Alex's POVPagkatawag ni grace sakin ay agad agad akong pumunta sa ospital, hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako sa madadatnan ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko
Pagdating ko Doon ay nadatnan ko si ash na may mga aparato ng sumusuporta sa kanya upang makahinga
Nanlumo ako sa nakita kong kalagayan ni ash ngayon
"ash" naluluhang sambit ko
Ngumiti ito at Tila hinihintay nya akong dumating dahil sumenyas ito na lapitan sya
Inalis nya ang nakakabit na oxygen sa mukha nya upang nakapag salita sya ng maayos
"ash mahihirapan kang huminga" saway ko
Hinawakan nya ang kamay ko para pigilan ibalik
"Alex, hindi na ako magtatagal" kapos hiningang sambit ni ash, putlang putla ito at sobrang payat, Tila wala na syang lakas pa para itaas ang kamay nya, di ko napigilang tumulo ang luha ko sa nakikita kong kalagayan ni ash ngayon
"ang drama naman alex" natatawa nitong sambit, kahit hirap na hirap na sya ay pinipilit nyang magmukang okay para di kami mag alala
"ano ba ash" sagot ko
"a-lex Ala-gaan mo ang sa-sarili mo ha? La-gi mong ta-tandaan na mahal na ma-mahal kita, salamat dahil di mo ko pinabayaan simula pa nung un-na salamat, kapag wala na ak-ko gusto kong maging malakas ka okay? Ayoko ng malungkot? Always follow your heart and keep in mind that i will always support you"mahabang sabi ni ash, umiiyak nadin si grace na kasalukuyang nakikinig sa amin
Mahigpit kong niyakap si ash
"sabi mo di moko iiwan eh" di ko na mapigilan at napahagulgol nako
"shh Alex, hi-hindi ak-ako mawawala, andito lang ako lagi dya-dyan sa pu-puso mo" niyakap ko sya ng mahigpit at Piniling wag sumagot, ayoko! Sobrang nagiguilty ako dahil hindi ko sya nabisista, nung araw na nagmukmok ako nahihirapan na pala sya pero I ignore ko ang tawag nya
Humiwalay ako sa pagkakayakap kay ash nang biglang dumating ang mama nya
"omygosh anak! What happened?, kaya pala ang tagal mo ng di umuuwi sa bahay" sambit ni tita
"ma, I'm dying" kalmadong sambit ni ash
"what?" gulat na tanong ng mama nya
"and before I die, I wa-nna be honest wi-with you mo-mom" aamin na ba sya? Aaminin naba nya ang tunay ng pagkatao?, kilalang homophobic ang pamilya nila kaya kinakabahan ako sa gagawin nya
"ma, simula pa nu-nung bata ako wala a-kong bang ginawa kundi sundin kayo, kahit ang kapalit ay ang ikulong at itago ko ang tunay at totoong ako" kumunot ang noo ni tita
"hindi kita maintindihan anak"
"ma, bisexual ako at babae ang mahal ko" nagulat ang nanay nya sa narinig nya, at nag iba ang ekspresyon nito
"hindi ko matatanggap ang bagay nayan" lumabas ito ng kwarto at hindi makapaniwala sa naririnig mula kay ash
Iyak ng iyak si ash, pinapatahan ko ito dahil makakasama sa kanya lalo na't nahihirapan na syang huminga"hanggang ngayon na malapit ng mag wakas ang buhay ko ay hindi ko narinig mula sa mama ko na tanggap nya ako" sambit nito
"Bi ka?" tanong ni Grace
Tumingin ito kay grace at mahinang tumango
"grace, salamat sa lahat lahat, salamat sa walang sawang pag suporta at pag alaga sakin" napaluha si grace sa mga sinasabi ni ash
Hinawakan ni ash ang kamay ni grace, umupo si grace sa tabi nyaHirap na hirap na tong huminga at hindi narin nya kayang magsalita ng malakas
"ash wag ka muna mag salita, mahihirapan kang huminga" saway ni grace sa kanya ngunit Ngumiti lamang ito
"akala ko da-dati mag-magiging boring ang buhay ko but one day you came an....." napatigil ito sa pag sasalita at hinawakan ang dibdib nya, at napadaing
Iyak ng iyak si grace sa nakikita nya, at ako naman ay mahinang nag dadasal na sana wag muna, please kahit konti pa, kahit ilang araw pa
Hinawakan ni grace ang kamay nya at hinalikan nito ang kanyang kamay
"ash kung di mo na kaya pwede ka na mag pahinga, wag mo kaming iisipin magiging okay lang kami, magiging malakas kami para sayo" umiiyak na sabi ni grace
Napatulo narin ang luha ni ash
"you cha-change my whole li-life, you are the most beautiful girl I have ever seen, I'm sorry wala akong lakas ng loob noon na sabihin sayo ang totoo,pero grace" mahina nitong sambit
"mahal... Na... Mahal. Kita...." tuluyan ng kinapos ng hangin si ash at lumuwag na ang pagkakahawak nya sa kamay ni grace
"ash? Ashh uyyy gising" iyak ng iyak si grace at niyakap ng mahigpit ang wala ng buhay na si ash
"mahal na mahal na mahal din kita ash"
No! No! Hindi to pwede, nilapitan ko ang katawan ni ash at niyugyog
"ashhhh, no ashh don't leave me, nurseeeeeee" sigaw ko
Nagtakbuhan ang nurse sa kwarto ni ash at na kasunod naman si tita sa kanila
Pero huli na ang lahat, wala na si ash
"I'm sorry, we did everything we can do but di na nya kinaya" sambit ng doctor
Kinuwelyo ko ang doctor sa sobrang sakit ng nararamdaman ko
"buhayin nyo ang bestfriend ko parang awa mo na doc" sigaw ko
"I'm sorry, time of death 8:30 pm" napaluhod si tita sa narinig, agad ko syang niyakap
"anak koooo" humahulgol ito at di na nakatayo, nanghina ito at wala syang masabi
Malaking kawalan si ash sa amin
Nawalan kami ng kaibigan, ng anak, at higit sa lahat nawalan kami ng taong handang magsakripisyo mapasaya kalang, hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung sinong sisisihin ko sa pagkamatay ni ash, bakit moko iniwan ash? My bestfriend left me alone, napaluhod ako at napakapit sa dibdib ko, sa sobrang sakit parang ayoko ng may maramdaman
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
a/n:Awtss☹️