MAAGA umalis sila Mama at Papa para mag trabaho, kaya nang masiguro ko na wala na talaga sila ay dumiretso na ako sa bodega namin.
"Kuya!" Agad na salubong niya sa akin nang buksan ko ang pinto.
Halos mabali nanaman ang leeg nito sa pagtingala sa akin. Lumuhod ako sa harap niya at inayos ang gulo-gulo niyang buhok. May panis na laway pa siya kaya pinunasan ko rin ito gamit ang dulo ng aking suot na damit.
"How's your sleep, little doll?" tanong ko at binuhat siya.
Ako ang nahihirapan sa kaniya eh, mababali pa 'ata ang leeg, kawawa naman.
Umupo kami sa kama niya at hinarap ko siya sa akin. Malawak ang ngiti niya kaya mas tumataba ang pisngi niya, namumula nanaman ito kaya mahina kong pinindot.
Cute!
"Nanaginip po ako...bili mo daw ako madaming bawbies" hagikhik nito.
Napataas naman ang kilay ko bago natawa. "Imposible 'yan, wala akong pera, little doll" paliwanag ko sakaniya. "Student palang din si kuya, wala pa akong sinasahod kasi wala naman akong work...pero kapag may pera si kuya, don't worry kasi ibibili kita" wika ko at naroon ang pangangako sa boses ko.
Goodbye computer shop, hello bawbies—este barbies.
Tumango naman siya kaya mahina kong tinapik ang ulo niya.
"Good girl" saad ko at inilapag na siya sa kama.
"Wala sila ngayon sa bahay, you can play outside, little—" sabi ko at agad naman siyang lumabas kahit hindi pa ako tapos.
"Sige tumakbo ka, kapag ikaw nadapa may lalabas na truck d'yan!" Sigaw ko at natawa ako nang huminto nga siya sa pagtakbo.
Uto-uto!
HABANG naglalaro siya sa labas ay muli ko namang nilinis ang buong bodega. Nilabas ko ang mga gamit saka binuhusan ng tubig na may alcohol at sabon ang loob nito.
Ginamitan ko pa ng brush ang mga ding-ding at pagtapos ay nag-mop ako nang mabilisan.
Inalis ko ang lahat ng agiw sa bubong at pinunasan ang babasagin na bintana. Pinalitan ko ang mga kurtina at tinapon na iyong mga sobrang luma na gamit, nakakasikip lang naman kasi.
Puro mga lumang gamit ko lang ang nandito dahil ginawa naman talaga itong bodega para sa akin, I mean para sa mga luma kong gamit. Nang maipon ko ang mga kalat sa isang sako ay saka naman ako nagwalis ng sahig.
Busy si Zoe sa paglalaro sa labas, binigyan ko rin siya ng biscuit at tubig sakaling magutom. Kanina bago ako maglinis ay nag-agahan na kami pareho. Kaya lang ay baka magutom pa rin siya habang naglalaro kaya binigyan ko siya nang tatlong balot na Fita. Wala akong pakialam kung madami 'yon, dapat kumain siya nang marami para lumaki.
Nang matapos kong linisin ang loob ng bodega ay lumabas naman ako. Binalingan ko ang kama na ginamit ni Zoe kagabi. I checked it kung maayos ba ang mga paa, nang masigurong ayos naman ay pinasok ko na ulit ito sa loob.
Tinanggal ko ang cover nito at ng mga unan saka iyon nilabhan sa washing machine, nang matapos ay nagtungo naman ako sa dryer at tinuyo iyon. Pagod na pagod na ako nang isasampay ang mga iyon.
Napaupo ako sa damuhan namin at hinabol ang aking hininga, kapagod! Maya-maya ay naramdaman ko ang paglapit niya.
"Are you okay, Kuya?" tanong nito.
Aw you okay, kuya? Nye nye bulol.
Natawa ako sakaniya, humiga ako sa damuhan at sandaling nagpahinga. Alas-onse na ng umaga, malapit na kami mag-lunch. Magluluto pa ako ng ulam.
BINABASA MO ANG
Adopting The Criminal's Daughter
Любовные романыSynopsis: Gabriel Thunberg stumbles into an extraordinary journey when he unknowingly takes in Zoe Rodriguez, a girl with a hidden connection to a formidable criminal. As he navigates the aftermath of his parents' passing, Gabriel immerses himself i...