Rain's POVPagkakita ko kila Alex ay agad akong umuwi, pagdating ko sa bahay ay masigla akong sinalubong ni sunny at tita
"I miss you mamaaa" masigla nitong sambit
Napa ngiti nalang ako at di maiwasang
malungkot dahil naprapraning ako at andaming gumugulo sa isip ko, nagawa akong paglihiman ni Alex dahil sa sharmaine nayun, ang sakit sobra
"nak ayos kalang ba? Kumusta ang lunch date nyo ni Alex?" tanong ni tita
"wala po sya sa office ma eh" sagot ko at inilapag ang pagkain na excited akong dalhin kanina
Binuhat ko na si sunny at nagpaalam muna kay mama na papaliguan ko muna, sakto naman dahil aalis ng papuntang trabaho si mama
Pagpasok namin sa banyo ay pinaliguan ko na si sunny, napaluha ako ng di ko namamalayan dahil hindi ko mapigilan ang emosyon ko
"mommy why are you crying?" tanong ni sunny
"nothing baby" sagot ko
"are you sad?"
"no baby, mommy is okay so don't worry okay?"
Tumango ito at pinagpatuloy ko na ang pagpapaligo sa kanya, after nyang maligo ay chineck ko ang phone ko, wala man lang tawag galing sa kanya Hays masyado na ata syang nagenjoy kasama si sharmaine at nakalimutan na nya akong tawagan o itext man lang
Maghapong walang text o tawag si Alex sakin hanggang sa dumating sya sa bahay, pinili kong wag syang pansinin at kausapin dahil ang sama sama ng loob ko sa kanya
"hi love I'm home" bati nya sabay halik sa noo ko