This chapter is dedicated to:
thrill_sky
<3"PWEDE maki-tulog sa kwarto mo, kuya?" tanong niya.
Napalingon ako rito at kinamot ang aking kilay. Sobrang ready na siya matulog at nakasuot na ito ng pajamas habang buhat ang unan at kumot niya.
"Sure, little doll. May problema ba?" maingat at kalmado kong tanong.
"Nothing...Na-miss lang kita, you're a busy man" aniya at nauna pang pumasok sa kwarto ko.
Natutop ko naman ang aking labi bago patagong ngumiti.
I miss you more...
LUMAWAK lalo ang ngiti ko nang marinig ang mahinang hilik niya. She fell asleep while resting her head on my chest. I was combing her hair pero ngayon ay tulog na ito.
"My little doll is still a sleepyhead..." Naiiling kong wika at binaba sa gilid ang suklay.
Marahan ko siyang inihiga nang maayos sa kama at kinumutan hanggang sa kaniyang dibdib. Hinilot ko nang bahagya ang aking sentido at nag-unat ng katawan.
My body is still on its healing phase.
But, today was amazing. I won against Conor and became the Captain of L'ombre, finally. I also got to have a little catch up with my little doll...and now, after a long tiring day ay masaya ako dahil sa huli ay siya pa rin ang kasama ko.
"Good night, little doll" I whispered to her and kiss her forehead.
I closed my own eyes and sleep soundly while hugging her waist. She's sleeping peacefully and her face is buried on my chest, I can feel her hot breath fanning my skin kaya agad rin akong inantok at mahimbing na nakatulog.
BUMALIKWAS lamang ako nang gising dahil sa vibration ng cellphone ko. Naroon iyon sa bedside table pero agad ko itong naramdaman kaya awtomatikong nagising ang aking diwa.
My God, someone's calling...
It's 3 o'clock in the morning, come on!
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang caller.
"Commander?" bati ko, paos at kinakabahan pa nang bahagya.
Agad na naging alerto ako sa kung ano mang sasabihin nito. Tumayo ako agad at mabilis na nag-ayos ng aking sarili. I picked up a black shirt from my closet and wore it. I put on a black cap, partnered it with my black pants before finally getting my combat shoes.
Kagat ko ang kutsilyo sa bibig na hindi ko kayang iwanan sa tuwing lalabas ako. Nang matapos magbihis ay mabilisang sinuksok ko iyon sa likod ng aking sapatos.
Natapos ko ang pagbibihis sa loob lamang nang ilang segundo kaya't tapos na ako magbihis nang magsimulang magsalita si Commander.
"Get your ass here and answer my f*cking questions, 002." mariing wika nito at pinatay ang tawag.
Agad na kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa matinding kaba bago ako wala sa sariling lumunok ng sarili kong laway. Shit!
I have an idea actually, pero hindi ko gusto ito. Sana hindi kasing lala nang iniisip ko ang dahilan nang pagtawag ni Commander.
I left a letter beside my bed kung saan makikita agad ito ni Zoe. It looked like an abstract painting, but I know that Zoe will understand whatever was written in that damn paper.
Mabilisang hinablot ko ang susi ng sasakyan ko at tumungo sa garahe. Sariling bukas na rin ng gate, wala naman kaming maid kaya sinong demonyo ang magbubukas ng gate para sa akin, right?
BINABASA MO ANG
Adopting The Criminal's Daughter
RomanceSynopsis: Gabriel Thunberg stumbles into an extraordinary journey when he unknowingly takes in Zoe Rodriguez, a girl with a hidden connection to a formidable criminal. As he navigates the aftermath of his parents' passing, Gabriel immerses himself i...