I dedicate this chapter to Grace_Martinez26 andito lang kami para sayo, mahal na mahal ka namin, btw happy break up HAHAHA
Alex's POV
Kinaumagahan, maaga akong pumasok sa trabaho nagulat ako nang madatnan ko si rain na nakaupo sa sofa ng office namin
"Ms. Del mundo" tumayo ito, ngumiti ako ng may pag aalinlangan dahil sa gulat, nilapitan ako ni ash
"ma'am excuse lang po ah, halika nga dito Alex" hinila ako ni ash
"Diba si Rain yan?" tanong nito
" oo sya nga" sagot ko
"ang gandaaaaaaaa" manghang mangha sya sa rain ko kase totoo naman kahit simple lang ang suot nya, she's stunning
"buti nalang di kita sinuportahan sa katangahan mo" pabirong sabi nito
Mahina ko syang binatukan
"ikaw ah, kung wala kalang sakit binugbog na kita"
"sige na puntahan mona yung rain mo" ginawaran nya ako ng nakakalokong tingin na inirapan ko naman
Pinuntahan ko si rain na kanina pa nag aantay
"Ms.Garcia pasensya na sa pag aantay" pagpapaumanhin ko, egul! Ako nga 10 years syang inantay
"andito lang naman ako para ibigay yung damit mo" sagot nya
Napa ngiti ako sa actions nya, ang sweet nun ah
"sige mauna na ako, kita nalang tayo sa shoot, bye." nag paalam na ito
"teka wait" pigil ko
"what?" tanong nya
"busy kaba ngayon?" tanong ko
"hindi naman masyado, why?" tanong nyang muli
"pwede ba kitang yayaing kumain mamayang lunch? Pasasalamat ko nadin para dito" sagot ko
"it's okay, di mo kailangang bumawi"
"but..."
"okay lang talaga, sya alis nako" paalam nito, nalungkot ako kase nireject nya ang Aya ko
"umalis na?" tanong ni ash
"oo" malungkot kong sagot
"ako nalang ilibre mo ng lunch" nakangiting Yaya nya
"wala nakong gana" sagot ko at nag trabaho na
di ko namalayan ang oras at 3pm na pala, nalipasan na naman ako ng gutom
Ewan ko ba nawalan na ako ng ganang kumain lalo na nung tinanggihan ni rain ang alok ko.
Nagpasya muna akong pumunta sa mall para bumili ng bagong equipments, malapit narin ang prenup shoot nila rain mahirap na at baka pumalpak pa
Ilang oras din ang tinagal ko sa mall, ang dami kong dala pag labas
Papunta na ako sa may bus stop para mag antay ng masasakyan
Sh*t napamura nalang ako sa isip ko nang biglang bumuhos ang ulan na dahilan upang mabitawan ko ang mga pinamili ko
Agad agad akong yumuko para pulutin ito
Isang malaking kahihiyan ang sitwasyon ko ngayon nang biglang may nakita akong paa na nakatayo sa harap ko, tumingala ako at nagulat ako sa nakita ko