Chapter 1: Loving The Ace Player
——————————
Namulat ko ang mga mata ko ng gisingin ako ni Hatsumi ang kapatid ko."Ate nandito na tayo oh"-saad nito,nag-unat unat naman ako at inayos na ang sarili para sa pagbaba sa eroplano.Matapos kunin ang mga bagahe ay agad na kaming lumabas sa airport at sumakay ng sasakyan papunta sa bahay namin.
(Time skip*)
"Baba na"-binuksan ko ang pinto ng sasakyan at bumaba rito,bumungad naman sakin ang dati naming tinitirhan, masasabi kong walang nagbago dahil maganda parin itong tignan,hindi na nakapagtataka dahil dito parin naman naninirahan sila mama at papa pag meron silang business trip.Pumasok na kami sa loob at ako naman ay dumiretso na sa dati kong pinagtutulugan.Agad akong humiga at nakangiting tumingin sa kisame.
'Namiss ko talaga ang lugar na ito'-sa isip ko.
Matapos magmuni muni ay tumayo rin ako para ayusin ang mga damit ko at alisin narin ang mga bagay na hindi ko na magagamit dito sa kwarto. Tinago ko sa kahon ang mga lumang damit at mga laruan ko noon saka ko ito nilipat sa storage room pagkatapos ay pinalitan ko narin ang mga bagay na dapat ng palitan saka ako naligo at bumaba para makapaghapunan.
"Siya nga pala naayos ko na ang mga dapat asikasuhin sa pagt-transfer niyo ng paaralan kaylangan niyo nalang itong ipasa sa principal's office, pinaghiwalay ko kayo ni Hatsumi ng paaralan kaya hindi kayo magkakasabay sa pagpunta sa skwela niyo at pag-uwi"-paliwanag samin ni mama." Saan niyo po ba kami trinansfer ma?"-tanong ng kapatid ko kay mama."Ikaw Hatsumi doon ka sa Kainan High at ikaw naman Ichika ay sa Shohoku ka mag-aaral"-nakaismid niyang saad na ikinatango ko nalang at pinagpatuloy ang pagkain.
Pagkatapos kumain at magsepilyo ay dumiretso na ako sa kwarto at nagpahinga dahil bukas na ang simula ng skwela.
Kinabukasan*
Nagising ako sa sinag ng araw,agad akong nagtungo sa banyo para maligo at magpalit ng uniporme para sa unang araw ng pagpasok sa skwelahan. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako para makapag-almusal.
"Si Hatsumi?"-tanong ko ng mapansing wala siya sa hapag kainan."Nauna na siya sabi niya may gagawin pa raw siya kaya ayon pinayagan ko nang umalis"- sagot ni mama napatango tango nalang ako at nagsimula ng kumain.
________
Nandito na ako sa harap ng Shohoku High School, pumasok na ako at dumiretso sa principal's office para ipasa ang requirements ng pagt-transfer ko dito.Pagkatapos non ay nagtungo na ako sa classroom ko at bumungad sakin ang konting studyante,masyado pa namang maaga kaya nagtanong ako sa kaklase ko kung saan naroroon ang gymnasium saka ako nagpunta doon.
Gym*
Pagpasok na pagpasok ko ay bumungad na sakin ang mga studyante na naglalaro ng basketball, matatangkad sila pero may iisang maliit sakanila,masasabi kong siya siguro ang Team Captain dahil sa kilos nito.Nag-uusap sila ng mapansin nila akong nakatingin sakanila kaya nabaling sakin ang kanilang atensyon.
"Ah hello miss may kailangan ka ba?"-tanong nung lalaking kulay dark blue ang buhok."Ah gusto ko lang sanang makita ang gym na ito bago pa kasi ako dito sa Shohoku at balita ko may naglalaro raw dito ng basketball kaya ako nagpunta rito para manuod"-paliwanag ko sakanya.
"Ah ganon ba,siya nga pala anong year ka na pala"-muli nitong tanong."Bakit mitchi may balak ka bang ligawan siya ikaw mitchi ah dumadamoves ka —arrayy"-napadaing ang lalaking may pulang buhok ng batukan siya nung lalaki."Gunggong ka talaga kahit kailan"-inis na saad nito sa lalaking may pulang buhok.
YOU ARE READING
LOVING THE ACE PLAYER [On-going]
FanfictionSa pagtungtong ni Ichika Yoshiko sa paaralan ng Shohoku ay makakakilala siya ng taong siyang magiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.Lalaking makapagbibigay sakanya ng labis na kasiyahan at higit sa lahat,ang lalaking hindi niya aakalaing...