Chapter 40

3.4K 105 2
                                    

"GABRIEEEEEEL!"

Napatalon ako sa gulat nang bigla siyang sumigaw mula sa likod-bahay. Natutop ko ang labi bago ito kinagat saka ako lumakad patungo roon.

She's standing in front of the bear while her eyes are sparkling. Sapo pa niya ang sariling labi at inilibot sa paligid ang kaniyang paningin.

Nakaayos pa rin naman pala ang mga hinanda namin doon. Hindi na nga lang kasing ganda noong gabi. Pero maganda pa rin namang tignan at maayos.

"Little doll..." tawag ko at lumapit sakaniya.

Niyakap ko siya mula sa likod at ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya. "Hey, say something, little doll" malambing na wika ko.

"A-Ano 'to? Bakit may pa ganito?" tanong niya at nagkakanda-utal pa.

"Ginawa namin 'to ni Colton, nagpatulong ako sakaniya. Diba I told you that I was planning to court you? Kaya ayan..." paliwanag ko.

Nagiinit ang pisnge ko kaya tinago ko iyon sa leeg niya. Hinaplos naman niya ang ulo ko bago pinatakan iyon ng halik kaya muli akong napatunghay upang titigan siya.

She's so beautiful, I can't...

"You prepared all of this...for me?" aniya at bakas ang kasiyahan sa mga mata niya.

"Hmm" sagot ko at tumango.

Sandali siyang natahimik bago ako hinarap ng tuluyan. She looked at me seriously kaya napalunok ako.

"Why are you lookin-"

"I love you" putol niya sa sasabihin ko.

Natulala naman muna ako bago nag-unahan sa pagtibok ang puso ko. I bit my lower lip trying to suppress my smile but I can't. Kumawala ang isang ngiti sa labi ko bago pinanggigilan ang pisngi niya.

"Ang daya mo...ginugulat mo ako lagi sa mga biglaan mong 'I love you' parang ako tuloy ang babae sa atin dahil kilig na kilig ako" nguso ko at natawa naman siya.

"It doesn't make you less of a man" kindat niya at kinurot ang abs ko.

Nanlaki naman ang mata ko bago siya pinakatitigan.

"Aba! chansing ka na, little doll ah!" biro ko at ngumisi.

"Ah talaga? See this?" aniya at tinuro ang singsing sa daliri niya. "We're engaged, Captain" ngisi niya at sinapo ang dalawang pisnge ko.

"Pinilit mo lang naman ak-Aray!" daing ko habang tumatawa nang hinampas niya bigla ang braso ko.

"You said 'yes' kaya anong pinilit ang sinasabi mo diyan?!" nanlalaki ang mata na aniya kaya malakas akong napa-halakhak.

"Damn, little doll. Araw-araw nalang talaga ay naiinlove ako sayo" sinserong wika ko at mabilis na pinatakan ng halik ang labi niya.

HABANG papasok sa loob ng bahay ay napapanguso nalang ako. Isang beses pa akong napa-irap bago bumubulong-bulong na pinagbuksan siya ng pinto.

"Pasok na!" padaskol na wika ko.

"Are you mad?" tanong niya.

I sighed before rolling my eyes. "No" tanging tugon ko.

Nagkibit-balikat naman siya bago pumasok na. Halos tunawin ko sa masamang titig ang teddy bear na yakap-yakap niya. Damn that teddy bear!

Kanina nang iabot ko sakaniya ang teddy bear ay awtomatiko siyang bumitaw sa yakap ko. Pinanggigilan niya yung bear at hinalik-halikan pa. Laglag ang panga ko kanina habang pinapanood siya.

"I'm going to burn that teddy bear, I swear" I said while clenching my jaw.

Napamura ako sa isipan nang makitang umupo siya sa sofa at kinandong pa sa hita niya ang malaking bear.

Adopting The Criminal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon