Seventeen

66 7 29
                                    


Alex's POV

Natapos ang araw ko ng puno ng saya, habang patagal ng patagal na kasama ko si rain at syang palapit naman ng palapit ang araw na kinakatakutan ko, ang kasal nila ni xavier

Nakaramdam ako ng lungkot, isang linggo nalang magiging Mrs. Sylvia na sya tapos magkakaanak sila, tapos tuluyan na nya akong nakakalimutan, di ko na sya maririnig at makakausap and worse di ko na sya makikita, hindi ko inexpect na mangyayari pa uli to na makakasama ko sya ng ganto ka tagal, ng ganto kasaya, akala ko hanggang pangarap nalang ang makasama ko sya pero nangyari.

Hinatid na ako ni rain sa bahay

"salamat sa araw na to rain" nakangiting sambit ko

Ngumiti lamang ito at sumakay na sa kotse nya, nalungkot ako, uuwi na sya di ko na naman sya makakasama, hays namimiss ko sya agad, dapat nagmomove on na ako eh pero di ko mapigilan tong puso ko na mahalin si rain, di ko mapigilang hanap hanapin ang amoy nya, di ko mapigilang mapangiti at mautal sa tuwing nakikita ko sya, Napa hawak ako sa dibdib ko, ang sarap ng feeling nato, ang sarap masaktan lalo na kung sya ang dahilan, parang tong sakit nato ay wala lang kumpara sa nararamdaman kong saya sa tuwing nakakasama at nakikita sya

Nahiga ako sa kama at napaisip, pag dumating na ang araw na iiwan na ako ni rain, kaya koba? Magiging masaya ba ako na makita syang masaya kay xavier? Matatanggap ko ba na hanggang dito lang kami ni rain? Kakayanin ko bang iendure lahat ng sakit para maging masaya sya? Siguro eto na talaga yung right time to let her go, mahal ko sya oo pero wala ng point kung ipaglalaban ko pa ang feelings ko, 1 week from now igagawad na nya ang I Do nya kay xavier and ako ang naatasang mag capture sa memories nila na isasabit nila sa bahay nila na makikita ng mga anak nila someday, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, mahal lang talaga kita rain kaya di kita kayang bitawan kahit niloloko ko lang sarili ko na kahit anong gawin ko ay di mo na ako mamahalin ulit

Kinaumagahan abala ako sa trabaho, pinili kong wag magpapansin kay rain at sumubsob nalang sa trabaho, naisip ko na iiwan nya din ako, magiging mag isa din ako pagdating ng araw kung kayat sinasanay ko na ang sarili ko, pagod narin akong umasa't maging tanga

Then suddenly my nagring ang phone ko, tumatawag si rain, automatic na bumilis ang kabog ng dibdib ko, sasagutin ko ba? No! Pipigilan ko toooo

"hel-llo rain?"

O diba kinain mo din sinabi mo? Nabusog kaba?

"huy rain, hello?" tawag ko

"sorry namali ng pindot" sagot nya at pinatay ang call

Kala ko naman namiss nya ako, napatawa ako ng mahina, alam ko namang di yun mangyayari eh, alam kong di na ako kayang mahalin ni rain, at malinaw sakin na si xavier na ang may ari ng puso nya

Mabilis na dumaan ang oras, di na tumawag muli si rain at ako naman ay nagpasyang bisitahin si ash
Nadischarge sya sa ospital at nanirahan muna sa pinsan nya pero nanatili pading lihim sa pamilya nya ang sakit nya, pagdating ko Doon ay pinapasok ako ng pinsan nya

Pagpasok ko sa kwarto nya ay andun si grace nakaupo sa tabi nya

"andito ka pala grace"

"binisita kolang sya, tsaka dinaan ko lang yung binili ko, nagcrecrave daw sya ng mangga eh" sagot nya

"ang sweet naman" sagot ko

"hoy Alex wag kang malisyosa, mag kaibigan lang kami ni grace" sabat ni ash

We ash? Ang sabihin mo naduduwag kalang

Ngumiti lang si grace at di sumagot, tumayo ito at nagpaalam na aalis na

Since we were 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon