Chapter 25

3.6K 134 14
                                    

"HINDI ko kaya, Commander...baka himatayin ako."

Tawa sila nang tawa at napahawak pa sa tiyan nito si Colton. Tang ina nito, kapag siya naman ang nagkaganito ay tatawanan ko rin siya!

"Sus, OA! Kaya mo 'yan, sige na" Pamimilit sa akin ni Commander.

Napalunok naman ako bago lumakad.

Lumingon ako pabalik sa kanila, si Commander ay isang beses lamang na tumango sa akin kaya natutop ko ang ibabang labi.

Shit! Hingang malalim...Asan na ba siya?

Kagat ko ang ibabang labi at tumayo nang maayos habang nililibot ko ang aking paningin.

Maraming tao at busy din ang mga ito na nakikipagyakapan sa mga minamahal nilang matagal nilang hindi nakita.

"Where's my little doll?" mahinang tanong ko sa sarili at ibinulsa ang nanginginig kong kamay.

Literal din na parang bibigay ang tuhod ko at samahan pa ng malakas na kabog na dibdib ko. Shit, parang natutuyo pa ang lalamunan ko. Hindi ako prepared...biglaan naman kasi, medyo lukot pa ang suit ko na suot, Aish! Hindi pa rin ako nagpapagupit ng buhok. Fuck! Baka mamaya ay ang pangit ko pala ngayon!

No way!

Binasa ko ang ibabang labi ko bago ito kinagat at hinawi ang buhok ko para umayos kahit kaunti. Tumikhim ako at inayos ang sarili. Act normal, Gab.

"Shit!" mura ko nang biglang may yumakap sa likuran ko.

"I'm home..." malamyos na anito at nagsumiksik sa likod ko.

P-Putangina...

Napakurap-kurap ako at hindi malaman ang gagawin. It's her, I know that it's her hindi ako pwedeng magkamali. Eleven years had passed...pero ang epekto niya sa akin ay mas tumindi lamang.

Nakagat ko ang labi at maya-maya'y bukas ang bibig na hinabol ang aking hininga. I can't breath...I can't breath, Fuck! Zoe is back...She's back.

Hell, yeah!!

Pumatak ang luha mula sa mga mata ko at agad na hinarap siya. Laglag ang panga ko habang nagtutubig ang mga mata. Matunog akong ngumisi at tumingala sa itaas.

"Damn..." usal ko at agad siyang niyakap bago binuhat sa ere at inikot bago ko paulanan ng halik ang mukha niya. "Little doll...I miss you so much, miss na miss kita" iyak ko bago lumamlam ang mga mata at hinigpitan lalo ang pagkakayakap sakaniya.

My tears won't stop from falling. Tuloy ay para akong baliw na tumatawa habang umiiyak. She's here, totoo na 'to...hindi ko na ito panaginip or imagination, nandito na talaga siya at yakap ko. Totoong nandito siya at naririnig ko ang tawa niya.

Fuck, I miss her laugh.

Sinapo niya ang magkabila kong pisnge habang naiiyak na rin. "Miss na miss din kita" aniya.

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisnge ko atsaka masuyong hinalikan ito. This feels good, pakiramdam ko ay muling napunan ang patlang sa buhay ko. She's the only one who can make me feel like this. Ang pakiramdam na kapag hawak ko siya ay kumpleto ako, walang mali sa akin, sapat ako at mahalagang tao.

"You know what? I'm always crying every morning dahil tuwing gigising ako ay wala ka...I don't know what to do kaya kapag namimiss kita roon ay wala akong magawa kundi ang umiyak...'wag mo na ako papaalisin ulit kasi hindi na ako aalis. Dito nalang ako sayo, kahit kailanganin ko pang umalis ay hindi na talaga ako aalis!" hikbi niya at mas napaiyak pa lalo bago sumuksok sa leeg ko.

My little doll...

Hinalikan ko ang ulo niya at hinaplos ang kanyang buhok. "I won't let you go again. Hindi na, little doll...dito ka nalang palagi sa tabi ko kahit anong mangyari, okay?" wika ko at natutop ang sariling mga labi.

Adopting The Criminal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon