Rain's POVMay isang linggo narin simula nung tinakbo ko si alex at inilayo sa kasal, pumunta akong banyo para mag hilamos at napatigin ako sa pigura ko sa salamin
"ang saya saya mo ngayon rain" nakangiti kong sambit, tumataba nadin ako konti siguro ay dahil sa iba kung mag alaga si Alex, sobrang caring nya
Naalala ko ang mga masasayang nangyari sa amin sa loob ng isang linggo, hindi nya ako kayang saktan, kapag nagtatampo ako di nya ako tinitigilan hanggang sa maging okay kami, kapag malungkot ako andyan sya para pasayahin ako, kapag kasama ko sya wala akong maramdamang takot, pag katabi ko sya at hawak nya ang kamay ko ramdam ko ang pagmamahal sa aming dalawa, bawat paghinga at pagbulong nya sa mga tenga ko ay parang mahika na kayang kaya akong ihypnotize, binigay ko sa kanya ang lahat ng kayang kong ibigay dahil sobrang mahal ko sya at handa akong tumaya para sa aming dalawa
Lumabas na ako sa banyo at bumaba na dahil nagugutom na ako, pagbaba ko ay nakaamoy ako ng sobrang hindi ko nagustuhan di ko ma explain pero para akong masusuka sa amoy
Agad agad kong pinuntahan si Alex sa kusina na abala sa pag luluto
"Alex ano yan? Ang baho sobra" tanong ko na nakatakip ng ilong ko
"huh? Favorite mo to" sagot nya na tila naguguluhan sa inaakto ko, maski ako ay naguguluhan din
"ano bang sinasabi mo love? Di naman mabaho ah" sagot nya habang inaamoy amoy ang ni luluto nya
Nakaramdam ako ng inis kay alex, hindi nya ba ako maintindihan? So ako ang may diperensya sa ilong? Ganun? Nagiinarte ako ganun? Ang baho sobra!
"uy okay kalang?" tanong ni Alex na may halong pag aalala, hinawakan nya ako sa balikat at kinapa ang noo ko
"don't touch me!" sagot ko at tinapik ang kamay nya tsaka inirapan
Hindi ko alam pero naiirita ako sa kanya, hindi ako nagiinarte, nakita kong lumungkot ang reaksyon nya kaya nilapitan ko sya
"ayaw mo naba nito?" tanong nya, nakonsensya ako kaya agad ko Itong tinikman
Parang gusto kong isuka ang buong intestine ko after kong maisubo ang luto ni Alex kaya tumakbo agad ako sa cr, suka lang ako ng suka para akong mahihimatay, sobrang nahihilo ako
" rain ayos kalang ba?" tanong ni Alex sakin habang kinakatok ang pinto
"I'm fine" sagot ko, napaupo ako sa bowl at natakot sa naisip ko, no! It can't be
Dahan dahan akong lumabas sa pinto at naabutan ko si Alex na nakaupo sa kama at bakas na bakas sa kanyang muka ang pag aalala, pagkakita nya sakin ay agad agad nya akong nilapitan
"anong problema? Sorry love,dahil ba yun sa luto ko?" tanong nya
"pwede mo ba akong samahan sa pharmacy?"
"oo naman" sagot nya
Sinamahan nya akong pumunta sa pharmacy, nag commute nalang kami dahil si tita ay ginamit ang kotse nya sa trabaho, hindi ko mapigilang isipin na baka posibleng tama ang hinala ko pero natatakot ako dahil baka iwan ako ni alex
Pagdating namin sa pharmacy nakasalubong namin si red, anong ginagawa nya dito? Bakit sa tuwing lalabas kami lagi syang andun? Sinusundan nya ba kami?
"uy Alex? musta? "bungad nya
" uy red, ayos lang naman" sagot ni alex
Automatic na kumulo ang dugo ko nang nakipag usap si Alex sa kanya, inirapan ko si red dahil sa inis, pag tayo naka uwi Alex patay ka sakin
"sorry nga pala ah, sa mga nangyari this pass few days" sambit nya
"ayos lang yun, pinapatawad na kita" sagot ni alex