"COME here, little doll" tawag ko at tinapik ang espasyo sa tabi ko.
She's holding a bowl of popcorn in her hand. Pinanood ko naman ang paglapit niya at napangiti ako nang umupo siya sa tabi ko. Ibinaba niya sa coffee table ang mga dala niya. I cleared my throat before asking her.
"Ano gusto mong panoorin?" tanong ko at nag de-kwatro habang ang isang kamay ay nakapatong sa dulo ng sofa.
"Anything" kibit-balikat niya.
Tumaas ang kilay ko bago siya nilingon. "Anything?" ulit ko.
Tumango naman siya at humikab. Napakurap ako at napaayos ng upo saka siya tuluyang hinarap. "Are you sleepy na, little doll?" masuyong tanong ko at sinapo ang pisnge niya.
"Yeah" sagot niya at bahagya nang pumipikit ang mga mata dahil sa antok.
Natutop ko ang labi ko at marahang isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Nakalimutan kong galing pa nga pala siya sa flight. She's probably sleepy and tired.
"Sleep then. I'll carry you to your room once you're sleeping already" wika ko. "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na inaantok ka? Pinagluto pa tuloy kita ng popcorn" mahinang bulong ko na may bakas ng pagka-guilty.
Hindi na siya sumagot at kasunod nito ay ang mahina niyang paghilik. Bago siya tuluyang makatulog ay naramdaman ko pa ang pag amoy niya sa leeg ko kaya tumaas ang lahat ng balahibo ko. Pero kumalma rin naman ako nang madinig ang paghilik niya.
"You're toturing me, little doll" mahinang maktol ko habang tahimik lamang na pinakikinggan ang paghilik niya. "Bakit kasi ang ganda-ganda mo at sobrang mahal na mahal kita? It's unfair you know? I love you so much, but you're my little doll. And if I will court you right now, peoples would probably talk behind us dahil ang alam ng lahat ay pinsan kita" bulong ko at natutop ang aking labi bago napahinga ng malalim.
"Buti nalang talaga at wala akong pakialam sa kanila" ngisi ko bago hinalikan ang ulo niya at pinakatitigan ang maganda niyang mukha.
Kahit gaano ko siya kagustong makasama rito sa bahay ay hindi talaga pwede dahil baka hindi ako makapag-isip ng maayos, kaya kailangan niyang tumira sa unit na binili ko. Inaalala ko rin na baka hindi siya maging kumportable rito sa akin. So, I'll change my plans.
"Hindi ako magmamadali, Zoe" masuyo kong saad. "Hinintay na kita ng 17 years noon, at willing akong maghintay ulit kahit ilang taon pa. Hindi ako mapapagod sa hintayan na 'yan. Because waiting you is worth it. You're always worth it, Zoe" sinserong wika ko at hinaplos ang mukha niya saka siya marahang binuhat.
DINALA ko siya sa kwarto niya at hiniga roon. Tinakpan ko ang katawan niya ng kumot at maliit akong napangiti.
"Kung hindi mo ako pipiliiin sa huli ay masasaktan ako, but I will always respect your decision. That's how much I love you, Zoe, and I hope you know that" saad ko at lumabas na ng silid habang sapo ang aking dibdib na hindi na kumalma sa malakas na pagtibok mula kanina.
BUMALIK ako sa sala at pagod na binagsak ang katawan ko sa couch. Pinatong ko ang dalawang braso sa sandalan nito at tumingala sa kisame habang kagat ang ibabang labi ko.
"This hurts...a lot" buntong hininga ko.
I can't even tell her that I love her. I can't tell her that I love her not as a sister, not as a little girl, not as a cousin, family or friend but as a woman. But it hurts more knowing that she just loves me as her kuya. I wonder how it feels like if she'll call me by my name while saying I love you to me. Baka masiraan ako ng bait at bigla ko siyang mahalikan.
"Tamang imagine lang ng mga bagay na imposibleng mangyari" naiiling kong saad saka tinawagan ang secretary ko.
Sinagot naman agad nito ang tawag ko at sinabi ang schedule ng aking meeting and appointment. Pagkatapos ng tawag na iyon ay kumilos na ako para muling mag ayos ng sarili.
BINABASA MO ANG
Adopting The Criminal's Daughter
RomanceSynopsis: Gabriel Thunberg stumbles into an extraordinary journey when he unknowingly takes in Zoe Rodriguez, a girl with a hidden connection to a formidable criminal. As he navigates the aftermath of his parents' passing, Gabriel immerses himself i...