Chapter 36

3.3K 114 8
                                    

"I WANT to hear your explanation, so tell me...Bakit mo ako pinamigay sa ibang pamilya, Dada?" I asked sadly and my voice immidiately cracked.

Puno ng kalungkutan ang magkaibang kulay na mga mata ko habang nakatingin sakanya. Hindi lang nagkataon ang lahat. Akala ko noon ay baka nagloloko lang si Colton na magkahawig kami, pero habang tumatagal ay napapansin ko na rin ito mismo. He's my Dad...and I'm so hurt about that.

Why do you have to lie, Commander?

"G-Gabriel, anak..." nagtutubig ang mga mata na tawag sa'kin nito.

Umigting naman agad ang panga ko saka nagiwas ng tingin. So, this is how it feels like to be called 'anak' by my real father?

I'm happy, but my heart is aching at the same time.

Colton and River are both silent while refusing to look at me too. They knew...pero hindi manlang sila nagtangka na sabihin sa akin, haha great!

"He's your D-Dad?" hindi makapaniwalang wika ni Zoe.

She knew that I'm not Papa and Mama's real son, pero hindi niya alam kung sino ang mga tunay kong mga magulang. She looks hurt for me too at lumamlam ang mga mata niya nang tumingin sa akin.

"Yeah, but he doesn't want me, kaya nga niya ako pinamigay" Ngayon ay umiiyak nang tugon ko.

"Gabriel hindi ganoon 'yon"

"That's why I'm asking for your explanation! Sige nga, bakit huh? Bakit mo ginawa 'yon?!" tanong ko at tumaas ang aking boses bago marahas na tumayo upang harapin siya.

"Galit na galit ako sa mga magulang ni Zoe noon...kasi iniwan nila siya, Zoe was just a kid back then at hindi ko maintindihan kung bakit nila nakayang iwan siya doon, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang dahilan nila..." nanghihina kong wika. "Tapos ay malalaman ko na tulad niya, iniwan din pala ako ng tatay ko, at nang magkita kami at magkasama ng matagal na panahon ay hindi manlang niya tinangka na sabihin sa akin ang totoo" dugtong ko at tuluyang pumatak ng sunod-sunod ang aking mga luha.

"I was w-waiting...I was waiting for you to tell me the truth, Commander. 15 years na akong nagtatrabaho sa l'ombre, pero b-bakit kailan ay hindi mo sinabi? Alam mo bang kada araw na lumilipas ay umaasa ako na sana'y bigla mong sabihin sa akin ang totoo?" iyak ko at napuno ng hinanakit ang aking mga mata at tinig.

Natahimik ang buong silid at naramdaman ko ang paghaplos ni Zoe sa kamay kong naka-kuyom. Commander is also crying like me...ito ang unang beses na nakita ko ang pag-iyak niya. He also tried holding me pero agad akong umiwas.

Ang sakit. Buong akala ko ay sina Mama at Papa ang tunay na pamilya ko, ni hindi nga manlang pumasok sa isip ko ang posibilidad na ampon lang pala ako. Para akong puzzle na may missing piece...kaya pala ganoon ang pakiramdam ko tuwing kasama siya. I feel so safe, complete and happy whenever he hugs me. Kasi pala ay dahil siya ang tatay ko.

He looked at Colton and River kaya tumayo ang mga ito upang lumabas. Zoe also looked at me before giving ma an assuring smile.

"I'll wait you outside, everything's going to be fine, Gab..talk to him" bulong niya at masuyong ngumiti.

I closed my eyes when she kissed my forehead. Nang makalabas siya ay agad akong bumaling kay Commander.

Tumikhim siya at napuno ng luha ang kanyang mga mata. "Hindi ko gusto na ibigay ka, anak. M-Mahal ka ni Dada, mahal na mahal..." aniya na malamlam ang mga mata at hindi maituloy ang sinasabi dahil sa pagpiyok ng kanyang boses.

Natutop ko naman ang mga labi ko dahil sa panginginig nito. Parang tinatarak ang puso ko ng kung ano at tila nagbabara ang mga lalamunan ko dahil sa pagpigil na humikbi sa harapan niya.

"Mahal mo ako...pero bakit wala ka sa tabi ko? Bakit hindi ikaw ang kasama ko nung bata pa ako? Bakit ka wala? Bakit hindi ikaw ang nagpapatahan sa akin noon? Bakit hindi ikaw ang naging pakners ko imbes na si Papa?" Sunod-sunod na tanong ko at parang bata na umiyak sa harap niya.

"Bakit sa mga batang operators ka nagpapaka-tatay imbes na sa akin?" dagdag ko at napayuko saka pinunasan ang aking luha.

Walang tigil ang pagyugyog ng mga balikat ko. Parang sa isang iglap ay bata ulit ako, isang nagtatampong bata na humihingi ng atensyon sa mga magulang ko. Isang bata na umiiyak at nagaasam na aaluin ng mga magulang niya. I want to feel it again, that feeling where I'm not the merciless Captain of l'ombre, that feeling where I'm not a cold hearted Ceo. I want to feel weak...nang sa ganoon ay maranasan ko rin ang pakiramdam na ako naman ang dinadamayan.

I'm strong, but this strong man can feel tiredness too...

Napa-igtad ako nang bigla niya akong yakapin. Inalalayan niya ang ulo ko pasandal sa kaniyang balikat at kasabay nito ay ang mahina niyang pagtapik sa likod ko. Nakagat ko ang labi ko at sunod-sunod ang naging hagulgol ko habang yakap niya ako.

"S-Shhh...tahan na" nanginginig ang boses na alo niya pero mas lalo lang akong napa-iyak.

I cried my heart out in his shoulder. Nanginginig ang mga labi ko at puno ng hindi mawaring damdamin ang aking puso. I've been longing for this...ang tagal kong pinangarap ito mula nang malaman ko ang totoo. Ang tagal ko inisip ang bagay na ito, ang mayakap ang Ama ko, ang tunay na Ama ko.

"Nandito na si Dada, baby boy. Patawarin mo ako..." bulong niya at naroon ang sakit sa kaniyang tinig. "I'll give my best to explain everything, so listen to me, okay?" Bulong niya at iginiya akong umupo muli.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. My mind is clouded right now, I can't understand him. Hindi ko maintindihan at parang ayaw kong intindihin dahil alam kong masasaktan din naman ako kahit anong rason pa ang mayroon siya.

"Y-You we're just three years old that time nang maaksidente ang buong pamilya natin, kasama ang kibigan ko, si Arkiel" panimula niya at tumikhim.

T-They're friends..?

"Arkiel, Alonzo and I used to be best friends mula nang mga bata pa kami. we're three A's..." wika niya at mahinang natawa nang mahina. "Arkiel is the genius one, Alonzo is the sporty one, And me? Ako lang si Addison na basagulero" Aniya at napuno ng pait ang kaniyang tinig bago malungkot na ngumiti habang inaalala ang nakaraan.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. W-What the f*ck?

"You're friends with that f*cking Alonzo?" Igting Ang panga na wika ko bago ginawa ang aking tongue mannerism.

"Yeah, He was my friend, that fucking Alonzo" Aniya naman at tulad ko ay bumukol din ang dila niya sa loob ng pisnge.

"He betrayed us, kaming dalawa ni Arkiel...Putanginang Alonzo 'yon walang utang na loob ang tangina" dagdag niya at kinagat ang ibabang labi.

Napaatras ang ulo ko dahil sa malutong niyang pagmumura. Akong-ako, parang gusto kong sapuhin ang aking noo dahil tila nasa salmin talasa ako ngayon.

"Bakit ka nakatingin?" aniya.

"Magkamukha tayo, tch" irap ko.

"Aba! Hindi kana lugi, sa akin mo kaya namana ang ka-gwapuhan mo, Gabriel. Kaya 'wag kang gumaganyan" asik niya at ngumisi.

"Whatever, Dada" Irap ko at natawa naman siya.

After that ay ipinaliwanag niya sa akin ang mga nangyari noon, ang dahilan kung bakit ako napunta kina Mama...at kung paanong iniwan si Zoe ng mga magulang nito. Habang nakikinig sakanya ay parang ako ang nasasaktan dahil sa nangyari sakanilang magka-kaibigan...

That Alonzo is a pussy...

Adopting The Criminal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon