TAHIMIK akong pumasok sa aming pinto at sinarado itong muli. Alas-siete palamang ng umaga at kakatapos ko lang gumawa ng operation.
As usual, the operation was bloody. Kanina pa dapat ako nakauwi ng bahay, ngunit may isa pa ako, I mean kami ni Dada na pinuntahan. May pinuntahan pa kaming lugar kaya natagalan kami.
We went to Herbert and Alonzo's nest. Sinaid namin ang mga tauhan nila. Dalawa kami ni Dada na tumungo roon at nilinis ang buong paligid saka pinasabog ang buong lugar. Wala kaming itinira kahit isang tauhan nila.
Ang mga babae ay ni-rescue. At ang isang babae...ay dinala namin sa HQ.
I took off my combat shoes and walk to the bathroom. Nang buksan ko ang pinto ay nagkagulatan pa kami ni Zoe.
"Good morning, little dol-Shit!!" Napamura ako nang bigla itong lumuhod sa tapat ng bowl at sumuka.
"Ano nangyari? Are you okay, baby?" Nagaalala kong tanong at hinagod ang likod niya.
Sunod-Sunod siyang sumuka at naawa naman ako dahil halos mawalan na siya ng lakas. I tied her hair up using the scrunchies I saw on the bathroom at mas hinagod ang likod niya.
"Zoe, ano bang kinain mo? Baka na food poison ka na, ang takaw mo kasi eh" nguso ko.
Nitong mga nakaraan kasi ay sobrang lakas niya kumain.
Tumayo siya at pinunasan ko naman ang bibig niya gamit ang palad ko. Pinagmumog ko siya ng tubig sa sink at naghugas na rin ako ng kamay.
"Are you okay?" masuyong tanong ko pero tinitigan niya lang ako.
"Itago mo nga yang mukha mo, naiinis ako sa hitsura mo" irap niya at tinabig ako bago umalis.
W-What the fuck?!
"Baby, Did I do something??" Sigaw ko at padaskol naman siyang lumingon.
"Wag ka rin magsalita, I don't want to hear your voice!" Aniya at supladang tumalikod.
Kinuha pa niya si Zototo na nasa sala at mabigat ang mga yabag na lumakad. Napatalon ako nang pabagsak niyang sinarado ang pinto.
Damn, ano bang ginawa ko..?
HABANG nililinis ko ang katawan na puno ng dugo ay litong-lito ako. Wala naman akong ginagawa, bakit nagalit siya sa akin?
Sanay na din naman siya sa oras ko ng uwi, alam niyang nagsasagawa ako ng operation sa umaga...kaya bakit siya nagagalit ngayon?
Inisip ko isa-isa ang mga ginawa ko mula kagabi at inalala kung may mali ba akong ginawa. We had a mindblowing sex last night, we ate dinner together at pinagluto ko pa nga siya, sabay kami nagsepilyo at binuhat ko pa siya papasok ng kwarto.
We also cuddled after that and she's extra clingy and sweet to me too, hinalikan ko pa nga siya nung madaling araw bago ako umalis. Nakamot ko ang batok at tumabingi ang ulo ko ng bahagya.
"Ano ba kasing kinakagalit niya?" malungkot na tanong ko sa sarili habang tinutuyo ang buhok ko.
MARAHAN kong binuksan ang pinto ng kwarto at sinilip ang ginagawa niya. Nakabalot siya sa kumot at parang isang malaking dumpling.
"Little doll..." maingat na tawag ko.
Hindi siya kumilos kaya napabuntong hininga ako. Umupo ako sa gilid niya at tinapik ng maingat ang likod niya.
"Why are you mad, baby? May ginawa ba akong mali?" tanong ko at humiga bago yumakap sakaniya.
She's still covered in the thick blanket and refusing to face me. Akma kong tatanggalin ang kumot niya pero natigilan ako nang marinig ang paghikbi niya.
BINABASA MO ANG
Adopting The Criminal's Daughter
RomanceSynopsis: Gabriel Thunberg stumbles into an extraordinary journey when he unknowingly takes in Zoe Rodriguez, a girl with a hidden connection to a formidable criminal. As he navigates the aftermath of his parents' passing, Gabriel immerses himself i...