Chapter 16

3.3K 148 21
                                    

HUMINTO ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Pinatay ni Colton ang makina at hinarap si Zoe na naroon sa back seat.

"Zoe, paalalahanan mo itong siraulo mong kuya na uminom ng gamot, okay?" magiliw niyang pagka-usap dito at itinuro pa ako.

Mas siraulo ka!

"May sakit ka, kuya?" tanong nito at kinapa ang leeg ko. "Hala, ang init mo nga! Tinawagan kita kanina ah, bakit 'di mo sinabi na you're sick pala?" nguso nito at sinilip ang aking mukha.

Nakamot ko naman ang kilay ko bago kinagat ang aking ibabang labi. Wala akong maisip na dahilan...paano ba 'to?

"Naligo kasi kami sa ulan kahapon, hindi naman sinabi ni Gabriel na sakitin pala siya" biglang palusot ni Colton.

Napangisi ako, sanay na sanay magsinungaling ang loko!

"Ayan, he's sick na tuloy" dagdag niya pa at ngumiti na parang natatae.

Gago, ginaya niya 'yung sinabi ni Zoe!

"Bakit mo kasi siya pinaligo sa ulan?" simangot ni Zoe kay Colton, namewang pa ito.

Patago naman akong natawa habang si Colton ay na-caught off guard sa tanong nito.

"Ako, ba't ako? Siya kaya ang may gusto maligo sa ulan, sumahod pa nga 'yan sa tumutulong tubig mula sa bubong, alam ko may ihi ng daga yun eh, kadirdir" anito at umakto pang nadidiri.

What the fuck?!

BUMABA kami ni Zoe sa kotse niya at ang siraulong si Colton naman ay ngiting aso habang nakatingin sa akin.

Basagin ko kaya ang mukha nito?

"Bye Zoe! Alagaan mo ang kuya mo, masama yang pinapabayaan kasi natatanga" aniya at binulong ang panghuli pero rinig ko naman.

"Tang ina mo" I mouthed.

Todo halakhak naman siya.

"You're very much welcome" ngisi niya at kumaway kay Zoe sabay alis.

Hinilot ko ang sentido ko at marahas na napabuga ng hangin. 22 years old na ang lalaking iyon pero kung umakto ay parang five years old pa rin.

"Pasok na tayo sa loob, may sakit ka pala hindi mo manlang sinabi!" singhal niya sa tabi ko at pabiro pang pinalo ang braso ko.

Opo, nanay.

PUMASOK kami at ibinaba ko naman ang bag ni Zoe sa gilid. Dumiretso siya sa kusina at uminom ng fresh milk na kinuha niya sa ref namin saka ako binalikan.

Hawak niya na ngayon ang plastic bag na ibinigay ni Colton.

Mga gamot ang laman niyon at ilang vitamins para sa akin. Napa-iling naman ako sabay ngisi. Kunwari pa ang siraulong iyon, nag aalala lang naman para sa akin.

"Every six hours ang pag-inom mo nito, kuya...bawal ka magpuyat at kailangan mo rin nang sapat na tulog para gumaling ka agad, naiintindihan mo ba?" istrikta niyang wika habang masungit na nakatingin sa akin.

Nakamot ko agad ang batok ko bago tumango. Parang nanay nanaman siya. I scratched my brow while watching her.

Ini-scan niya ang papel na hawak at tumango-tango roon na parang naiintindihan niya ang nakasulat.

"Little doll, naiintindihan mo ba ang sinulat ng Doctor d'yan?"

"Opo...ganitong-ganito ka magsulat eh, nasanay na ako" aniya kaya nalaglag ang panga ko.

Grabe! Parang nilait 'yung handwriting ko.

"Medyo mas magulo pa nga ang sulat mo rito" dagdag niya kaya natutop ko nalang ang ibabang labi ko at hindi na nagsalita pa.

Adopting The Criminal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon