MATAPOS kong ihatid si Zoe sa school niya ay muli akong umuwi sa bahay. Sa hindi malamang dahilan kasi ay wala kaming pasok. Ang sabi ni Jimbo ay biglaan daw ang pag announce na naganap.
Nagtaka ako nung una pero sa huli ay ikinatuwa ko rin ito. Kailangan ko rin kasing magpahinga para mabawi ang lakas ko na nawa.
Ang likod ko ay napakasakit pa rin, nagsuot nalang ako ng itim para kung sakaling dumugo ulit ito ay magmukhang pawis lang.
Pagkarating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto. Kinuha ko ang box na nasa ilalim ng kama at hinalungkat iyon. Kinuha ko roon ang mga panglinis ng sugat bago ako pimunta sa banyo.
"Aray...putang ina!" mariin kong mura at nakagat ang ibabang labi ko.
Hinuhubad ko palang ang damit ko pero parang gusto ko na umiyak at sumigaw dahil sa sakit. Binuksan ko ang shower at tinimpla ang temperatura nito. Maligamgam lang para sakto sa katawan kong sobrang sakit.
Hirap na hirap ako nang magsasabon na. Ang sugat sa balikat ko ay parang nagmanhid na, pero iyong sa likod talaga ang pinakamasakit sa lahat. Mukhang bumukas ulit ang sugat at ayaw gumaling agad nito.
Parang na-hazing din ang hita ko na may malaking pasa dahil sa sipa ni Conor.
Nang matapos ako sa paliligo ay nagbihis na rin ako, nag-brush ako ng nhipin at tinuyo ang buhok ko bago natulog para kahit paano ay mabawasan ang sakit at pagod na nararamdaman ko.
NAGISING ako nang tumunog ang telepono. Umupo ako habang napapanhiwi saka inabot iyon at sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang caller.
"Hello?" maligasgas ang tinig at namamaos na tanong ko.
Kumunot ang noo ko nang hindi ito magsalita. Sinilip ko ang pangalan ng caller at napamulagat ako.
"Hello, little doll? Are you alright?" tanong ko at napabangon na nang tuluyan.
She's not answering! Nag-aalala na tuloy ako at marahas kong ginulo ang sarili kong buhok. Balak ko na sanang pumunta sa school niya pero napatigil ako nang magsalita siya.
"D-Did I wake you up?" malamyos na tanong nito kaya agad akong kumalma.
"No...gigising na rin naman talaga ako" tugon ko, ngayon ay nakangiti na.
"What's the matter? May kailangan ka ba?" tanong ko at sumilip sa relo ko na nasa pulsuhan.
It says 12:15, sigurado akong lunch time nila ngayon kaya tumawag siya nang mabilisan. Bumalik ako sa kama at umupo roon. Nahilot ko ang sentido nang makita ang bakas ng dugo sa kumot ko, the wound on my back is bleeding again.
"Wala, kumain ka na?" tanong niya kaya bigla akong napangiti nang wala sa oras.
"Not yet, why?" tikhim ko at inayos ang pagkaka-upo sa kama.
"Kumain ka na, tanghali na. Kapag nagkasakit ka 'wag ka mag papa-alaga sa akin, ah!" biglaang sermon nito.
Nakagat ko naman ang labi ko bago kinamot ang isang kilay. "Kagigising ko lang, kaya hindi pa ako kumakain" buntong-hininga ko.
"Edi k-kumain ka na, bye! Kumain ka nang marami!" anito, naninigurado at binulyawan pa ako bago tuluyang pinatay ang tawag.
Napapansin ko nitong mga nakaraan ang pagbabago ni Zoe. Hindi naman masama ang mga ipinagbago niya, but she always act like my mother. Ang favorite ko sa mga inaasta niya ay iyong part na ang sungit niya, she's scolding me and I don't know why but I find it really cute.
Nagsimula iyon nung isang beses na ma-late ako nang pag-uwi. She started nagging and scolding me, ako naman ay gulat na gulat kaya natameme ako at hindi nakasagot.
BINABASA MO ANG
Adopting The Criminal's Daughter
عاطفيةSynopsis: Gabriel Thunberg stumbles into an extraordinary journey when he unknowingly takes in Zoe Rodriguez, a girl with a hidden connection to a formidable criminal. As he navigates the aftermath of his parents' passing, Gabriel immerses himself i...