Chapter 46

2.8K 105 8
                                    

TOMMOROW. I can't stop smiling from ear to ear. Bukas na ang kasal namin ni Little doll. Pakiramdam ko ay lalabas na mula sa dibdib ko ang aking puso.

Nakagat ko ang labi bago pumunta sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas ko at muling napangiti habang hinahalo ito.

"I'm going to marry her tommorow..." hagikhik ko. "Then she'll walk on the aisle wearing her white gown, then I'll wait for her in the altar..." wika ko sa sarili at muling napa-hagikhik.

Hindi ako matigil sa pag ngisi at pag ngiti. Hanggang maubos ko ang gatas sa tasa ko ay nakangiti pa rin ako.

I took a bath while smiling, brush my hair while smiling, wore my outfit while smiling then leave the house while still smiling.

Ang saya-saya.

"Tsk! Ano na, Cap?" iling ko at napahalakhak. "Mrs. Lévesque na siya bukas" tawa ko at napalo ang sarili kong hita.

My surname is back again as Lévesque, I am now Gabriel Aidan Lévesque. Nasanay na rin kasi ako sa Gabriel. Kaya ang ginawa ni Dada ay ginawa nalang na second name ang real name ko. Legally.

"Wala nang takas si little doll..." ngisi ko at nakagat ang aking ibabang labi.

I started the engine while whistling happily.

Zoe is not in the house. Kasama niya si Tita Zarina at nasa unit nito sila. May mga bantay din sila doon na pinadala ko, dapat safe si tita at ang mag-ina ko.

Mag-ina ko...

Napangiti ako roon at parang tumalon iyong puso ko. Ngunit napalabi ako nang maalala si Zoe. Miss ko na ito, three days na kasi siya wala sa bahay.

May mga pamahiin kasi si Dada at Tita-Err sabi nga pala niya ay Mommy na daw ang itawag ko sakaniya. Hehe! Okay, Mommy.

TOMMOROW is our wedding day, and today...is the last mission that I want to do personally before marrying her.

Bumalik sa pagiging seryoso ang ekspresyon ko bago inayos ang suot kong itim na cap. I parked my luxurious car on the parking lot and stepped out of it.

I'm in front of the jail...to visit them.

PINAGSIKLOP ko ang mga palad saka diretsong tinignan ang dalawang tao na parating at akay ng mga pulis. Bakas ang pamamayat ng pangangatawan ng mga nito.

Humaba rin ang balbas nila at halatang hirap dito sa loob ng kulungan. I'm eyeing them as they sit on the chair in front of me.

"Kamusta, lolo Herbert?" saad ko at pinatong ang braso ko sa lamesang naghaharang sa amin. "Alonzo, it's been a while" ngisi ko naman sa kasama nito.

"What do you need?" padaskol na saad ni Alonzo.

"Why galit?" ngiti ko.

Sinenyasan ko ang pulis na nagbabantay sa amin. Umalis naman ito at binigyan kami ng sapat na oras para magkaroon ng pribadong pag-uusap.

"Commander and I cleared your place last week, sobrang kalat ng lugar niyo, it needs some cleaning operation..." paninimula ko.

Umigting ang pareho nilang panga at matalim akong tinitigan. Bumaba naman muna ang paningin ko sa pulsuhan nila at napailing.

"Cute naman ng bracelet" bati ko sa posas nila.

"Fuck you, Thunberg" asik ni Alonzo.

Tahimik lamang si Herbert pero halos sumabog ang mga ugat nito sa noo. Igting ang panga nito at puno ng kaawa-awang emosyon ang mga mata.

Sumandal ako sa upuan ko at hinugot ang aking wallet. Napa-igtad pa sila sa ginawa kong iyon. Akala siguro nila'y baril ang hinugot ko.

Tsk!

Adopting The Criminal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon