Alex's POVNang malaman ko na buntis si rain ay nag halo ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung paano mag rereact, nakaramdam ako ng saya, ng takot, ng pangamba pero masaya ako dahil mag kaka baby na kami ni rain, wala akong pake kung sino o saan sya galing ang mahalaga at klaro sa akin ngayon? Anak ko ang pinagbubuntis ni rain
Agad ko syang dinala sa isang oby-gyne at confirmed buntis nga si rain, 2 weeks pregnant sya, nung una ay nag tataka pa si doc kung bat pareho kaming babae pero naipaliwanag naman namin ang sitwasyon namin at naiintindihan naman nya, sa totoo lang kahit di naman nya maintindihan eh wala naman akong pake sa sasabihin ng iba eh kase ang mahalaga sakin ngayon, si rain at ang magiging baby namin
"ang saya saya ko rain" sambit ko habang nakayakap sa kanya
"ako din" sagot nya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin
"di ko inexpect na mangyayari to, na ikaw at ako ay mag kakaron ng sarili nating pamilya"
"salamat sa pag aantay sa akin, sa pagmamahal at sa pag tanggap ng past ko at sa nga napag daanan ko, mahal na mahal kita Alex"
"mahal na mahal din kita rain" sambit ko at hinalikan sya sa noo
Naging mahirap ang pagbubuntis ni rain dahil una syempre baguhan lang kami sa ganto, minsan pati Google di narin masagot lahat ng tanong ko, nagpasya na akong bumalik sa trabaho dahil kelangan kong pag ipunan ang panganganak ni rain at gusto ko na rin syang pakasalan, simula nung umalis kami sa kasal ay wala na kaming balita ni rain kay xavier, minsan natatakot ako pero hindi ko na masyadong iniisip yun dahil kung may balak talaga sya edi sana matagal na nyang ginawa, kahit bumalik na ako sa work sinisigurado ko parin na updated ako lagi sa mga ginagawa nya kahit di ko sya katabi, ganto pala yung feeling no? Yung hindi ka napapagod sa trabaho kase may inspirasyon ka, gusto mong mabilis matapos ang oras kase pag uwi mo may sasalubong sayo, sasalubungin ka ng mag ina mo HAHA oo mag ina ko kase kahit di pa lumalabas si baby ay sobrang excited nako, I can't wait na magpuyat kakabantay sa kanya, kakatimpla ng gatas nya, gusto kong mawitness ang kanyang first walk, marinig ang kanyang first word, gusto ko ako ang una nyang makita pag mulat ng mata nya, kay rain at baby nalang umiikot ang mundo ko
Naudlot ang pag iisip ko nang may kumatok sa pintuan ng office ko
"ms. Alex may phone call po kayo" sambit ng assistant ko sabay abot ng telepono
"hera's photography, how may I help you?"
"I miss you" sambit ng boses sa kabilang linya
"huh?"takang tanong ko, miss nyako? Sino bato? Di ko nga to kilala eh, hindi ko ma recognize ang boses nya, pinatay na nya ang tawag
" sino yun? "tanong ko sa assistant ko
" hindi ko din po alam ma'am eh tawag po sya ng tawag at hinahanap kayo"