Alex's POVPagkarinig ko sa mga sinabi ni grace ay nagpasya akong puntahan si Rain sa bahay nila, alam kong kasama nya si Xavier sa mga panahon nato pero desidido na ako na sabihin sa kanya ang totoo, tama si grace wag kong antayin na gaya nya ay habulin narin ako ng oras bago ko sabihin ang totoong nararamdaman ko, it's now or never Alex, mabilis akong sumakay ng taxi at tinungo ang bahay ni rain
Pagdating ko Doon ay agad akong nag doorbell, mag te 10pm narin, medyo late na pero sana gising kapa rain, kelangan mo tong malaman bago ka I kasal kay xavier
After ilang minutes, there she is walking towards me, nakita kong nakasilip ang mama nya sa bintana pero I don't really care at all, ayoko ng matakot at pagsisisihan na hindi ko man lang triny magpakatotoo, binuksan nito ang gate at nilapitan ako
"anong ginagawa mo dito Alex?" mahina lang ang boses nya, malamang andyan si xavier
Hinawakan ko ang kamay nya at nginitian
"rain mahal kita, mahal na mahal kita rain"
Inalis agad ni rain ang pag kaka hawak ko sa kamay nya ng marinig nya ang sinabi ko
"Nahihibang kanaba Alex?" tanong nya
"rain mahal kita" ulit ko
"ikakasal na ako Alex, what do think you're doing?"
"diba mahal mo din ako?" tanong ko
"no" sagot nya, parang dinudurog ang puso ko sa sinabi nya, ang sakit pala pag sa kanya na mismo nanggaling ang mga salitang yun
"umalis kana" dagdag pa nya
At pumasok na sa gate pero sinundan ko sya kaya hinila nya ako palabas ng gate
"Alex pwede bang tumigil kana!ganyan ka ba kadesperada ha! " sambit nito
"alam kong mahal moko rain, ramdam ko yun sa bawat pag Halik mo sa noo ko, sa bawat pag ngiti mo, sa bawat pag tingin mo sakin, sa bawat pag walk out mo sa tuwing kasama ko si red, rain alam kong mahal moko the way you look at me like nobody can, ngayon kung hindi yun pagmamahal, sabihin mo sakin, right in front of my face na hindi mo nako mahal" tinignan ko ito sa mata, please say it, say that you love me too, please rain pleaseee
"hindi na kita mahal Alex" sambit nya
"Pero yung nang yari.."
"ahhh yun ba? Pagkakamali na pinagsisisihan ko na ngayon, kaya pwede ba Alex wag mo akong pilitin na ako na mismo magtulak sayo at kakaladkad sayo palabas ng subdivision na ito" sambit nya at sinarado amg gate
Parang gumuho ang mundo ko sa mga salitang binitawan ni rain sakin, hindi ganun ang inasahan ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ako makahinga, gusto kong sumigaw pero Tila napipi ako sa sakit na nararamdaman ko na kahit humagulgol ako ay di ko malalabas ang sakit na nararamdaman ko, Tila nabingi ako sa sakit na nararamdaman ko
Kasabay ng pag tulo ng luha ko ay ang pag buhos ng malakas na ulan, ulan na nagpapaalala sakin sa kanya, rain bakit? Kung ipagtulakan moko ay parang di ako naging parte ng buhay mo, para akong basura na diring diri kang hawakan ako, hinayaan kong mabasa ako ng ulan sa pag aakalang babalik sya at papayungan ako kagaya ng lagi nyang ginagawa pero walang rain na dumating para saklolohan ako, walang rain na nagagalit sa katigasan ng ulo ko, walang rain na sinasalba ako sa tuwing nasa ibabang point ako ng buhay ko, yung taong nagsilbing lakas at inspirasyon ko sa maraming taon ang dumudurog at sumisira sa mundong binuo dahil sa pagmamahal ko sa kanya, para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa katotohanan na tama si ash hindi na sya yung taong minahal ko noon, sana naniwala na lang ako sa ibang tao noon.
Wala na ang bestfriend ko, di na ako mahal ng taong mahal ko, I'm so helpless, wala nakong ibang malapitan, I'm all alone, iyak ako ng iyak sinisigaw ang sakit na nararamdan, pero dahil sa lakas ng ulan ay kahit ako di narin marinig ang sarili ko, hindi ko narin masalba ang sarili ko
Nanghihina akong tumayo, hindi ko alam kung san ako pupunta, sobra akong nanghihina, natumba ako dahilan upang mapahiga ako,
pumikit ako at dinama ang ulan wishing na sana makidlatan nalang ako o masagasaan ng sasakyang dadaan, sinabunutan ko ang ulo ko at sinampal sampal ang sarili ko, ibubuhos ko lahat ang galit ko sa sarili ko, ang tanga tanga mo Alex, ang bobo mo, hindi ka worth it dahil di mo deserve yun
"ineng anong ginagawa mo dyan"
Unti unti kong dinilat ang mga mata ko at nakita ang taxi driver na sinakyan ko noon
Mas lalo akong umiyak, mas lalo akong naawa sa sarili ko
Inalalayan nya ako at sinakay sa sasakyan
"buti nalang at may hinatid ako dito, anong nangyari sayo?" tanong ni manong
"pasensya kana ma'am ha, eto po oh gamitin nyo nalang Itong extra tshirt ko para matuyo kahit papano ang buhok mo" mas lalo akong umiyak nang maalala ko nung araw na binigyan ako ng tshirt ni rain tsaka pinaalis
"hala ma'am ano po bang gusto nyo? San nyo po gustong pumunta? Hahatid ko po kayo" alok ni manong
"hayaan nyo nalang po ako manong wala din akong pambayad tsaka di po ako worth it, sa time and efforts nyo para tulungan ako"
"ano kaba ma'am, sya parin ba? Yung taong nanakit sa inyo sa boutique? Ay nako ma'am, naiintindihan po kita dahil nagmahal din ako ng gaya nyan, nagmahal, nasaktan, nag adik"
Napa tingin ako kay manong na naluluha habang sinasalaysay ang sarili nyang karanasan
"pero alam mo ba ma'am? Totoo pala yung true love na kahit anong estado mo sa buhay, napag daanan mo, o kahit itsura mo kung totoong pagmamahal yun? Mamahalin ka nya, handa syang magsakripisyo, mag tiis para sayo, nung nakilala ko ang misis ko halos patapon na ang buhay ko pero sa sobrnag lakas ng love nabago ako at ngayon masaya kaming nag sasama kasama ang mga anak namin, oo salat sa pera pero mayaman sa pagmamahal, malaki din ang Pasasalamat ko sa asawa ko dahil kung wala sya wala ring ina ang mga anak ko na andyan sa tuwing nasasaktan sila, andyan sa tuwing nadadapa sila, andyan sa tuwing pakiramdam ko ako ang pinaka worst na tatay sa buong mundo" mahaba ng salaysay ni manong
Sa mga narinig ko, napagpasyahan kong pumunta sa lugar na sinumpa kong hindi ko na babalikan
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
a/n:San kaya nag punta si Alex?
Malalaman natin sa next chapter