Alex's POVNagpahatid ako kay rain sa coffee shop ni red, nag aalala ako dahil hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, hindi din ako mapakali habang binabaybay namin ang daan papunta sa coffee shop ni red
Tumingin si rain sakin at Marahang hinawakan ang kamay ko
"hey everything will be fine okay? Kalma kalang" sambit nya
Tumango na lamang ako at Piniling
wag umimikPagdating namin doon ay pinagbuksan nya ako ng pinto at hinawakan ang kamay ko para alalayan dahil sobrang dilim, lalo akong kinabahan dahil sa takot na baka may nangyaring masama nga kay red
"alalayan na kita, lampa ka pa naman" sambit ni rain
Wow salamat rain ahh ang bait mo masyado
Pinihit ko ang door knob ng coffee shop at bukas ito, bakit bukas? At nasan si blue?
"red?" Sigaw ko
"red asan kayo? Blue?"
Lalong humigpit ang kapit ni rain sa kamay ko dahil padilim ng padilim ang nilalakaran namin
Isa isang umilaw ang mga bumbilya at may tumugtog ng violin, nakita ko si red
Nakangiting nakatayo sa gitna na papalapit sakin, hinigpitan ni rain ang hawak nya sa kamay ko
Pagkalapit ni red sa amin ay nginitian ako nito
"red akala koba?"
"shhhh listen Alex, bata palang tayo alam kong ikaw na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, ikaw ang gustong kong unang makita ko sa pagmulat ng mata ko at huling taong masilayan ko sa aking pag pikit, I wanna grow old with you and make family with you, gusto kong tuparin ang mga pangarap natin ng magkasama"
Lumuhod ito at nilabas ang singsing, nagulat ako sa ginawa nya
"Alexandra Jack Del mundo, payag kabang maging Mrs. Strauss? Will you marry me?" naiiyak na tanong nya
Dahan dahang binitawan ni rain ang kamay ko sa pagkakahawak nya at umalis, nakita ko ang mga luhang tumutulo sa mga mata ni red pero mas nanaig sakin ang kagustuhang habulin si rain kaya tumakbo ako para habulin sya
" rain wait" nasa loob na sya ng kotse nya kaya humarang ako
"wag ka ngang humarang! Sasagasaan kita" Sigaw nya
"di ako aalis dito" Sigaw ko pabalik
"isa!"
"ano bang problema mo?hindi kita maintindihan rain bat ka ba nagagalit? " tanong ko
"umalis ka dyan!" bulyaw nya
"hindi! Hindi ako aalis dito hanggat di mo sinasabi sakin kung bakit ka nagkakaganyan" sagot ko at Dali daling sumakay sa kotse nya
"baba! " sambit nya
"ayoko! Sasama ako" sagot ko
"don't be stubborn and leave" aniya
"no! Sasama ako" mariin kong sambit
Mabilis nyang pinaandar ang sasakyan,
rainnn yawacca dahan dahan lang mamamatay tayo huhuhu shuta para akong nasa fast and furious, para kaming hinahabol ng mga pulis sa sobrang bilis nyang mag patakbo, napatakip nalang ako ng mata at di nalang umimik
Tumigil kami sa isang bar, pumasok sya sa bar at sinundan ko lang sya, nagulat ako nang mag order sya ng pinakamatapang na alak nila
Isa isang tinungga ang beer na inorder nya
"tama nayan rain" awat ko, ano bang problema nya? Si red ba? Alam kong mainit ang dugo nya kay red pero para mag lasing sya yun ang di ko maintindihan
"ano ba! leave me alone" bulyaw nya
Nasaktan ako sa pambubulyaw nya, napatulo ang luha ko, sabi ko nga dati fragile ako konti lang masasaktan agad ako pero hindi ko sya pwedeng sukuan dahil sya ang mapapasama sa ginagawa nya
"tama na sabi eh, ano bang problema mo!" Sigaw ko habang inaagaw ang beer sa kamay nya
"it's none of your business" sagot nya, naiinis na ako ah
"ayaw mong papigil? Edi sige" naiinis kong sambit
Mabilis kong ininom ang isang bote ng beer, agad akong sinaway ni rain
"What the hell are you doing ?" Sigaw nya
"ayaw mo paaawat? Edi sige " at deretsyong ininom ang isang bote ng beer
"Fine!" pasigaw nyang sagot at dineretsyong ininom din ang isang bote ng beer
Inom kami ng inom hanggang sa nakaramdam na ako ng hilo
Rain's POV
Naginuman kaming dalawa ni Alex at ayaw nyang papigil hanggang sa nawala na sya sa sarili dahil sa kalasingan at nakipag sayawan na sa dance floor, nilapitan sya ng lalake at kumapit naman si Alex sa batok nito, nakaramdam ako ng inis sa nakikita ko, nakamasid lang ako at tuloy tuloy na tinungga ang beer na hawak ko, naiinis ako sa inaasal ni Alex pero bahala sya, ang tigas ng ulo nya
Nagulat ako nang hinawakan ng lalake ang pwet ni Alex ngunit hindi sya nagpumiglas dahil lasing na din siguro, di na ako nakapagpigil at sinugod ang lalaki at sinuntok sa muka saka bumulagta, kinaladkad ko palabas si Alex, binuksan ko ang pinto ng sasakyan saka sya tinulak sa loob
Kahit nahihilo ako ay mas nanaig ang inis ko, umiiyak ito dahil siguro sa sakit ng pag kaka bagsak nya sa pagkakatulak ko
Pumasok na ako sa loob ng kotse at si Alex ay iyak ng iyak, nakakarindi
"will you please shut up!" bulyaw ko
"bat ka naninigaw?" naluluhang tanong nya, lalo nyang nilakasan ang iyak nya
"argghhh ano bang iniiyakan mo dyan ha!" Sigaw ko at tinuro sakin ang tuhod nyang nagasgasan dahil sa pagkakatulak ko, na tigilan ako at biglang nawala ang inis ko, kaya pala sya umiiyak dahil nasasaktan sya
Agad agad akong nagmaneho at kahit medyo nahihilo na ako ay ligtas naman kaming nakarating sa bahay,di ko na ginising si manang at ako nalang ang umalalay kay alex papunta sa kwarto ko
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
a/n:
Warning:SPG AHEAD ⚠
KALMAHAN NYO MUNA HAHAHAHA,