TAWA nang tawa si Zoe habang buhat ko siya at iniikot sa hangin.
"Ano bang meron, kuya?" tawa niya.
"Pumasa ako sa scholarship, could you imagine that? Scholar na ako sa pangarap kong university kahit hindi pa ako tapos ng high school, little doll!" wika ko at pinaulanan ng halik ang buong mukha niya.
She laughed hard while I continued showering her with my kisses.
My little doll. I'll do everything for you, Zoe.
It's not a promise, but I'll do it.
Kahit wala rito sila Mama at Papa para i-congrats ako sa pagkakaroon ng scholarship ay alam ko namang proud sila sa akin mula sa itaas.
Tumingin ako sa kalangitan at masuyong ngumiti.
Para sa inyo po ito...
"GABRIEL, PINAPATAWAG KA SA PRINCIPAL'S OFFICE!" sigaw ng isang kaklase ko mula sa labas ng room namin.
Madali ko namang inubos ang laman ng lunch box ko bago uminom ng tubig. Binalik ko sa bag ang pinag-kainan saka ako lumabas.
"Jimbo! Bantayan mo 'yung bag ko, may gold bars 'yon" tumatawang bilin ko bago lumakad palayo.
"Ge lungs" sagot nito bago kumindat.
Kadiri. Can someone remind me to punch that guy later pagbalik ko, nakakasuka, eh!
Tumulak ako papunta sa office ni Principal at nang makarating sa tapat nito ay tatlong beses na kumatok. Pumasok ako pagkaraan at bumati.
"Good afternoon po" bati ko at maliit na ngumiti.
Lamig dito...lakas ng aircon. Isinilid ko ang kamay sa loob ng bulsa bago lumakad patungo sa iginiya ni Principal na silya para sa akin. Lumapit naman ako doon at umupo.
"Kumusta, hijo?" ngiti niya.
"Ayos lang po" maiksing sagot ko.
Naiilang ako at medyo hindi kumportable. Eh, sa shy type ako, bakit ba?
Mayroon kasing dalawa rin na estudyante rito. Ngunit hindi katulad ng suot kong uniporme ang kanilang suot. Hula ko ay pribado ang paaralan nila pareho. Ganda ng uniform, eh.
Isang babae at isang lalaki ang nakaupo sa tapat ko. Palangiti iyong lalaki kaya tinanguan ko siya, pagbaling ko naman doon sa babae ay seryoso lang siya kaya maliit lang akong ngumiti bilang pag-bati.
Magkakasing edad lang kaya kami ng mga ito?
Naputol ang muni-muni ko dahil sa tikhim ni Principal, napa-ayos tuloy ako ng upo.
"My dear students are complete now...okay, let's start" ngiti nito at may kinuha sa drawer niya.
Ako pala'y late...kahihiyan.
Iyong kulay cream na exam sheets ang kinuha ni Sir sa drawer niya, hindi ko pa rin talaga alam hanggang ngayon kung para saan ang exam na 'yon. Ito kasi talaga ang nagpadugo sa utak ko noong nagsagot ako, kakaiba ang mga tanong doon. Hindi basta-basta at talagang mapapaisip ka nang malalim sa mga logics at problem solving.
"What's your name, young man?" tanong ni Sir sa lalaking palangiti.
Mahaba ang buhok nito pero maiksi ang magkabilang gilid. May nakita pa akong ahit sa kaliwang kilay niya.
Badboy look, pwede ba sa school nila ang ganoon?
Maputi ang balat niya at hindi tulad sa akin na medyo moreno. Matangkad din naman siya pero mas matangkad ako, nasa lahi kasi ni Papa, tapos pinamana sa akin.
BINABASA MO ANG
Adopting The Criminal's Daughter
RomanceSynopsis: Gabriel Thunberg stumbles into an extraordinary journey when he unknowingly takes in Zoe Rodriguez, a girl with a hidden connection to a formidable criminal. As he navigates the aftermath of his parents' passing, Gabriel immerses himself i...