Prologue: Loving The Ace Player
———————————Her POV
Apat na taon na ang lumipas mula nung umalis ako ng Japan at pumuntang Amerika.Hindi ko aakalaing babalik at babalik ako sa lugar kung saan ako ipinanganak upang doon ko ipagpa-patuloy ang aking pag-aaral at doon maglaro ng basketball na matagal ko ng pinapangarap.
"Ichika"-isang tinig ang bumasag sa pagmamanman ko,nilingon ko naman ito at bumungad sakin si Azami ang nag-iisa kong kaibigan dito sa Amerika.Tumabi ito sakin at binaling sa labas ng bintana ang tingin.
"Kailan pala ang alis niyo?"-tanong nito.
"Mamayang hapon na"-nakangiting sagot ko."Ganon ba?,hanggang kailan naman kayo roon?"-tanong niyang muli.
"Hindi ko alam,baka doon na kami"- tumingin ito sakin saka nagsalita. "Ichika, maghintay ka don ha,balang araw pupunta ako ron para bisitahin ka kaya mag-iingat ka don"-seryosong saad nito sakin na ikinatango ko nalang bilang tugon.
(Time skip*)
"Mag-iingat kayo doon ha,sabi ko naman sayo bibisita ako don isa pa,wag ka ng makikisangkot sa gulo naiintindihan mo dahil wala ako don para tulungan o pagtakpan ka kaya magbago ka na ha"- sermon sakin ni Azami na ikinatawa ko nalang.
"Sus wag mokong tawanan diyan"-pagta- taray nito sakin."Wag kang mag-alala Azami gagawin ko makakaya ko para lumayo sa gulo, pero ibang usapan na kapag ang gulo mismo ang lumalapit sakin"-natatawang saad ko."Che!,basta ha mag-iingat kayo doon"-paalala niya pa.
"Yes ma'am"-sabay kaming napatawa matapos kong sabihin iyon at muli kaming nagyakapan at nagpaalam sa isa't isa saka na kami dumiretso ng pamilya ko sa loob ng eroplano at umupo sa assigned sit namen.
Ano kayang mangyayari sa pagbalik ko sa lugar kung saan ako pinanganak?. Sana naman maging maayos ang kinalalagyan ko don at makapagrelax naman kahit minsan hehe.....
"We will be flying at x feet please remain seated"-tinig na nagmumula sa speaker ang narinig namin,ipinikit ko nalamang ang mga mata ko at natulog.
*****
Title:Loving The Ace PlayerGenre:Teenfic,Fabric
Author:Daishen_blue
———
PS:Ang istoryang to ay kathang isip lamang at gawa gawa ng malawak kong imahinasyon.
YOU ARE READING
LOVING THE ACE PLAYER [On-going]
FanfictionSa pagtungtong ni Ichika Yoshiko sa paaralan ng Shohoku ay makakakilala siya ng taong siyang magiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.Lalaking makapagbibigay sakanya ng labis na kasiyahan at higit sa lahat,ang lalaking hindi niya aakalaing...