Alex's POV2 days after nung incident sa boutique, dumating na ang araw na alam kong dudurog muli sa puso ko, shoot na ni xavier at rain, sa bagiuo ang napagplanuhan naming venue dahil doon daw sila nag nakilala ni xavier at may resort sila doon
Nauna na kaming pumunta doon dahil kilala naman ang resort nayun, pagdating namin doon ay bumungad sa amin ang napakagandang view ng resort,
Ang ganda at ang linis ng resort ni Mr. Sylvia halatang big time ang may ari
Pagpasok namin sa may lobby ay sinalubong kami ng staff sa resort
"welcome to Lady Clara's Resort" bati ng staff ng resort
Clara? Diba kay Mr. Sylvia to? Di ko nalang ito pinansin
"my team and I was hired by Mr. Sylvia for his prenuptial shoot" sagot ko
"this way ma'am, binilin po kayo ni Sir sakin" dinala nya kami sa may cottage namin, ang ganda dito ang sarap ng simoy ng hangin at ang peaceful ng ambiance, kung broken ka ay tiyak na bagay sayo tong lugar nato, kung masaya ka naman at gusto mong mag relax ay pwede din dito, huminga ako ng malalim at dinama ang malamig na hangin at tunog ng mga alon na nakakarelax
"if may kelangan po kayo ma'am, tawag lang po kayo, enjoy your stay po" ngumiti na ito at nagpaalam na
Ang ganda ng view kaya di ko mapigilang kumuha ng litrato
Ilang saglit pay Pumasok na kami sa cottage at ang ganda, may tatlong kama, tas pagsilip mo sa bintana kitang kita ang view ng dagatHinanda na namin ang mga susuotin ni xavier at rain para nakahanda na pagdating nila, napatingin ako sa susuotin ni rain, napangiti ako at naisip na bagay to sa kanya, I can't imagine how beautiful she was once na maisuot nya to
"ready naba lahat?" tanong ko sa assistant ko
"yes po ma'am Alex, sila Mr. Sylvia nalang ang inaantay natin and pwede na tayo mag simula" sagot ng assistant ko
Pagkaraan ng ilang minuto at dumating na nga si Mr. Sylvia at Rain
Papalapit ng papalapit si rain sa akin,