Alex's POV
"alright who wants ice cream?" tanong ko
Itinaas ni sunny ang kamay nya, ang bibo talaga ng anak ko
"tell mommy to kiss me first" sambit ko at tumingin sa gawi ni rain
"but you kissed already" sagot ni sunny
"you're so cute baby" sambit ko at pinapak sya ng halik, natatawa nalang si rain sa amin
Nag punta kami sa Park para maipasyal si sunny, family bonding narin ito para naman kahit busy ako sa work eh may quality time padin kami
"baby be careful okay?" sambit ni rain
"hayaan mo na love nageenjoy sya eh" sabat ko
Ang kulit kulit na ni sunny naalala ko nung 6 months palang sya
Flasback:
Abala ako sa pag papalit ng diaper ni sunny, si rain naman ay nasa kusina nagluluto
"baby wag makulit okay papalitan ka lang ng diaper ni mama" sambit ko
"ma.. ma" sambit ni sunny
Nagulat ako, at parang gustong tumalon ng puso ko sa saya, did she just say mama? Sa pagka bigla ko ay agad kong tinawag si rain
"love! Love!"
"oh bakit? Anong nangyari?" tanong nya
"nasabi ni sunny first word nya" sagot ko
"ano? Sayang naman di natin navideohan"
"mama daw, mama" sagot ko na tuwang tuwa
"baby say mama" sambit ko
Biglang tumawa si sunny at tinititigan lang ako
"parang hindi naman love" sambit ni rain
"I swear sabi nya mama"
"o sya babalik na ako sa kusina, matulog kana muna after mo dyan" natatawang sambit ni rain at umalis
End of flasback:
Napa tingin ako kay rain na abalang pinapanood si sunny habang naglalaro, hinawakan ko ang kamay nya dahilan upang mapatingin sya sakin
"ang ganda mo" sambit ko
"bolera, may anak na tayo alex"
"seryoso ako, ang ganda mo" sagot ko at hinalikan sya sa pisngi