NAPANGITI ako habang pinapanood ang mga bata na nagtatakbuhan sa Amusement park.
"Cap, ice cream? 'di ka bibili?" tanong ng sorbetero.
"Tigilan mo ako, Colton" masungit na wika ko at nagpatuloy sa panonood ng mga tao na nagpapalakad-lakad.
"Sungit! Miss mo na 'no?" buyo niya kaya binato ko siya ng bote na napulot ko kung saan.
Fucker.
"Fuck off, Colton...si Ilog ang asarin mo at nang mabaril ka ng wala sa oras" ngisi ko.
"Ayoko nga! Baka lagyan nun ang katawan ko ng bomba" wika nito at ngumiwi.
Natawa naman ako bago kinagat ang ibabang labi ko. Hindi na ako nagtatrabaho rito sa Amusement park dahil naging busy ako sa pagpapatakbo ng kompanya. Pinagpatuloy ko kasi ang pangarap ko noon, ang mabawi ang nalugi naming business. And I did! After two years of graduating and being in the business world ay nagtagumpay ako at naging isa sa mga pinaka-mahusay na Businessman sa bansa.
"Anong plano mo? Kapag bumalik na rito si Zoe ay baka mawala ka ulit sa tamang pagiisip mo" ngisi niya.
"Si Zoe ang nagpapatino sa akin, kung wala nga si Zoe sa tabi ko rati ay baka binaril na kita noon pa" tawa ko kaya napalunok ito.
"A-Ang gara mo mag-joke! Napaka creepy mo, Cap, 'wag ka nga tumawa!" anito at parang bobo na nagmaktol.
"Magtinda ka na ng sorbetes mo, Colton" asar ko kaya umirap naman siya.
"Nagtapos ako sa Med school para maging sorbetero, haha, I love my life!" sarkastiko nitong wika kaya napahalakhak ako.
"Love yourself...idamay mo na rin si ilog" I said then smirked.
Agad siyang napatigil bago ako pinanlakihan ng mata. Ang gago obvious na obvious.
"Noted!" he mouthed kaya natawa ako.
Gago talaga!
Doctor ang siraulong iyon, Hindi lang talaga halata kasi mukhang gusgusin. Tapos ang suot pang tsinelas ay magkaiba. Napailing nalamang ako bago napangiti.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. Kunot noo kong kinuha ito sa bulsa ko bago nagde-kwatro sa bench na kinauupuan ko. May dumaang magandang babae at ngumiti sa akin kaya ngumiti naman ako pabalik. I don't want to be rude, that's all.
Wala akong ginawa, little doll.
"Hello?" sagot ko sa tawag at sinuot ang shades ko dahil mataas ang sikat ng araw.
Maganda ang panahon ngayon. Maaraw pero humahangin din kaya hindi ako pinagpapawisan. This is pure relaxation. Napangiti pa ako nang may dumapong ibon sa gilid ng inuupuan kong bench. Umihip ang hangin at tinatangay nito ang buhok ko na may kahabaan na ulit.
Makapagpa-gupit nga ng buhok bukas or pwede ring next week na.
"Sir...On the way na po ba kayo? Kanina pa po naghihintay ang mga guests" wika ng secretary ko sa kabilang linya.
Ehh? Hindi naman ako pupunta, bakit sila naghihintay?
"Hindi ako makakarating...may sakit ako at nagpapahinga rito sa bahay" saad ko at pinabukol ang dila sa loob ng aking pisnge bago umarte pang umuubo-ubo.
"Oh! Pasensiya na Sir, sige po magpahinga nalang kayo, gusto niyo po bang i-cancel ko na rin ang mga meetings niyo today?" anito kaya napangiti ako.
"Yes, plea- "
Naputol ang sasabihin ko dahil sa sigaw ng nagtitinda mula sa hindi kalayuan. Nahilot ko ang sentido bago marahas na kinamot ang batok ko.
"Bili na kayong Ice cream!! Ice cream!!" Sigaw nito habang pinatutunog ang hand bell.
BINABASA MO ANG
Adopting The Criminal's Daughter
RomanceSynopsis: Gabriel Thunberg stumbles into an extraordinary journey when he unknowingly takes in Zoe Rodriguez, a girl with a hidden connection to a formidable criminal. As he navigates the aftermath of his parents' passing, Gabriel immerses himself i...