Alex's POVPagkatapos naming magbihis ay bumaba na kami para kumain, Habang kumakain ay nag kwekwentuhan si mama at rain
"tumatanda na ako, naalala ko pa nung mga bata pa kayo ay sus e hindi kayo mapaghiwalay" sambit ni mama
"ganun po ata talaga pag destiny tita" tumingin si rain sakin at hinawakan ang kamay ko
"wag mo na akong tawagin tita, mama nalang tsaka wag mo ng problemahin kung matatagalan kayo ng stay dito mas gusto ko nga yun eh para may kasama ako dito sa bahay"
"salamat ma ah dahil pinatuloy mo Kami ni rain dito" sabat ko
"anak diba sabi ko bahay mo rin ito?welcome na welcome kayo ni rain dito" sagot nya
"salamat po ti- ai mama hehe salamat po dahil taos puso nyokong tinanggap" sambit ni rain
Pagtapos naming kumain ay nagpaalam na si mama na mauuna ng matulog dahil inaantok na raw ito, kami naman ni rain ay nanood muna, hindi na horror, lovestory na hehe kinikilig ako habang nanonood hindi dahil sa movie kundi dahil sa nakaintertwine ang mga kamay namin ni rain
Tumingin ito sakin at nginitian ako
"Alex?"
"hmm?"
"bat di moko sinukuan?"
"mahal kita rain" sagot ko at hinalikan ang kamay nya
"bakit ako parin? Kahit si red ang laging andyan?"
"baby makinig ka sakin ha"
Tumango ito at nakatuon ang atensyon sakin
"kung totoo man ang genie at kung bibigyan nya man ako ng tatlong beses para humiling, tatlong beses kitang hihilingin, kase rain you're my dream come true at hindi ako mag sisisi na minahal at pinili kita" sagot ko
"I love you" sambit nya at hinalikan ako
Hinawakan ko ang mag kabilang pisngi nito, tumutulo ang luha nya, pinunasan ko ito gamit ang hinalalaki ko
"mula noon hanggang ngayon rain, mahal na mahal a kita" sambit ko at hinalikan sya sa noo
"don't cry na okay? Tulog na tayo?" tanong ko
Tumango lamang ito
Pagpasok namin sa kwarto, agad kaming nahiga
Nakatitig lang ako sa kanya"bakit?" tanong nya
"ang ganda mo" sagot ko
"sira, inaantok kana siguro"
"seryoso ako rain, ang ganda mo"
"bolera haha tulog na tayo?"
Tumango ako at niyakap sya ng mahigpit
Sa kalagitnaan ng gabi, biglang akong nagising dahil Tila nababangungot si rain