Alex's POV
Kinaumagahan ay maaga narin kaming umalis, nauna narin daw bumalik sila rain
Pinangako ko sa sarili ko na na after ng kasal kakalimutan kona sya, tutal aalis nadin naman sila pagkatapos ng kasal,
Pagkauwi ko ay nahiga muna ako sa kama, sobrang nakakapagod,nakakapagod umiyak, nakakapagod.
Pumasok ako sa banyo at nagpasyang maligo, hinayaan kong mabasa angulo ng tubig galing sa shower,bakit ganun? Ang hirap at ang sakit magmahal, binibigay ko naman ang lahat diba? Bakit ganun? Nasasaktan padin akoPagtapos kong maligo ay binuksan ko ang closet ko para maghanap ng maisusuot, nakita ko ang tshirt na pinasuot sakin noon ni rain, niyakap ko ito ng mahigpit, mahal kita rain, diba dapat ganun karin? Kung sa tindahan nga nasusuklian ka pero bakit ako? Ni katiting, hindi naman sa maghihintay ako ng kapalit sa lahat ng pag mamahal ko para kay rain pero hindi ko mapigilang umasa na kahit katiting ay maramdaman ko ding muli ang pagmamahal ni rain kahit saglit lang, kahit sandali lang pero kahit siguro sa panaginip di yun mangyayare
Natigil ako sa pag iisip ko nang biglang nagring ang phone ko, pagtingin ko ay nakita ko si mama, sya ang tumatawag, inignore ko nalang ito.
Matagal na kaming hindi okay ni mama, sa ngayon di pa ako handang kausapin sya, napagpasyahan kong bisitahin muna si ash sa ospital bago ako pumasok sa trabaho
Pagdating ko doon
nadatnan ko si ash na may kausap sa phone siguro si grace ang kausap nya iba na naman ngiti nya eh eto talagang bestfriend ko
"ash" nilapitan ko ito at nilapag ang mga prutas na dala ko
"oh Alex musta?" tanong ni ash akin
"successful naman ang team pero mas masaya sana kung andun ka" sagot ko
"may nangyari no?" tanong nya
Napa ngiti nalang ako, kilalang kilala nya talaga ako, kahit kelan ang hirap nyang paglihiman
"ganto kase yun"
Kinwento ko ang buong pangyayari kay ash
Mahina akong hinampas sa balikat ni ash