BINUHAT ko si Zoe at lumakad kami patungo sa kusina. Pinaupo ko siya sa silya at hinanda ang mga niluto ko kaninang madaling araw.
"Kumain ka na, kuya?" tanong niya at kinusot ang kaniyang mata.
Nilapag ko muna ang mga gagamitin niyang plato at kubyertos bago sumagot. "Yeah, kumain na ako, kaya kumain ka na rin kasi mamamasyal pa tayo" sabi ko at pinindot ang pisngi niya.
Pumalakpak naman siya sa tuwa at maganang kumain. Pinanood ko lang siya at napangiti sa aking isipan.
Malaki sahod ni kuya...kaya papasyal tayo ngayon buong maghapon.
Nang matapos siyang mag almusal ay pinaligo ko na siya. Pumasok ako sa sariling kwarto at humiga muna sandali. Gustong-gusto ko matulog, pagod ang katawan ko pero kailangan ko nang kumilos.
Hinubad ko ang damit bago nakagat ang labi habang pinagmamasdan ang ilang sariwa kong sugat sa katawan. Nag-peklat pa ang ibang gumaling na kaya napanguso ako. Pinunasan ko ang kaunting dugo na tumulo mula sa benda at nilinis ito bago nagpalit ng damit.
I wore a gray cotton v-neck shirt bago pinatungan ito ng denim jacket. I also partnered it with ripped jeans saka sinuot ang puti kong sapatos.
Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok. Mahaba na ang buhok ko, makapagpa-gupit nga sa susunod. Nagsuot muna ako nang white cap bago nag-spray ng pabango at lumabas.
Napangiti ako sa sarili. Tila nagbalik ulit sa akin ang mga panahon na isa lamang akong normal na estudyante.
Ngayon ay tila isa muli akong normal na teenager at papasyal lamang kasama si Zoe. Malungkot akong napangiti habang pinagmamasdan ang puno ng kalyo kong mga palad.
Parang ayokong hawakan si Zoe gamit ang mga kamay na ito. She's an angel, habang ako ay heto at kung kani-kaninong dugo na ang umagos sa sariling mga kamay. Huminga ako nang malalim bago natutop ang sariling mga labi.
"Kuya!" tawag niya mula sa labas.
Kumakatok ito at alam kong excited na sa pag-alis namin. Pilit kong pinasigla ang sarili bago nagpakawala ng isang malawak na ngiti.
Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang inosente niyang mga mata.
"Ready na ako, tara na sa work mo kuya" aniya at hinila na ako palabas.
Today is weekend kaya malaya kaming makaka-gala ni little doll. Wala rin akong pasok sa trabaho kaya napagpasyahan ko siyang ipasyal doon.
Natawa ako bago siya binuhat. Nakatutok ang cute niyang mga mata sa mga mata kong magkaiba ang kulay. Maya-maya ay nagsalita siya kaya napatigil ako.
"Gusto ko ng mata na katulad sayo, kuya" wika niya.
"Why?"
"They're beautiful...ang isa ay kulay gray at ang isa ay kakulay nang sa akin" saad niya.
Napangiti ako nang haplusin niya ang magkabilang-gilid ng mata ko. Pinagmasdan ko naman ang doe shaped eyes niya na kulay hazel at pagkaraan ay pinuri ito.
"Maganda rin ang mga mata mo, little doll" sabi ko at ngumiti.
"I know, but your eyes are more beautiful...they're always shining!" bulalas niya.
Sayo lang 'yan ganiyan. Sa iba ay matalim iyan kung tumingin. Sayo lang nagniningning ang mga 'yan kasi sa iba ay walang interes iyan kung tumingin.
Nailing ako sa naisip bago siya pinatakan ng halik sa noo.
"Really?"
"Yeah" aniya at yumakap sa leeg ko.
Nang papalabas na sa gate ay ibinaba ko siya. Inayos naman niya ang damit na bahagyang nagulo bago inayos din ang clip sa buhok.
BINABASA MO ANG
Adopting The Criminal's Daughter
RomanceSynopsis: Gabriel Thunberg stumbles into an extraordinary journey when he unknowingly takes in Zoe Rodriguez, a girl with a hidden connection to a formidable criminal. As he navigates the aftermath of his parents' passing, Gabriel immerses himself i...