1
                                    

KINABUKASAN

               Gising na ang diwa ko, ngunit nanatili lang na nakapikit ang aking mga mata habang nakahiga rito sa malambot na kama. Gusto kong maluha nang maalala ko ang nangyari kagabi. Gusto kong imulat na ang mga mata ko sa pagbabakasali na hindi lang panaginip ang nakita ko... pero alam ko naman na niloloko ko lang ang sarili ko.

Kahit masakit, unti-unti ko nang iminulat ang aking mga mata. Doon ay kumpirmado ko na nga, panaginip lang na nakita ko siya kagabi. Wala akong nakita na pigura ng babaeng gustong-gusto ko nang makita at mahagkan. Ako lang ang nag-iisang tao sa maliit na silid na 'to. Kung hindi ako nagkakamali, nasa isang silid ako ng yate; ito rin 'yung yate na ibinigay ko noon kay Zeid. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito, o kung bakit nandito ako... pero hindi ko na lang 'yung pinansin pa. Baka naisipan nina Zeid at Heillie na rito mismo idaos ang birthday ng kambal.

Hindi ko alam kung anong oras na, pero kita ko naman na medyo mataas na ang sikat ng araw mula sa glass window nitong yate. At dahil mag-isa lang ako rito sa silid, mas pinili ko na mag-stay muna rito ng kahit ilang minuto pa.

Iniharang ko ang braso ko sa aking mga mata at muling pumikit. Pakiramdam ko ay maluluha na naman ako anumang oras, kaya ginawa ko ang lahat upang pigilan 'yon. Birthday ngayon nina ZK at KZ, ayokong masira 'yon dahil lang sa pag-e-emote ko.

Hinawi ko lang ang medyo magulong buhok ko dahil sa pagkakatulog, at saka tuluyan nang bumangon. Sa paglabas ko ng kwarto, akala ko ay makikita ko kaagad ang barkada, ngunit wala sila. Napakunot pa ang noo ko nang matanaw ko na nasa gitna pala ng dagat ang yate.

"Nasaan ang mga 'yon?" tanong ko sa isipan ko dahil ni isa ay wala akong makitang tao kundi ako lang. Bumaba ako ng deck, naglakad ng konti upang sumilip sa bow ng yate o 'yung pinaka-unahang bahagi. Naningkit ang mga mata ko nang may makita akong nakatayo roon na isang babae, hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya mula sa paningin ko habang nakasandal ang kaniyang mga siko sa railings ng yate.

'Si Heillie ba 'yon?' napatanong ako sa isipan ko, dahil maging ako ay hindi rin sigurado. Naglakad ako papalapit, at nang ilang hakbang na lang ang layo ko, mas lalong naging malinaw sa akin ang pigura niya. Kusang prumeno ang aking mga paa sa paglalakad, ilang ulit akong napalunok, kasabay nang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko.

"S-Shy?" Namamaos na pagtawag ko ng pansin nito. Kahit hindi ako sigurado kung tama ba ang hinala ko, nagbakasakali pa rin ako na lilingon siya. Nagbago man ang haba ng buhok niya, pakiramdam ko ay siya talaga ito.

Hindi ko namamalayan na nahigit ko na pala ang sarili kong hininga habang hindi pa rin siya kumikilos sa pinagkakatayuan niya. Nanatili pa rin siya na nakatalikod sa akin.

Fuck! Panaginip na naman ba 'to? Imahinasyon ko lang ba 'to? Nakikita ko na naman ba siya kahit na gising na gising ang diwa ko ngayon? May mali na nga yata talaga sa akin.

"S-Shy... i-ikaw ba 'yan?" Naluluha na ako. Halos pabulong na lang ang lumalabas sa bibig ko, pinipigilan na pumiyok sa bawat katagang binibitawan ko.

Nang dahan-dahan na siyang kumilos upang humarap sa akin, pakiramdam ko ay bumagal din ang ikot ng mundo ko. Namilog ang dalawang mga mata ko nang masilayan ko siya. Hindi ko alam ang gagawin ko, nakakatitig lang ako sa luhaan niyang mga mata.

"H-Hanz." Mahinang tawag niya sa pangalan ko.

Tila ay naging pitik 'yon sa akin, at mabilis pa sa isang kisap-mata na inisang hakbang ko ang natitirang pagitan namin. I grabbed her wrist and pulled her closer to me. I hugged her thightly. Niyakap ko siya ng sobrang higpit upang iparamdam ko sa kaniya kung gaano ako nangulila sa presensiya niya.

Nang maramdaman ko rin ang yakap niya sa akin pabalik, doon na tumulo ang aking mga luha.

"Kung panaginip 'to... please! Nakikiusap ako... huwag na sana akong magising pa," bulong ko sa pagitan nang pagkakayakap ko sa kaniya. Palagi ko itong sinasabi sa tuwing napapanaginipan ko siya noon... pero kahit anong pilit ko ay bumabalik pa rin ako sa realidad.

SN 3: Pregnant by Hanz Del VerdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon