Chapter 13

3.3K 149 40
                                    

Note: [I made few revisons in this chapter :>]

***

NATUTOP ko ang labi ko habang pinapanood si Zoe. Kumakain kami ngayon pero tahimik lang siya, hindi katulad dati na napaka daldal at maraming kwento.

"Uhm...little doll, may problema ba?" maingat kong tanong.

"Wala" agad na sagot niya, sobrang lamig.

Kahit pala mga ganitong edad ay marunong na magbigay nang cold-treatment.

Napalunok ako at tumuloy nalang din sa pag-kain. Ang sungit naman! Hindi ko tuloy malunok nang maayos ang pagkain ko.

Sa huli ay tuluyan na nga akong nabilaukan.

"Oh, tubig! Iniisip ka siguro ng Veronica mo kaya ka nabilaukan" aniya sabay padaskol na inabot sa akin ang tubig.

Ininom ko agad iyon at tumikhim nang maka-recover ako. Tiningnan ko ulit siya at nakagat ko ang ibabang labi ko. Masama ang tingin niya sa fried chicken na ulam namin at tino-torture niya ito gamit ang tinidor niya.

Anong nangyayari kay Zoe? Bakit nagiging dragon?

"B-Bakit nadamay si Veronica?" mahinang tanong ko at dinugtungan pa iyon nang mahina at alanganing tawa.

"Siya lang naman ang posibleng nagiisip sayo. Text nga nang text kanina. Sabihin mo sakaniya, istorbo siya sa panonood ko nang tom and jerry!" Galit na bulyaw niya kaya napanganga ako.

The fvck?

"Sorry, little doll...naistorbo ka pala" paumanhin ko at kinamot ang sarili kong batok.

Kahit hindi ako ang may kasalanan, larang ako ang sumasalo sa galit niya.

This is insane.

Hindi ko alam kung anong dapat ko maramdaman ngayon. Para kasi akong bata na napagalitan ng mga magulang ko. Bakit parang baliktad? Ako mas matanda, ah?

Grabe! Pinapagalitan ba talaga ako nang seven years old?

Anyways, masama palang iniistorbo ang panonood ni Zoe ng tom and jerry...okay, noted!

Wrong timing din naman kasi itong si Veronica. Pagsasabihan ko nalang. Alam nang nanonood si Zoe ng tom and jerry.

Ayan tuloy at ako ang ginigisa ngayon. Paano ba 'to pakakalmahin? Asarin ko kaya lalo? Cute niya kasi magalit, nakakainis!

"Sabihin mo sakan'ya ay 'wag na siyang mag tetext sa'yo ulit!" sigaw niya.

Napahawak akong muli sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Ang cute ni little doll magalit, kahit ngayon lang siya totally naging ganito. Feeling ko, ito na ang favorite kong expression sa mukha niya.

Ang pisngi niya kasi na natural nang mamula-mula ay mas lalo pang namumula ngayon sa inis. Ang mata niya na sobrang cute ay mas cute ngayon dahil matalim siya kung tumingin. Nakatiim ang mga labi niya kaya mas namumukol ang pisngi nito.

Argh! Ang cute talaga. Zoe grew taller, pero hindi umimpis masyado ang pisngi niya.

Hindi ko tuloy namalayan na napapangiti na pala ako. Kaya lang ay agad akong napatalon sa gulat dahil ibinagsak niya ang mga kubyertos niya. Lumikha iyon nang ingay kaya nagulat ako at natigilan sa paglutang ng isip ko.

"Hindi ka ba nakikinig?" tanong niya sabay tabingi ng kaniyang ulo at pinaka titigan ako nang mabuti.

"N-Nakikinig ako" depensa ko at lumunok.

"Anong sinabi ko?" tanong niya muli.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at bahagyang kinamot ang isang kilay. "Sabi mo...hindi ako nakikinig" tugon ko.

Adopting The Criminal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon