Rain's POVKasalukuyan akong nanonood ng TV nang biglang tumawag si Alex sakin, siguro miss na ako nito, nakangiti kong sinagot ang tawag nya
"hello love? I misss youuuu" masigla kong bungad
"love makinig kang mabuti isara mo ang...."
"huh? Love? Hello?"
Nakakapag taka bat ganun yung boses nya? medyo nakakapag taka, At anong isasara ko? Siguro prinaprank ako nun, o baka may surprise sya pero bat sya bumubulong?
Ilang saglit pay nakaramdam ako ng gutom kung kayat nagtungo ako sa kusina para kumain at iniwan ko ang cellphone ko sa sala, natagalan din ako sa kusina, grabe ang sarap talaga ng luto ni tita, araw araw bago pumuntang work si tita ay nag iiwan sya ng pagkain ko para di na daw ako magluto
Pagbalik ko sa sala ay dinampot ko ang phone ko, bat andaming missed calls galing kay tita, wierd naman
Bigla akong natigilan nang makarinig ako ng katok galing sa pinto, agad agad aking nagtungo upang buksan ito, siguro ay si Alex yan, sabi na eh may surprise sya
"love...red?" nagulat ako nang makita ko si red sa harap ko
"anong ginagawa mo dito?" tanong ko pero ngumisi ito at derederetsyong pumasok sa loob
"I swear red pag di ka umalis tatawag ako ng pulis" sambit ko
Agad agad kong pinulot ang phone ko na nakalapag sa sofa at Nilingon si red pero bigla akong nanghina at dumilim ang paningin ko
Alex's POV
Ilang saglit pa ay may narinig akong footsteps, sumilip ako at nakita ko si red, hayop ka red! pinagkatiwalaan kita, mas lalo akong nagulat nang makita kong buhat nya si rain,
anong gagawin nila kay rain?
Hindi ako nag padalos dalos at nag isip ng plano, kailangan kong mailigtas si rain at malayo dito, kailangan mong magisip alex"red buti naman at tumupad ka sa usapan" narinig kong sambit ni xavier
Mga hayop sila, walang kalaban laban ang girlfriend ko sa mga kahayupan nila
"asan ang pera?" tanong ni red
"kalma kalang, idala mo si rain sa kwarto at itali mo sa silya, sa harap ni Clara" utos ni xavier
Agad kumilos si red, sa nagawa ni red hinding hindi ko sya mapapatawad, gusto kong maiyak dahil nag hahalo ang takot, at pag aalala ko kay rain, hindi ko alam kung anong magagawa ko kung may nangyaring masama kay Rain at sa baby namin
Ilang saglit pa ay narinig ko ang sigaw ni rain
"tulong! Tulungan nyoko dito please!"
Rain ililigtas kita pangako,
uuwi tayo ng ligtas
Nakarinig ako ng sampal na umalingawngaw sa buong bahay, papatayin kita xavier!, sinisiguro ko sayong gagawin ko lahat ng kaya kong gawin mapag bayaran mo lang ang mga kahayupan mo