TEN years ago nang lumipat kami sa bahay namin ngayon. Ang dati naming bahay ay malaki, may malawak na garden, swimming pool at fountain sa harap na pinaglalaruan ko tuwing umaga.
I can play around inside our house, back then. Mayroon akong tatlong yaya na nag-aalaga sa akin kapag wala sila Mama at Papa. Ang garahe namin ay puno nang magagarang kotse at mayroon kaming bulwagan na tatlong beses na mas malaki sa buong bahay na tinitirahan namin ngayon.
Ngunit isang araw ay nawala ang mga iyon nang paunti-unti. Ang mga kotse ni Papa ay unti-unting nabawasan, ang mga yaya at kasambahay namin ay isa-isang nag-uwian sa mga probinsya nila. Hanggang sa nawala na nang tuluyan ang bahay namin dahil ibinenta na pala ito nila Papa, lumipat kami rito sa bahay na ito at dito na nga rin ako lumaki.
Wala akong ideya kung anong nangyari noon, basta ang sabi lang nila Papa ay nalugi raw ang kompanya namin.
That's the reason why I want to study business, I'm studying hard dahil plano kong magtayo muli ng kumpanya pag-graduate ko at kung maaari ay mabawi ang kompanya naming nawala. Because I saw how sad my parents are nang mawala iyon. Pero ngayon ay nagdadalawang isip na ako...paano ko pa iyon babawiin gayong wala na ang dahilan kung bakit ko iyon nais ipaglaban?
I hugged my own knees as I cry like a child. I've been brave my whole life, I'm an independent child. I can handle myself dahil sanay ako, kasi wala akong siblings...but this? I can't handle this dahil sila Mama na ang nawala ngayon.
Ngayon lang nag sink-in sa akin ang lahat...bata lang ako, menor de edad at hindi matatanggap sa trabahong may sapat na kita.
Paulit-ulit na bumabalik rin sa isip ko ang tanong na "Paano ako? Paano na ako ngayon?" at hindi ko ito masagot kaya wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak.
"Kuya..." isang tinig ang narinig ko kaya unti-unti akong umayos sa pag-upo.
"C-Come here, little doll" tawag ko at lumapit naman siya.
"Si Mama...hindi na siya gigising 'di ba? At si Papa rin," wika niya at umatungal nang pag-iyak.
Alam niya ang mga nangyayari, alam kong alam niya kung ano ang nangyayari. Tulad nga nang sabi ko ay matalinong bata si Zoe.
"Shh...t-tahan na" alo ko sakaniya bagaman ang boses ko ay pumipiyok din.
I hugged her and she did the same to me, hinaplos ko ang likod niya at ginawa niya rin ito sa akin kaya tuloy-tuloy na pumatak ang luha sa mga mata ko.
"Oh, God!" sambit ko at hindi na napigilan ang mga hagulgol ko.
Nanatili kami roon ni Zoe at hindi binitawan ang isa't isa, napuno ng mga iyak namin ang kwarto. Bawat hikbi, bawat iyak at bawat sighok namin ay puno nang katotohanamg nanghihina kami pareho. Pareho kaming walang lakas at pagod ngayon. Walang sapat na tulog at ilang gabing umiyak lamang.
Sobrang hina namin, na parang kapag binitawan namin ang isa't isa ay hihinto na ang pagtibok ng puso namin. Ang isa't-isa nalang ang mayroon kami ngayon.
I'm so thankful that God gave me this little girl, dahil kung wala siya rito ay baka hindi ko na kayanin pa.
Pinilit kong kalmahin ang sarili ko bago iharap si Zoe sa akin, nagkukulay pula na ang buong mukha niya sa pag-iyak. Ang mga hikbi niya ay tila hirap na hirap na at hindi makahinga kaya nag-panic ako.
"Zoe...listen to me, stop crying na, okay?" wika ko at sinapo ang dalawang pisngi niya.
"Shit! Calm down, little doll" mahina ko siyang inugoy bago pilit na tumayo at sinama siyaa sa aking pagtindig.
Hirap na ang paghinga niya at parang hinihika, ang kaniyang mapulang mukha kanina ay unti-unting namumutla at pinagpapawisan siya nang malamig. Pinaypayan ko siya ng karton na nadampot ko sa kung saan bago pilit siyang kinalma.
BINABASA MO ANG
Adopting The Criminal's Daughter
RomanceSynopsis: Gabriel Thunberg stumbles into an extraordinary journey when he unknowingly takes in Zoe Rodriguez, a girl with a hidden connection to a formidable criminal. As he navigates the aftermath of his parents' passing, Gabriel immerses himself i...