Chapter 2: Loving The Ace Player
——————————
Third Person's POV
Pumosiyon na ang lahat sa court at hinihintay ang pito ng referee para magsimula na ang laban.Ang maglalaban ngayon sa jump ball ay si Sakuragi at si Hayato.Nasa 192 cm na ang tangkad ni Sakuragi habang si Hayato naman ay nasa 194 cm ang tangkad.
Pumito*
Sabay na tumalon si Hayato at Sakuragi para tampalin ang bola pero dahil nga sa di hamak na mas mataas ang talon ni Sakuragi kaya't siya ang nakatampal ng bola papunta sa gawi ni Rukawa na agad naman nitong nasalo.
"Ahhh Rukawa that's mine,ibalik mo sakin yan"-dali siyang tumakbo ng mabilis para habulin si Rukawa. "Grabe ang taas na nga niyang tumalon ang bilis pa niyang tumakbo ibang klase"-sa isip ni Hayato habang tumatakbo para habulin ang may hawak ng bola. Mabilis na nakapunta sa gawi ni Rukawa si Akio at hinarangan ito na ikinagulat ng lahat.
"Ibang klase naabot niya pa si Rukawa at nagawang harangin"-manghang napasambit naman si Ichika habang nakatuon ang paningin sa laro habang sa court naman ay seryosong nagdri-dribble si Rukawa at nagp-plano ng gagawin nitong galaw para makalusot sa dumidepensa sakanya,hanggang sa....
"Pasa"-napatingin sila Rukawa at Akio kay Miyagi na nagsalita, pumosisyon naman ito na ipapasa ang bola kay Miyagi na agad nabasa ni Akio at hinarangan pero."Ano nagfake siya"-gulat na napasambit si Akio ng makalusot si Rukawa sakanya at mabilis na nakagawa ng isang lay-up shot, sa ngayon ang score ay two zero na.
Ball dribbling*
Nasa team ng mga freshmen ang bola at naka'y Hiroshi ang bola,agad siyang binantayan ng vice captain nilang si Mitsui.Mahigpit ang depensa sakanya ni Mitsui kaya hindi ito makalusot pero.
"Three points"-napasambit si Haruko. Pumosisyon na si Hiroshi para mag three points saka nito binitawan ang bola pero nagulat ito ng matampal ni Mitsui ang bola."Papanong?"-napasambit nalamang siya dahil dito."Three pointer ako Hiroshi kaya madaling basahin ang sinpleng galaw na ginawa mo"-sagot naman sakanya ni Mitsui.
Naka'y Miyagi ang bola at lahat sila ay nasa kabilang court na,si Yasuda naman ang nagbabantay sakanya, kalamadong dinribble nito ang bola at tahimik na pinagmamasdan ang team mate's niya, doon niya nakita si Rukawa na binabantayan ni Akio. Walang pag-aalinlangan nitong pinasa kay Rukawa ang bola na agad naman niyang sinalo at mabilis na gumawa ng jump shot.
"Ang bilis"-namamanghang saad ni Akio matapos makitang pumasok ang bola sa Ring."Grrrrrr tama na yang pagpapasikat mo Rukawa"-habang si Sakuragi naman ay naiinis na rito.
"Kyahhhhh ang galing galing mo talaga Rukawa!"-umalingawngaw ang sigaw ng tatlong tagahanga ni Rukawa kaya naman ma's lalong nainis si Sakuragi.
"Pwede ba magsi tahimik nga kayo hindi ako nakakapag konsentrate sa laro ko eh"-inis na saad ni Sakuragi. "Wala kaming pake-alam ang mahalaga sinu-suportahan namin siya"-mataray na saad nung isang tagahanga ni Rukawa."Tama, as if naman ang galing galing mo ni wala ka ngang binatbat kay Rukawa."-saad naman ng katabi nito na sinang-ayunan ng dalawang kasama niya.
"Grrrrr shatappp akala niyo naman kinaganda niyo yang pagche-cheer niyo kay Rukawa mga panget!"-inis na sigaw sakanila ni Sakuragi.
"Anong sabi mo"-nangagalaiting saad ng tatlo."Wala,wag nanga kayong sumigaw nagmumukha tuloy kayong kapatid ni bakulaw nyahahaha—arayyyyyy"- napa- daing ito sa sakit ng batukan siya ni Mitsui.
YOU ARE READING
LOVING THE ACE PLAYER [On-going]
FanfictionSa pagtungtong ni Ichika Yoshiko sa paaralan ng Shohoku ay makakakilala siya ng taong siyang magiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.Lalaking makapagbibigay sakanya ng labis na kasiyahan at higit sa lahat,ang lalaking hindi niya aakalaing...