Alex's POV
Nagising ako sa sakit ng ulo ko at sa hapdi ng nararamdaman ko, nagulat ako nang masilayan ko ang muka ni rain sa pag mulat ng mata ko, nakayakap ito sakin, napabalikwas ako at nagising si rain, nagulat rin ito at agad na tumayo, hinanap nya ang damit nya tsaka sinuot
"rain" sambit ko
"you need to leave" walang emosyong sambit nya
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya
"pero.."
"i said leave!" sigaw nya
Nakita ko ang punit kong damit sa sahig, nakita din ito ni rain at agad kumuha ng tshirt sa closet nya at binigay sa akin
"isuot mo yan at umalis kana" utos nya
Naluluha akong isinuot ang damit na binigay niya at lumabas sa kwarto nya, bakit? Bakit nya ako ginaganto?Para akong pokpok na matapos nyang pagsawaan ay itatapon na parang basura, ibigay ko ang sarili ko dahil mahal ko sya, ibigay ko ang lahat dahil sa nararamdaman ko para sakanya, ultimo dignidad ko isinuko ko sa sobrang pagmamahal sayo rain! Nanghihina akong naglalakad palabas sa bahay nya, ang sakit sa dibdib, para akong binugbog pero sa puso lang ang tama, nag bilang ako ng yapak habang palabas
Isa, kakalimutan naba kita?Dalawa, Umaasa akong ako'y pipigilan mo pa
Tatlo, pabigat na ng pabigat ang nararamdaman ko
Apat, hindi ba ako naging sapat!
Lima, palayo na ako ng palayo ngunit Tila napipi kana para pigilan ako
"Alex" nabuhayan ako ng marinig ko ang boses ni rain, pipigilan ba nya ako? Mahal narin ba nya ako?
Lumingon ako at nginitian si rain
"hmmm?" pati pag sasalita ay hindi ko narin kaya sa sakit na nararamdaman ko
"I don't want to see your face ever again" tumango ako at tumakbo paalis
Binilisan ko ang takbo hanggang sa nakalayo na ako sa bahay ni rain, napaupo ako sa bigat,
sa sakit, hindi ako makahinga para akong sinasaksak na parang hindi ko deserve ang sumaya, tama nga sila kung gaano kasaya ay sya ring lungkot na kapalit, natatakot na akong maging masaya
Sinasaktan ako ng taong unang nag sabing mahal nya ako
Yung taong unang nagsabi ng susuportahan nya ako ay sya ring tumalikod at itinulak ako palayo
Bakit kelangan kong mag suffer ng ganto? Nagmamahal naman ako ng totoo pero bat ako? Bakit ako pa ang nasasaktan ng ganto, ang unfair naman di naman ako nanloloko ng tao pero bakit ang pait ng dinadanas ko
Pwede kong piliin si red pero mas nanaig sakin ang pagmamahal ko kay rain pero yun pa pala ang maglulubog sakin sa kinalalagyan ko ngayon, pwedeng sabihin ng iba na ang tanga tanga ko, pwede nilang sabihin na ang Boba ko pero hindi nila pwedeng sabihin sakin na kasalanan ko to dahil minahal ko si rain, pinili kong mahalin si rain dahil yun ang gusto ko, pinili ko syang mahalin kahit yung sakit tagos hanggang sa puso ko, sobrang mahal ko sya na nakasurvive ako ng 10 years kaka antay sa kanya kahit bigla nya akong iniwan nagtiwala ako sa pagmamahalan naming dalawa, nag tiis ako kase mahal na mahal ko sya, oo na ako na yung tanga, ako na yung bobo, ako nayung malanding babae na lahat ibibigay para sa taong di naman sya mahal, oo ako yun