Twenty-six

72 6 5
                                    


Rain's POV

"eh bat ka umalis?" tanong nyang muli

"sa kasal?"

Tumango ito, ang ganda nya ngayon Malaya na akong makakangiti pag nakakapture nya ako sa mga ngiti nya, Malaya ko ng yakapin, at halikan si Alex at sabihin mahal ko sya, hindi na ako natatakot

Flashback

Nakita ko si Alex na nasa labas ng gate, pinuntahan ko sya, mabuti nalang at tulog na si xavier kung hindi ay pareho kaming mapapahamak lalo na't andito si dad

"anong ginagawa mo dito?" mahina kong tanong dahil ayokong makabulabog

"rain mahal kita, mahal na mahal kita rain" nagulat ako sa mga sinabi nya, ang mga salitang antagal ko ng inaasam na marinig, nalungkot ako dahil alam kong kahit isang libong beses pa nyang sabihin yan ay di nya mababago ang tadhana ko, na ikakasal ako kay xavier, ayoko mang sabihin pero huli na ang lahat para sa aming dalawa, ipagtatabuyan ko sya at sasaktan hanggang sa mapagod sya sa mag mahal sakin, ayoko syang maipit o madamay sa gantong buhay, gusto ko maging masaya sya at gagawin ko ang lahat maprotektahan lang sya kahit alam kong ang kapalit nun ay ang kamuhian nya ako

"Nahihibang kana ba ha? " sagot ko at pinipigilang maluha sa nakikita kong lungkot sa mga mata no Alex, she had enough sa lahat ng mga masasakit na salitang binitawan ko pero andito padin sya, sa aming dalawa ako ang mahina, ako ang duwag dahil kahit Gustuhin kong sabihin sa kanya na mahal ko sya hindi pwede dahil natatakot ako, takot ako sa mga posibleng mangyari once na pinanindigan ko ang nararamdaman ko

"rain mahal kita" muli nyang sambit

Please Alex wag mo na akong pahirapan, sobrang nasasaktan ako na nakikita ang babaeng mahal ko na nagbebeg para mahalin ko sya pagbalik, hindi ko kayang makita syang ganyan pero mas hindi ko kaya pag may nangyaring masama sa kanya dahil sa pakiramdam nato

"ikakasal na ako Alex, what do you think you're doing?" tanong ko, rain please wag kang papatinag, just pretend that you does not love her and Matatapos din to, tiisin mo rain, for her own sake mag tiis ka

"diba mahal moko?" tanong ni Alex sakin

"No" mariin kong sagot, makarinig ako ng hikbi galing sa kanya pero di ako nagpatinag

"umalis kana" dagdag ko at pumasok na sa gate at mabilis naman nya akong sinundan pero agad ko syang hinila palabas sa gate

"Alex pwede bang tumigil ka! Ganyan ka naba kadesperada ha!" sigaw ko

"alam kong mahal moko rain, ramdam ko yun sa bawat pag Halik mo sa noo ko, sa bawat pag ngiti mo, sa bawat pag tingin mo sakin, sa bawat pag walk out mo sa tuwing kasama ko si red, rain alam kong mahal moko the way you look at me like nobody can, ngayon kung hindi yun pagmamahal, sabihin mo sakin, right in front of my face na hindi mo nako mahal"

Tinitigan ko ang mga mata nya na nag aantay sa sagot ko, buong tapang kong sinambit ang kasinungalingang dudurog sa puso ng taong mahal ko

"di na kita mahal Alex"
Tinalikuran ko ito

"pero pano yung nangyari?" tanong nya

"ahhh yun ba? Pagkakamali na pinagsisisihan ko na ngayon, kaya pwede ba Alex wag mo akong pilitin na ako na mismo magtulak sayo at kakaladkad sayo palabas ng subdivision na ito"

Pakiramdam koy patulo na ang luha ko kaya tinakikuran ko ito at pinagsarhan ng gate, ayokong makita nya na umiiyak ako dahil yun ang magpapahirap sa kanya para kalimutan ako, I will always love you Alex, maybe in our nex lives siguro pwede na, sana pwede na

Pumasok na ako sa loob at sinara ang pinto, napaupo ako sa bigat ng nararamdaman ko

I'm sorry Alex, mahal kita pero ito ang makakabuti para sayo, mahihirapan kalang kung patuloy kang didikit sa buhay ko, I'm sorry alex

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I'm sorry Alex, mahal kita pero ito ang makakabuti para sayo, mahihirapan kalang kung patuloy kang didikit sa buhay ko, I'm sorry alex

Napa hawak ako sa dibdib ko, ang sakit sakit lalo na kapag alam mong mahal kadin pala ng taong mahal mo pero hindi maaaring ipagpatuloy kung ano man ang meron sa inyo, balang araw makakasalubong ko sya at sa alam kong sa araw na yun lalagpasan nalang nya ako na parang di nya ako kilala, makakakilala sya ng taong deserve nya, yung kayang maging matapang para sa kanya

Bigla kong narinig na bumuhos ang ulan, agad agad ko syang sinilip at andun padin sya, nakaupo lang at di ginagalaw, Alex please wag mo nakong pahirapan, ang tigas tigas ng ulo mo, gusto ko syang lapitan at payungan pero hindi pwede, sumisigaw ito pero dahil sa lakas ng ulan ay di ko sya masyadong marinig, tumayo ito at natumba

Hindi ko na kayang panoorin ang nangyayari sa kanya, para akong nadudurog, para akong unti unting namamatay sa nangyayari kay alex, hindi ko na kayang panoorin kung paano sya nagsususffer dahil sa kaduwagan ko, ang sakit makita ng kalagayan nya ngayon, para akong dinudurog

"anak"

"ma" agad kong pinunasan ang luha ko

"mahal mo sya tama ba?" tanong ni mama na kinagulat ko

"alam kong mahal mo sya, narinig ko ang usapan nyo noon ng daddy mo tsaka hindi ka makakapag Lihim sakin anak dahil ramdam ko, alam kong sya ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ngayon"

"mama" hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinayaan ko na ang sariling umiyak at yakapin si mama

"alam mo anak mahal ko ang papa mo, kahit nasasaktan na ako at nasasakal sa gingawa nya ay iniisip ko ang kapakanan nyong dalawa, babae din ako anak kaya naiintindihan kita, mula noong bata kapa hindi mo kami binigyan ng sakit ng ulo, ngayon anak gusto ko sarili ko naman ang sundi mo, puso mo naman ang pakinggan mo, ayokong makulong ka sa buhay na hindi mo naman talaga gusto"

"mama hindi pwede" malungkot kong saad

"never mo kaming dinissapoint anak, mahal na mahal ka namin at ngayon gusto kong gawin mo ito para sa sarili mo, eto yung time na sarili mo naman ang unahin mo, ang sundin mo"

Nalungkot ako, mahal ko si Alex pero mahal ko din ang pamilya ko

End of flashback
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
a/n:pabitin uli hahahaha

Since we were 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon