5 years later.Rain's POV
"mommy let's go na pleaseee, puntahan na natin si mama" sambit ni sunny
Masaya ako na lumaking malusog na bata si sunny kahit na premature sya
"wait baby, mag papalit lang ako ng damit tapos puntahan na natin si mama okay?play with your toys muna" sambit ko
Tumango lang ito at nagtungo na sa mga laruan nya, napangiti ko habang tinititigan si sunny dahil kamukhang kamukha nya si Alex, naalala ko nung sobrang nahihirapan sya dahil sa pag susungit ko sa kanya, napatulo ang luha ko sa mga naalala ko
"parang kailan lang" napabulong ko
Nagpalit na ako ng damit at tinawag na si sunny na pawis na pawis dahil sa kakalaro
"baby let's go na" sambit ko
Agad Itong tumakbo papunta sakin at nagpabuhat, kuhang kuha nya ugali ni Alex, natatawa nalang ako sa inaakto ng anak ko, sobrang clingy nya
Pinasakay ko na sya sa kotse, November 1 ngayon kaya pupunta kami sa sementeryo
Pagdating namin Doon ay sinalubong kami ng malamig na hangin, makulimlim narin at nagbabadya ang ulan, nanatiling nakakapit si sunny sa akin habang dinadaanan ang mga puntod
"mommy I'm scared" sambit nito at gusto ng magpabuhat muli sa akin
Kinarga ko ito at pinagpatuloy muli ang paglalakad hanggang sa nakarating na kami, huminga ako ng malalim at napangiti
"mamaaaa" sambit ni sunny na excited makita ang mama Alex nya
Dahan dahang lumingon si Alex sa gawi namin at nginitian kami, that smile ughh ang sarap titigan, nilapitan namin sya at eto namang si sunny agad nagpabuhat kay alex
5 years ago akala ko mawawala na si Alex sakin, nasa bingit na sya ng kamatayan non at nawawalan nadin ako ng pag asa but something happened unexpectedly
Flashback:
"ma hindi ko kaya pag nawala si Alex sakin ma"
Hindi na sumasagot si tita sa akin at taimtim na nagdarasal, hindi narin nya alam ang gagawin nya si mama naman ay niyayakap lang ako at pinapatahan
"anak tama nayan baka mapano ka, bawal sayo ang mastress"
"ma anong gagawin ko, pleasee please tulungan nyo si Alex please" sigaw ko
"anak kumalma ka muna" sambit ni mama na di narin mapigilang hindi umiyak
Lumabas ang doctor, agad akong I alalayan ni mama para tumayo para kausapin sya
"doc kamusta ang anak ko? Ligtas ba sya doc?" tanong ni tita
"unstable padin ang lagay nya pero ginagawa namin ang lahat para maligtas sya" sambit nya