Thirty-five

60 6 31
                                    


Rain's POV

Pagkauwi ni Alex ay agad nya akong niyakap, nakakapag taka lang dahil ang bilis nyang umuwi, tingin ko ay di sya tumuloy, pero bakit? napapansin kong tahimik at balisa parang may malalim na iniisip pero di ko mawari kung ano

"love okay kalang ba?" nag aalala kong tanong

Nanatili Itong walang imik at nakatitig sa malayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nanatili Itong walang imik at nakatitig sa malayo

"uyyy love!"

Sa wakas ay naagaw ko na ang atensyon nya, may mali sa kinikilos ni Alex ngayon, kilala ko sya kaya alam ko kung meron ng mali, at pakiramdam ko ay may bumabagabag sa isipan nya, pero ano? Ano bang nangyari nag paalam lang naman sya na pupuntang mall? May nangyare ba? May nililihim ba sya?

"po love" wala sa sarili nyang sagot

"Alex sagutin mo nga ako, ano bang problema? Nag dadalawang isip kana sa sakin? Ano? May nagawa kabang kasalanan?" tanong ko dahil naiinis na ako sa mga kinikilos nya, kinakabahan ako sa mga inaakto nya

Ngumiti ito at niyakap ako pero mahina ko syang tinulak

"magtapat ka sakin ano bang nangyari? Bat ganyan ka? bakit wala ka sa sarili?"

"wala love, wala"

"sinungaling" sagot ko at tinalikuran sya

"o anong nangyayari dito? Nasa labas palang ako eh rinig ko na ang boses ni rain" tanong ni tita

"tanungin nyo po si Alex, hindi ko alam kung anong problema nya"

Napa tingin si tita kay alex at sinesenyasan kung anong problema

Hindi umimik si Alex at lumabas ng bahay

"kita mo tita? Ganyan sya, naiinis ako akala ko ba partner kami? Bakit ganyan sya?"

"nak hayaan mo muna yang si Alex, may problema lang siguro sya sa trabaho" sagot ni tita

Hindi na ako sumagot at nagpasya ng pumasok sa kwarto, pag pasok ko ay humiga ako sa kama at napaiyak nalang sa kaba at pag aalala ko kay alex

Hindi na ako sumagot at nagpasya ng pumasok sa kwarto, pag pasok ko ay humiga ako sa kama at napaiyak nalang sa kaba at pag aalala ko kay alex

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Since we were 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon