GIGIL na pinirmahan ko ang mga papel na nasa aking harapan. Nang matapos ay pabalya ko iyong ibinababa. Ang mga kasama ko sa silid ay napapatalon sa gulat kung minsan dahil sa aking pagdadabog.
"Continue" may bahid nang iritasyon na sabi ko sa presenter na sandaling napatigil.
Tumikhim ito at nagpatuloy kahit tila maiihi na yata sa kaniyang pants. Malalim ang bawat paghinga ko, maririin ang pagpirma sa mga papeles. Halos mabutas ko na ang papel at nang ibaba ko ang sign pen na ginamit ay napatalon silang lahat.
"Tapos na ang meeting" seryosong saad ko at tumayo nang walang tinatapunan na tingin kahit isa sakanila.
Tinawag nila ako pero hindi na ako lumingon pa. Paglabas ay pabalya kong sinarado ang pinto. Dumiretso ako sa office ko at binagsak ang sarili sa aking swivel chair.
"Argh, asar!" Inis na wika ko sabay marahas na ginulo ang aking buhok.
Tinodo ko ang aircon sa pagbabakasakaling mapakalma ako nito sa pamamagitan nang pagbuga nang malamig na hangin sa silid.
Maya-maya ay tumayo akong muli at niluwagan ang aking necktie saka nilingon ang telepono ko. Umigting muli ang aking panga. I sighed and pick it up, rolling my eyes.
"Good morning, little doll"
Ito ang message na kanina ko pa sinend.
Walang reply!
Tangina, walang reply, nakakainit ng ulo! Ang aga-aga tuloy ay masama ang timpla ko.
"Ano bang ginagawa mong babae ka, huh? Dati naman ay nagrereply ka ng good morning kahit pa gabi r'yan sa inyo!" Inis na saad ko at masamang tiningnan ang screen ng cellphone ko.
Ang matindi pa ay hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. I also tried calling supot's number pero mga naka-off yata ang phone nila. 'Wag ko lang talaga malalaman na magkasama kayong dalawa...pupunta ako r'yan at makikita niyo pareho ang hinahanap ninyo.
"Isang oras, kapag isang oras ulit ang lumipas at hindi ka nag-reply ay pupunta na ako r'yan, makita mo" Saad ko at bumalik sa swivel ko.
THIRTY minutes passed like eternity, wala pa rin. Imbes na magalit ay nagiging pag-aalala na ang nararamdaman ko.
Did something happen?
F*ck, she'll be fine...pero bakit ayaw niya nga kasi mag-reply?!
Kumatok ang secretary ko kaya sandali akong napatigil sa pagkuyom ng aking mga kamao.
"Gatas, Sir" aniya at nilapag ang isang tasa ng gatas.
"Thankyou, I so f*cking need this right now" Tamad na sabi ko at sumimsim sa mainit na gatas.
Hindi ko na ininda ang init nito dahil nilagok ko ito at inubos sa isang inuman kahit pa umuusok ito. I don't care, mas mainit ang ulo ko.
"Hindi ka ba napaso, Sir? Kakakulo lang ng tubig na ginamit ko r'yan, mainit po 'yon" aniya at inabutan ako ng tissue.
"Mas mainit ang ulo ko" saad ko.
Natahimik naman siya sa sinabi ko. Pinalabas ko na rin siya at tahimik naman siyang sumunod.
Wala talaga ako sa mood ngayon.
NANG mag-ring ang telepono ko ay agad ko iyong kinuha. Akala ko ay si Zoe na pero ang gagong si Colton lang pala.
Argh!
"Hello, Cap!" bati nito.
"Ano?!" padaskol na tanong ko.
"Luh, Galit? Tawag tayo ni Commander, meeting daw" aniya.
"Oo, I'll be there in ten" tugon ko.
"Shit! Paliliparin mo nanaman ang sasakyan, ang layo kaya ng HQ sa company mo, Cap, magdahan-dahan ka naman sa pagmamaneh- "
BINABASA MO ANG
Adopting The Criminal's Daughter
RomanceSynopsis: Gabriel Thunberg stumbles into an extraordinary journey when he unknowingly takes in Zoe Rodriguez, a girl with a hidden connection to a formidable criminal. As he navigates the aftermath of his parents' passing, Gabriel immerses himself i...