Twenty-four

67 6 18
                                    


Alex's POV

Binaba ako ni manong sa isang bahay, hindi nya na rin ako pinabayad ng pamasahe, nakakatuwa lang dahil kung sino pa yung taong walang wala sila pa yung may malaking puso para tumulong sa kapwa

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto at bumungad sa akin ang babaeng nasa edad 50, ang babaeng tiniis ko ng matagal na panahon, ang mama ko, niyakap nya ako ng mahigpit, ramdam ko ang sobrang pagkamiss nya sa yakap ko, ang yakap na ilang taon kong tiniis

"anak ko, miss na miss kita". Naluluhang sambit nya

"bat basang basa ka ha?" tanong ni mama ngunit di ako sumagot at niyakap sya, kahit ano palang mangyari sayo kay nanay ka padin tatakbo, tama si manong maswerte ang mga may nanay na andyan para suportahan ang anak nya, at maswerte ako dahil may nanay padin ako

Pagpasok ko pinagpalit nya muna ako ng damit at  nag kwentuhan muna, nalaman ko na hiwalay na pala sila ng bago nyang asawa at binubugbog nya si mama, na guilty ako, nung mga panahong kelangan ako ng mga taong mahal ko ay wala ako sa tabi nila, napaluha ako sa narinig ko

"sorry ma" sambit ko

"shhhh anak ano kaba! Ako dapat ang magsorry sayo, sorry anak ha? Akala ko kase kelangan mo ng tatayong Tatay para sayo pero hindi ko naisip ang magiging epekto nun sayo"

5 years after rain left, namatay si papa, inatake ito sa puso, kaya kami nag kalayo ni mama dahil nag layas ako after syang magpakasal muli after  a year pagtapos mamatay ni papa, I felt betrayed sa mga panahong yun at nakalimutan ko na ang mararamdaman ng mama ko, pinangako ko sa sarili ko na babalik ako at ipapamuka ko kay mama na nagsucced ako kahit wala sya pero I'm wrong, bumalik ako dito dahil hindi ko na kaya at alam kong si mama nalang ang may kakayahang magpatahan sakin ngayon kagaya nung baby palang ako na boses nya ang nagpapatulog sakin, babalik at babalik din pala ako sa tunay na tahanan ko

Nagpaalam ako kay mama na matutulog muna ako dahil pagod ako, Pagpasok ko sa kwarto ay walang pinagbago ganun padin kagaya nung iniwan ko

"pinili kong wag ipagalaw ang kwarto mo anak para kapag bumalik ka eh mararamdaman mong  nakauwi kana" nakangiting sambit ni mama

"salamat ma" Naluluhang sambit ko at niyakap ang mama ko, iniwan na ako ni mama at sinabing tawagin ko lang sya kung may kelangan ako

Nakita ang picture namin ni rain sa mga ding ding, kinuha ko ang isa sa mga picture frame na nakasabit sa pader at kinausap ito

"rain bakit?bakit mo ko ginanito? Bakit mo ginawa sakin ito? Akala ko mahal moko" napaluha akong muli at kinapa ang puso ko sa sobrang sakit

Sa sobrang sakit at pang hihinang nararamdaman ko ay napahiga nalang ako, kinuha ko ang isang teddy bear na hindi kalayuan sakin para yakapin ito

Dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ay napahigpit ang yakap ko dito, at sa sobrang higpit ay may nakapa ako,

Tumulo ang luha ko sa natuklasan ko, may zipper sa likod ng teddy bear, pero bakit di ko napansin noon? Dahil siguro di ko naman ito masyadong niyayakap?

Pagbukas ko sa zipper ay tumabad sa akin ang isang papel, mukang Luma na ito dahil naninilaw na

Binuklat ko ang papel at labis ang pag pagkabiglang naramdaman ko, nalaman kong kay rain galing ang teddy bear na hawak ko ngayon

Alex, I came back for you, and will always coming back for you, I love you always - Ranier Garcia

Nakaramdam ako ng galit, guilt, at sakit sa nadiskubre ko,sumigaw ako at pinangsusuntok ang pader, ayoko na, pagod na pagod na pagod nako

"anak, anong nagyari?"

"ma di na nya ako mahal ma" sambit ko

"tahan na anak"

Niyakap ko si mama at iniyak lahat, gusto kong tapusin na ang buhay ko at gusto ko ng mawala sa mundong ito

Kinaumagahan maaga kong pinuntahan si red sa coffee shop dala dala ang teddy bear

"Alex?"

Sinalubong nya ako ng may ngiti sa labi, akma na nyan akong yayakapin nang bigla ko syang sinampal

"bakit Alex?" tanong nya

"bakit? Ha? Bakit!" binato ko sa kanya ang teddy bear

Napa tingin ito sa akin

"wag ka ng mag paliwanag, sinungaling ka! Ginawa mokong tanga at siniksik mo sa kokote ko na never akong binalikan ni rain pero ang totoo binalikan nya ako! dahil sayo ikakasal na si rain kay xavier, dahil sayo hindi ako nabigyan ng pagkakataon na Maiparamdam kay rain ang pagmamahal ko, dahil sayo" na paghagulgol ako at wala ng lumalabas na tinig sa bibig ko

Lumuhod ito at umiyak

"Alex I can explain, sorry kung naging selfish ako, nagawa ko lang yun dahil mahal na mahal kita Alex"

Mas lalo akong nagalit sa narinig ko

"hindi! Hindi mko mahal, sarili mo lang ang mahal mo, I hate you so much at sana di nalang kita nakilala" sigaw ko, pinulot ko ang teddy bear at tumakbo paalis

Dumeretyo ako sa bahay ni mama at nagtungo sa kwarto tsaka nilock

Tinakpan ang ulo ko ng unan at sumigaw

"ayoko naaaa, pleaseee just let me dieeeeeee"

I'm so helpless right now, kinuha ko ang phone ko at agad dinial ang number ni ash

"I'm sorry the number you have dialed is incorrect"

Dinial ko uli ito pero ganun padin, nang maalala ko na wala na si ash, lalong bumigat ang pakiramdam ko

"I'm sorry the num.."

"hindi ikaw ang gusto kong makausap, ibigay mo ang phone sa best friend ko" sigaw ko

"I'm sorry the number you ha...."

Tinapon ko ang phone ko at pinagpupunit ang litrato namin ni rain, halos sirain ko ang buong kwarto ko, nagkanda sugat sugat ako pero mas masakit padin ang tama sa puso ko na kahit kelan hindi na ata magagamot, pumasok ako sa banyo at nakita ko nag repleksyon ko, ako paba ito? Ikaw paba to Alex? Hindi ko na kilala ang sarili ko, sinuntok ko ang salamin dahilan upang mabasag ito, tumutulo ang dugo ko sa sahig, agad akong kumuha ng Ballpen at papel tska nag sulat

Kung sino man ang makakabasa ng letter nato, malamang ay patay na ako sa mga oras nayun
Pagod na ako, I'm sorry Alex kung susuko na ako hindi ko na kaya eh, sorry kung nasasaktan kita, dapat tayo ang mag kakampi diba?
MA,im sorry kung isa akong masamang anak, sorry kung tiniis kita ng mahabang panahon, sorry kung wala ako nang mga panahong kailangan mo ko,
Red, kahit sobrang sakit ng ginawa mo sakin pinapatawad na kita, alam kong may mga rason ka at iintindihin ko yun, sana lang ay makahanap ka na ng taong mamahalin ka ng totoo at deserve mo
Huling bagsakan nalang, huling sakitan nalangat bukas huling araw na masisilayan kita rain ang araw na makakasama ko na si ash at ang papa ko, sana sa pag kawala ko ay manatiling normal ang buhay nyo, wag nyokong kaawaan, I'm sorry for everything that I've done, mahal ko kayo pero pagod nako
                                                                 - Alexandra

Hinawakan ko ang ulo ko ang Tinakpan ang tenga ko, pagod na pagod na ako, pumikit muna ako at nagpahinga
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
a/n:🙄☹️

                             

Since we were 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon