"HELLO, manong sorbetero!"
Pigil ko ang pagtawa habang gigil na nags-scoop ng ice cream si Colton. Magiliw niyang iniabot kay Zoe ang ice cream pero pagdating sa akin ay padaskol niya iyong binitawan.
"Galit ka, manong sorbetero?" asar ko pa kaya mas lalong nagpuyos sa galit ang mukha niya.
Inakbayan niya ako bago bumulong sa tenga ko. "Tangina mo, men" smooth na mura niya kaya natawa ako.
Umalis na siya pagka-tapos niyon. Kumaway pa muna pala ito kay Zoe bago lumakad palayo habang sumisigaw ng ice cream. Nakagat ko muli ang labi bago sumigaw.
"GOOD LUCK SA PAG-UBOS NG TINDA MO, MANONG SORBETERO!!" Sigaw ko.
Napahagalpak ako nang itaas niya ang gitnang daliri habang nakatalikod.
HABANG naglalakad-lakad kami ni little doll ay biglang umugong ang isang tugtugin mula sa malalaking speaker na nakapalibot sa buong lugar. Nagpapatugtog na ang music manager.
When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love
Will your eyes still smile from your cheeks...
"Gusto mo makilala ang boss ko, little doll?" tanong ko sakaniya.
"Pwede po ba?" tanong niya habang kumakain ng ice cream.
Tumango naman ako at ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya bago kami naglakad patungo sa music manager's room. Marami ang tao kaya mahigpit ang hawak ko kay Zoe.
The song is still playing and it's dominating the whole place habang palisaw-lisaw ang mga taong namamasyal tulad namin.
And darling I will be loving you 'til we're 7
And baby my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Oh me I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am~
Narating namin ang harap ng office ni Bossing bago ako kumatok ng tatlong beses. The door opened at sumalubong sa akin ang matanda.
Naka-wig ito na puti at may hawak na baston. "Oh, ikaw pala 'yan, Gabriel" anito na tila sinisipat pa ako.
Iginiya kami papasok nito. Naupo ako sa couch at agad namang tumabi sa akin si Zoe.
"Kapatid mo ang batang iyan?" tanong niya.
"Pinsan ko po, boss" sagot ko sabay tango.
Sinipat niya si Zoe at medyo naningkit ang mata niya kaya nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi.
"Hello po!" Bati ni Zoe at nagmano sa matanda.
Napangiti naman si Boss bago ginulo ang buhok nito. Pumunta siya sa table at kinuha ang isang balot ng candy para bigyan ng isa si Zoe.
"Oh, heto...ang cute-cute mo hija" aniya at humagikhik naman si Zoe.
"Thank you po" pasalamat niya and she giggled happily.
I watch her as she giggle happily and I can't stop myself from smiling too.
So honey now
Take me into your loving arms
BINABASA MO ANG
Adopting The Criminal's Daughter
RomanceSynopsis: Gabriel Thunberg stumbles into an extraordinary journey when he unknowingly takes in Zoe Rodriguez, a girl with a hidden connection to a formidable criminal. As he navigates the aftermath of his parents' passing, Gabriel immerses himself i...