Chapter 32

3.3K 122 14
                                    

I TOOK off my gloves and closed my eyes before taking a deep breath. Mula sa kinaroroonan namin ay tanaw ang isang isla sa malayo. Sa gitna ng islang iyon ay naroon ang isang malaking mansyon. Zoe's there and once I learned that she got hurt...magkakapatayan talaga kami ni Alonzo.

Nilingon ko ang tubig sa ibaba na at napangisi. Mula nang bata pa ako ay hindi talaga ako marunong lumangoy. Isa pa'y may trauma rin ako dahil noong bata pa ako ay muntik na akong malunod sa isang swimming pool. Kaya nga kahit malaki ang bakuran namin sa bahay ay walang pool na pinagawa sila Mama at Papa. Imbes tuloy na pool ay bodega ang pinagawa nila para sa akin para doon ko ilalagay ang mga lumang laruan at gamit ko na hindi ko nais itapon.

Napangiti ako nang maalala ang bodega namin sa bahay. Doon ko rati pinatulog at tinago si Zoe. Naaalala ko pa rin hanggang ngayon kung paanong nagigising ako noon sa madaling araw para lumipat sa bodega at doon matulog. Nananaginip kasi siya ng masama minsan kaya bago pa siya umiyak ay pumupunta na ako roon para haplusin ang likod niya atsaka ko siya kakantahan upang makatulog ulit siya ng mahimbing.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at napailing sa naiisip kong gawin. Siguro nga ay nawawala na talaga ako sa tamang pag-iisip tulad nang sinabi ni Colton. Mahina akong natawa bago pumasok sa isipan ko ang mukha ni Zoe. By just thinking of her beautiful face is already enough for my heart to beat wildly.

"Alam mo bang hindi ako marunong lumangoy?" natatawa kong wika at napamura naman siya.

"T*ngina, Cap! Alam kong wala ka sa tamang pag-iisip, per-" natigil siya sa pagsasalita nang hubarin ko na ang long sleeved uniform ko.

"Shit! Hintayin muna natin ang buong l'ombre, Cap, huminahon ka. Parating na sila River!" aniya at marahas na ginulo ang buhok niya dahil umamba na akong tatalon.

"How about...you wait for them and act as my back up while I'm doing my thing. Sounds good, right?" Ngisi ko at pinatunog ang aking leeg.

"It doesn't sounds good at al-PUTANGINA, CAPTAAAAAAIN!" Hiyaw nito ang huli kong narinig bago ako tuluyang tumalon.

I jumped. Kahit na hindi ako marunong lumangoy ay tumalon ako.

I don't care...fast learner naman ako.

Ito na nga rin siguro ang tamang panahon para matuto akong lumangoy.

Wait for me, little doll.

I closed my eyes tightly habang ang puso ko ay walang tigil sa pagkabog ng malakas. Takot na takot ako pero ang lahat ng takot ko ay nabura habang inaalala si Zoe. Her face, her voice, her giggles and ofcoarse, her sexy and hot as hell body that never failed to make my knees go weak.

Malakas akong napamura sa isipan nang bumulusok ang aking katawan pailalim sa malamig na tubig. I stayed calm despite of the loud beating of my heart. I can't f*cking die here. Nang maramdaman ko ang unti-unting pagkaubos ng aking hininga ay pilit akong lumangoy, kahit hindi ako marunong. Wala akong pakialam kung langoy aso, langoy baboy o kahit langoy dinousaur pa ang maging paglangoy ko. Ang importante ngayon ay makahon ako.

I need to survive, dammit!

Kinumpas ko ang mga paa ko pero mas lalo lang akong lumubog kaya sinubukan kong sumipa-sipa habang tila hinawahi ang tubig. Nang maramdaman ang pag-angat ng katawan ko ay mas ginanahan ako at mas ginalingan pa ang paglangoy ko na parang isang palaka na buntis.

Shit, ganito pala lumangoy...

Nang makaahon ako nang tuluyan ay agad kong hinabol ang aking hininga. I'm panting hard and my mouth is hanging low to catch my breath. Maya-maya ay natawa ako saka hinawi ang basa kong buhok. Hindi na ako lumubog muli dahil patuloy ang paggalaw ng mga paa ko. Sabi na at fast learner talaga ako.

Adopting The Criminal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon