Ending

77 3 1
                                    


3rd person's POV

Dumaan ang ang taon, anong nangyari kay alex, rain at sa iba pa?

Gusto mo bang malaman kung anong nangyari sa kanila? Bweno ikwekwento ko sayo

Si red ay sumuko sa kapulisan at pinagbabayaran na ang kanyang kasalanan, minsan napapaisip sya kung bat nya nagawa ang mga iyon pero huli na ang lahat dahil kahit anong gawin nya di na nya maibabalik ang panahon, pero sa kabila ng mga pagkakamaling nagawa nya sa buhay nya may isang taong di sya iniwan at naniwala padin sa kanya, si Roxanne

"uy red kumusta kana dito?" tanong ni Roxanne na nilalabas sa paperbag ang mga pagkain dala nya

"ayos naman ako dito, deserve ko naman to eh" malungkot nyang saad

Nalungkot si Roxanne sa sagot ni red, wala din naman syang magawa

"si Alex? Nakausap moba sya? Kumusta sya?" sunod sunod nyang tanong

Huminga ng malalim si Roxanne at Marahang hinawakan ang kamay nya

"red? Nakaligtas si Alex, kinasal na sila ni Rain at nagsasama na, masaya na sila red" sagot nya, napayuko nalang si red sa narinig

"ikaw kase eh pinipilit mo ang sarili mo sa taong ayaw naman sayo samantalang nandyan naman yung iba di mo lamg nakikita" dagdag nya

Napa tingin si red sa kanya na labis na naguguluhan

"red gusto kita, matagal na, alam kong di moko gusto dahil si Alex lang naman palagi nakikita mo eh, oo nga't di na kayo nagkita lagi noon, ako ang kasama mo noong tinutupad mo ang dream business mo, andun ako nung nalulugi ang negosyo mo, andun ako nung nagkasakit ka, red all this time andito ako pero kahit anong gawin ko ang hirap eh, ang hirap pantayan ang standards mo, ang hirap pantayan si Alex dyan sa puso mo, red andito ako oh willing akong mahalin ka at antayin ka hanggang sa paglaya mo, mahal kita red"mahaba nyang sambit

Napa tingin si red kay Roxanne na tuluyan ng umiyak, tumayo uto at lumapit sa kanya

"Roxanne I'm sorry kung nasaktan kita, hindi ko alam" sagot nito

"basta tandaan mo lang lagi red, aantayin kita ha" nakangiting sambit nito

Pinunasan ni red ang luhang dumadaloy sa pisngi ni Roxanne at niyakap nya ito ng mahigpit, ngayon lang ito naramdaman ni red, hindi nya naramdaman kay alex, yung pakiramdam na buo kana, pakiramdam na hindi ka nag iisa, na may nagmamahal sayo kahit ano o sino kapa, pagmamahal na walang kundisyon, pagmamahal na walang kapalit, wagas at totoo

Si Grace naman ay nagpatuloy sa buhay, di padin nya matanggap ang pagka wala ni ash pero time heals naman, pinili nyang akyatin ang lahat ng bundok sa pilipinas, kahit magisa sya ay di nya ito ramdam dahil may hangin na yumayakap sa kanya, nagpapaalala na kahit wala na si ash ay hindi padin sya nito iniiwan

"I love you my love" napabulong nalang si grace sa hangin habang nakatitig sa kalangitan, madilim man pero nagniningning ang mga bituwin, pakiramdam ni grace ay niyayakap sya ng mundo at sinasamahan sya sa pinakamalungkot na yugto ng buhay nya

Tumayo ito at sumigaw

"Asshhhhhh naakyat ko na ang pinaka mataas na bundok oh, are you proud of meee?" sigaw nya sa kawalan, tanging echo lang ng boses nya ang sumasagot sa kanya

"pinapanood mo ba ako dyan? Please send your hugs to the wind pleaseeee"

Biglang tumaas ang mga balahibo ni grace dahil sa malamig na hanging dumikit sa balat nya, malamig man pero para sa kanya ay wala ng mas masarap pa ang feeling nato dahil sa isip nya padala ito ni ash para di nya maramdaman ang pag iisa

Since we were 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon