THE first week wasn't easy, may mga oras na bigla nalang akong magbe-breakdown. There are times na gusto ko nalang sana sumuko. I'm exhausted, my whole body is aching at nakukulangan na rin ako sa tulog.
Sa umaga bago pumasok ay nagde-deliver ako ng mga newspaper sa kapit-bahay. Tapos ay papasok ako at ihahatid muna si Zoe sa school niya, sa hapon naman ay ganoon din.
Uuwi ako sa bahay at magluluto ng hapunan namin, aalis ulit para magtrabaho sa palengke bilang kargador at ang balik ko ay alas-dies na dahil pagtapos mag buhat sa palengke ay suma-side line pa ako sa malapit na carinderia bilang taga-hugas ng plato.
Hindi ko nga alam kung paano ko naisisingit ang tulog sa mga iyon. Napapansin na ng mga teacher na madalas ang pagtulog ko sa klase. Paano ba naman akong hindi makakatulog, feeling ko'y bugbog sarado ang katawan ko.
It's been a month since that day. Matamlay pa rin ako at hindi makausap nang maayos kaya nga hindi ako masyadong kinukulit nila Jimbo at ng mga classmate ko.
Narito ako ngayon sa loob ng klase namin pero ang isip ko ay wala sa sinasabi ng guro. Sinusubukan ko kasing i-compute sa isip ko kung magkakasya ba sa lahat nang gastusin namin ni Zoe ang apat na daang kinita ko.
Maya-maya'y may isang estudyanteng babae na sumilip sa classroom namin. Napabaling naman ang mga kaklase ko roon, especially boys. Babae kasi ang nandoon at member ng dance troupe sa school namin.
"Good morning, Miss Rosales...excuse lang daw po kay Gabriel" anito kaya napakunot ako.
"Chicks 'yan pre ah, gwapo mo talaga" bulong nang luko kong katabi at halatang nang-aasar.
"Bakit, anong kailangan? We're in the middle of our class...kung hindi naman mahalaga ay mamaya nalang" istriktang sagot ni Ma'am.
Natahimik naman ang mga nang aasar kong kaklase.
"Si Principal po ang nagpapatawag, Miss" ngiwi ng babae.
Tumango naman si Ma'am at bumaling sa akin. "Pinatatawag ka raw ni Principal, Thunberg" wika niya kaya tumayo ako.
"Tara na, baby" segunda ng babae kaya nagsipulan ang mga kaklase ko.
Iyong mga babae naman na kaklase ko ay laylay ang mga balikat. Mahina akong natawa nang pagalitan sila ni Ma'am. Buti nga.
"Bakit daw ako pinapatawag?" baling ko sa babae habang naglalakad kami.
I don't even know her name.
"Hindi sinabi, basta raw ay tawagin kita" sagot nito habang mahinhin na nilalagay sa likod ng tenga niya ang ilang hibla ng kaniyambuhok.
Okay...
PAGKARATING sa harap ng principal's office ay hinarap ko siya ulit.
"Salamat, pwede mo na 'ko iwan" sabi ko pero ako naman ang umalis para pumasok na sa loob.
Siguradong aalis din 'yon doon, pero kung hindi siya aalis...aba'y matindi!
"Good morning po" magalang kong bati kay principal matapos kumatok at buksan ang pinto.
Hindi pa ganoon katanda ang principal namin. Kasing edaran lang siguro ni Papa ito. Mukhang masungit ito, pero hindi naman. Pala ngiti pa nga kung tutuusin.
Nang magkasalubong ang mata namin ay may kung anong tila pumitik sa aking puso. Hindi ko maintindihan kung ano. Nagulat din si principal at napatitig sa mga mata ko.
"Come in. Have a sit, hijo" anito kaya umupo naman ako.
Napapikit ako dahil kanina pa talaga nananakit ang likod at balikat ko. Naagaw niya ang atensyon ko nang tumikhim siya.
BINABASA MO ANG
Adopting The Criminal's Daughter
RomanceSynopsis: Gabriel Thunberg stumbles into an extraordinary journey when he unknowingly takes in Zoe Rodriguez, a girl with a hidden connection to a formidable criminal. As he navigates the aftermath of his parents' passing, Gabriel immerses himself i...