Rain's POVDay off ngayon ni Alex kaya di sya umalis ng bahay at di ko din sya muna sya pinaalis, naging busy sya lately at napapadalas ata ang pag kikita nila
"love bat nag susungit ka na naman dyan?" sambit ni alex
"Ewan ko sayo Alex, ano bang meron sa inyo ng sharmaine nayan at lagi kayong magkasama"
"grabe naman sa lagi love Haha minsanan lang tska diba sabi ko naman sayo na mag kaibigan kami nung college?" sagot nya
"yeah right" sagot ko at iniwan sya, pinuntahan ko si sunny sa sala na nanonood ng tv
"baby are you hungry already?" tanong ko
"yes mommy" sagot nya
"let's just wait mama Alex finish cooking okay?"
Tumango lamang ito at nag focus ng muli sa pinapanood nya nang biglang may kumatok sa pinto
"love may kumakatok" sigaw ni alex
"yes i heard" sagot ko
Tumayo ako para pag buksan ang kumakatok pero Tila kumulo ang dugo ko sa nakita ko, sharmaine? Anong ginagawa nya dito? Ang kapal naman ng mukha nyang umapak sa bahay nato
"hi I'm sharmaine, si Alex ba andyan?" tanong nya
"love sino yan?" tanong ni Alex na naglalakad papunta sa amin
Nginitian sya ni sharmaine ay nag hi pa ang gaga
"halika nga dito Alex" sambit ko at hinila sya
"aray love, bakit?"
"anong ginagawa ng babaeng yan dito?"
"ai hehe ako ang nag invite sa kanya na pumunta dito"
"what? At bakit?"
"niyaya ko lang sya mag lunch and she doesn't mind naman"
"sana naman nagtanong ka muna sakin hindi yung magpapapunta ka ng babae dito without any consent from me" sagot ko
"sorry love so pwede ba sya mag lunch dito?"
Ngayon kapa nag paalam, ngayong andito na sya
"bahala ka" sagot ko at tinabihan si sunny
Dumeretsyo silang dalawa sa kusina, palihim akong sumilip at baka nilalandi na ng babaeng yun si alex
" wag kang masyadong magpahalata kay rain" sambit ni sharmaine
Magpahalata? Anong pinagsasabi ng babaeng to! Nilapitan ko sila at Nginitian, ngiting nakakairita
" matagal pa ata maluto yan sharmaine, do you mind if doon ka muna sa sala at ihahanda namin ng GIRLFRIEND KO ang pagkain" sambit ko
"okay sure" sagot nya at iniwan kami sa kusina
"what was that love?" tanong ni Alex sakin
"what was that too?" tanong ko
"Ewan ko sayo rain ang dumi ng isip mo" sagot nya
Kumuha ako ng kutsilyo at binagsak yun sa harap nya
"make sure na wala kayong kabalastugan na ginagawa, hindi kita tinatakot Alex pero gusto kong malaman mo na hinding hindi ko papalampasin ang kahit na sinong babae na lalandi sayo" sagot ko at iniwan sya
Pag talaga nangaliwa si Alex baka mapatay ko yung babae nya, hinding hindi ko papalabasin ng buhay dito sa bahay nato
Pagtapos magluto ni Alex ay naghain na ito, nasa hapag kainan kami pero tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig